- Concern ni Kapatid na Kristoffer Torralba at kasagutan ng Splendor of the Church
Sino sa inyo dito ang nayayamot tuwing makikipag usap kayo sa inyong mga friends na Born Again?
Ilan sa kanilang mga pinaka-nakakainis na banat ay ang mga sumusunod:
1. Hindi tayo ililigtas ng religion. All we have to do is accept Jesus as our personal Lord and Savior and we’re saved.
-ano kaya ang inilalagay nila sa “religion” section ng bawat form na fini-fill-up-an nila? Di ba Born Again Christian?
kasagutan: (click here)
2. Dati akong Katoliko. Pero mula ng makilala ko ang Lord at naging CHRISTIAN, nagbago ako.
-sa paraan ng pagsasalita nila para bang hindi KRISTIYANO ang mga Katoliko.
kasagutan: (click here)
3. Making sign of the cross is blasphemous because Catholics are like crucifying Jesus again and again whenever they do that!
-ayaw sa tanda ng krus pero may mga krus sila sa mga churches nila. So kapag Catholics ang nagpugay sa krus blasphemous? Pero pag krus nila ok lang?
kasagutan: (click here)
4. Hindi naman talaga nanay ni Jesus si Mary.
-eh ano Niya? Tita????
kasagutan: (click here)
Pero ano nga ba talaga ang gusto kong iparating sa post na ito?
Tayong mga Catholic Apologists ay masyadong concentrated sa pagtuligsa sa mga INM. Don’t we know that their membership is not getting any larger? Siguro masyado lang malakas ang impact sa atin ng mga pang-aasar nila pero ang totoo they are now in their downfall.
kasagutan: (ginagawa na natin ito kapatid, ang problema, click sa kanilang atupagin ang mga manalista kesa sa mga BA, hindi kasi threat sa kanila ang BA though nakakabahala din naman, kaya may section ang website ng Born Again)
What about the Born Again Christians? Siguro mas mabuti silang makisama sa ating mga Katoliko dahil hindi sila kasing sama ngga INC kung bumanat. Most of the times they opt not to open religious debates with us. Kaya naman hindi rin tayo masyadong nagdedevote ng oras para supalpalin sila.
But heretics are heretics.
Ang pagiging silent type nila ay ang teknik nila para lumago sila ng lumago. Nakaka alarma na ang pagdami nila at hindi natin namamalayan kung gaano sila kabilis dumami. Sa kasalukuyan, 80% sa mga Pilipino ay Katoliko pero ang totoo, marami sa 80% na ito ay mga nominal Catholics na lang. Mga Katoliko sa pangalan pero Born Again ang pag iisip.
Siguro dapat mas lalo nating bigyan ng pansin ang mga kapatid nating unti-unti ng nalalason ng mga born again pastors. It’s never too late to rescue them.