SI JESUS ANG DIOS NA TOTOO
Ang Poong si Jesu-Cristo
Ay huwaran na tao
Bantog siya sa buong mundo
Sa Biblia’t historiador
Kakaiba siyang totoo
Higit pa siya sa propeta
Siya ay Anak ng Dios Ama
Pinatunayan ng tanda
Pinagaling niya ang madla
At lumakad siya sa dagat
Pinakain ang libu-libo
Ng isda’t tinapay na ito
Kumain ang mga tao
Sinabi tunay nga ito
Ang Propetang Hari ng mundo
Sa Templo ay sinabi niya
Ako’t Ama ay iisa
Dumampot ang Judiong tanan
Pagkat siya daw tao lamang
At hindi Dios na Lumikha
Nung nasa bahay nI Kaipas
Ang paring Judio na ungas
Tanong Ikaw ba’y Mesias
Ang Anak ng Poong Mahal
Ang sagot niya ay AKO NGA
Siya ay ipinako sa krus
Ang Dakilang Manunubos
Na kung umibig totoo
Wala siyang sama ng loob
Kundi pinatawad tayo
Napatunayan niya na Dios siya
Sa muli niyang pagkabuhay
Nakita ni Tomas na nagdududa
Panginoon ko at Dios tunay
Ikaw ay muling nabuhay
Kaya’t kundi Dios si Jesus
Maari’t siya’y manloloko
O may sira sa ulo
Kaya’t hindi na uusbong
Ang Kristyanismong relihion
Ang Iglesia Katolika
Ang patunay na Dios nga siya
Pagkat sinabi niya Ikaw ay Pedrong tunay
sa iyo ko itatatag
Ang Iglesia kong dalisay
Purihin ang Poong Jesus
Na inalay buhay sa krus
Dahil minahal niya tayo
Tinatag niya Katoliko
Bilang saksi niya sa mundo