ANG PAGIGING INA NG DIYOS NI MARIA
(Mula sa ating Katotong Admin Leonard Aquino)
Bakit lagi nating tinatawag si Maria bilang Ina ng Diyos?
Mababasa natin sa Biblia na si Maria ay tinawag ng Diyos upang ipagdalang-tao si Hesus na kanyang anak. Dahil dito si Maria ay naging ina ng Diyos, hindi dahil sa siya ay isang diyosa kundi dahil siya ang naging ina ni Hesus na parehong tunay na diyos at tunay rin naming tao. Ayon sa Katesismo Para sa mga Pilipinong Katoliko # 545: Maliwanag na itinuturo ng mga Ebanghelyo na si Maria ay hinirang ng Diyos na “maglilihi at manganganak ng isang lalaki na tatawaging Hesus, ang anak ng kataas-taasan.” (Lu 1:31)
Si Maria ay ina ng Diyos sapagkat siya ay ina ni Hesus, ang Diyos na nagkatawang-tao. “Napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at buong galak na sinabi kay Maria, ‘Pinagpala ka sa mga babae at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan. Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon?’”
Bukod sa pagiging Birheng Ina ni Maria, sa Krus ay ibinigay ni Kristo si Maria upang maging espiritwal na ina ng lahat ng kanyang disipulo.
Hindi ba’t sabi sa Biblia, “Mula pa sa simula hanggang sa walang hanggan, IKAW AY DIOS” (Awit 90:2)? So meaning, walang Maria. Otherwise, mas nauna pa siya sa Dios. At si Cristo, sya ang Alpha at Omega sa Apocalipsis 1:8.

The Splendor of the Church
ANG SAGOT NAKASULAT NA SA TAAS. SI MARIA AY INA NG DIOS DAHIL SA PAGKAKATAWANG TAO NI JESUS… ANG PAGIGING INA HINDI NAKA DEPENDE SA KUNG SINO ANG UNA KUNDI KUNG SINO ANG NAGBUNTIS AT NANGANAK. SINO BA ANG NAGBUNTIS SI MARIA O SI JESUS? HE HE HE SINO ANG NANGANAK SI MARIA O SI JESUS? HE HE HE
SI JESUS AY DIOS NI MARIA KASI SI JESUS ANG LUMIKHA KAY MARIA… SUBALIT INA NI JESUS SI MARIA KASI SI MARIA ANG NAGLIHI, NAGBUNTIS AT NANGANAK KAY JESUS. SO DAHIL DIOS SI JESUS KAYA INA NG DIOS SI MARIA. HE HE HE… E MAS NAUNA SI JESUS KAY MARIA? YES!!! SO WHAT? SI MARIA PA RIN ANG NAGLIHI, NAGBUNTIS AT NANGANAK SA KANYA KAYA INA NIA IYON… KAYA INA NG DIOS SI MARIA KE NAUNA SI JESUS O HINDE. HA HA HA