Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

CONTRA BA SA PAGKA-DIOS NI CRISTO ANG JUAN 17:3? By Jonathan Loqez

$
0
0
Jesus is the Lord of Lords and King of Kings. The angels worship Him as Lord and God.

Jesus is the Lord of Lords and King of Kings. The angels worship Him as Lord and God.

 

Jonathan Loquez
4/1, 7:19pm
Jonathan Loquez

[OBJECTION: Ayon sa Juan 17:3, ang dapat kilalanin bilang iisa at tunay na Diyos ay ang Ama lamang. Kaya malinaw na hindi Diyos si Cristo dahil Siya man ay may kinikilalang iisa at tunay na Diyos, ang Ama.] 

RESPONSE: KUNG SUSURIIN PONG MABUTI ANG TALATA(JUAN 17:3), HINDI PO ITO TUMUTUTOL SA PAGKA-DIYOS NI CRISTO BAGKUS ISANG PAGHAHAYAG NA SI CRISTO AY TOTOONG DIYOS RIN.

Juan 17:3, “Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, AT si Jesu-Cristo na iyong sinugo.”

ANG NAIS PONG SABIHIN NG TALATA AY KILALANIN NATIN ANG NAGSUGO(AMA), “AT” ANG SINUGO(ANAK).

Naipakilala na po ni Cristo ang Ama (Juan 17:4, “Inihayag ko rito sa lupa ang iyong karangalan; NATAPOS ko na ang ipinagagawa mo sa akin.”). Paano naman makikilala ang Anak? Basahin po natin ang kasunod na talata:

Juan 17:5, “Kaya Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang KARANGALANG TAGLAY KO sa piling mo BAGO PA LIKHAIN ANG SANLIBUTAN.”

MALINAW PO NA INIHAHAYAG NI CRISTO ANG KANYANG PAGKA-DIYOS SA PAGSASABING “EXISTIDO” NA SIYA BAGO PA LIKHAIN ANG SANLIBUTAN. SI CRISTO SA SIMULA PA’Y SIYA NA(1Juan 2:13-14).

Juan 1:1-2, Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa.

Juan 8:58, Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa inyo: bago ipinanganak si Abraham, ‘Ako’y Ako Na’.”

1Juan 1:1, Sumusulat kami sa inyo tungkol sa kanya na sa simula pa’y siya na, ang Salita na nagbibigay-buhay. . . Ano po ba ang karangalang taglay ni Cristo sa simula pa? Ang pagiging “Anak”

KAYA HIGIT NA DAKILA ANG ANAK KESA SA MGA ANGHEL.(cf. Heb. 1:4-5). Lahat ng anghel ng Diyos ay dapat sambahin ang Anak (cf. Heb. 1:6).

Ano po ba meron sa pagiging Anak? Nang susuguin na ng Diyos ang kanyang bugtong Anak sa sanlibutan, ito ang kanyang sinabi:

Heb. 1:8,10, Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O DIYOS, ay magpakailanman, Ikaw ay maghaharing may katarungan.” …”Sinabi pa rin niya, “Ikaw, PANGINOON, ang lumikha ng sangkalupaan. At ang iyong kamay ang gumawa ng sangkalangitan.”

MALINAW PO NA ANG ANAK AY “DIYOS” at “PANGINOON”.

Juan 20:27-28, “Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.” Sumagot si Tomas, “PANGINOON ko at DIYOS ko!” 

KAYA KUNG SUSURIIN PO NATIN NG BUONG INGAT ANG TALATA (JUAN 17:3), ANG NAIS IPABATID PO SA ATIN NI APOSTOL JUAN AY KILALANIN NATIN PAREHO ANG AMA (NAGSUGO) “AT” ANG ANAK (SINUGO) PARA MAGKAMIT NG BUHAY NA WALANG HANGGAN. DAHIL ANG MGA HINDI KUMIKILALA SA AMA “AT” SA ANAK AY MGA ANTI-CRISTO.

1Juan 2:22-23, Sino nga ang sinungaling? Hindi ba ang tumatangging si Jesus ang Cristo? Ito nga ang anti-Cristo: ang ayaw kumilala sa Ama at sa Anak. Ang di kumikilala sa Anak ay di rin kumikilala sa Ama. Kapag tinanggap ninuman ang Anak, pati ang Ama’y sasakanya.

Juan 17:3, “ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, AT si Jesu-Cristo na iyong sinugo.”

1Juan 2:24-25, Pakaingatan ninyo sa inyong puso ang narinig ninyo sa simula pa. Kung gawin ninyo ito, mananatili kayo sa Anak AT sa Ama. At ito ang ipinangako sa atin ni Cristo: BUHAY NA WALANG HANGGAN.

Manatili po tayo sa turo ng Panginoon. Sinumang nananatili sa turo ni Cristo ay pinananahanan ng Ama at ng Anak (2Juan 9).

2Juan 10-11, Sinumang dumating sa inyo na ibang turo ang dala ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, ni huwag ninyong batiin. Sapagkat ang bumabati sa kanya ay nagiging kaisa niya sa masamang gawain. 

Pro Deo Et Ecclesia!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles