BAKIT KAILANGAN PANG MANGUMPISAL SA PARI by Lay Person Scripturist
Tanong:
Bakit Kailangan Pang Mangumpisal Sa Pari? Bakit kailangang mangumpisal tayo sa Pari, gayong pareho naman tayong tao na makasalanan? Hindi po ba pwedeng dumeretso sa Diyos na makapangyarihan sa lahat? Hindi po ba salungat sa 1 Juan 1:9 at Marcos 2:7 ang ginagawa ninyo?
Sagot:
1.) BAKIT KAILANGAN PANG MANGUMPISAL SA PARI?
Dahil sa pari Ibinigay ang awtoridad ng pagpapatawad.
“Ang patatawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga, subalit ang hindi ninyo patatawarin ay hindi nga pinatawad.”
(Juan 20:23)
Awtoridad ng pagpapatawad ay ibinigay ni Cristo kay San Pedro.
“Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit.”(Mateo 16:19)
Ang argumento ng ibang relihiyon tungkol sa talatang ito ay hindi naman daw ibinigay sa mga pari ang awtoridad sa pagpapatawad ng mga kasalanan, dahil ito daw ay ibinigay lamang sa mga apostol ni Cristo.
Ang mga taong sinugo ng Diyos para maglingkod sa kanya ay kailangan ng kapalit o tinatawag nating “Successor”, at alam ni San Pedro bilang tao na darating ang panahon na mamamatay sya at kailangang may pumalit sa kanya.
Sino po ang mga inanyahan ni San Pedro?
“Tulad ng mga batong buhay, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga PARING itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya alang-alang kay Jesu-Cristo.”(1 Pedro 2:5)
Kung mapapansin natin sa greek ang stone ay “λίθος” o “lithos”, stone, boulder; this can refer to stone as a material or substance, and to a stone as a piece of rock.
At kung ihahambing po natin ito kay San Pedro sa Mateo 16:18 bilang “Πέτρος” o “Petros”, this has the designative meaning rock or individual stone, rock, stone.
Dito po natin makikita kung ano ang kaugnayan ni San Pedro sa mga pari, kung bakit sila ang inanyayahan ni San Pedro na maging bahagi ng isang templong espirituwal.
Dagdag pa dito, Si San Pablo bilang isa sa mga Apostol ni Cristo ay isa ring pari.
“Upang maging lingkod ni Cristo Jesus BILANG PARI SA MGA HENTIL.” (Roma 15:16)
Sa Greek ganito po ang nakasulat.
eis to einai me leitourgon iEsou christou eis ta ethnE
Ang ginamit na word ay “Leitourgon”
Leitourgon is the Greek parent from which is derived the modern word
Liturgy.
Ganito po ang sinasabi sa isang greek dictionary.
From leitourgeo; public function (as priest (“liturgy”) or almsgiver)
http://www.teknia.com/greek-dictionary/leitourgos
Sabi ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga Taga Corinto, “At ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo.”
Sa Ingles, “All this is from God, who through Christ reconciled us to himself and gave us the ministry of reconciliation.”
(2 Corinthians 5:18)
Ibinigay ng Diyos ang “Sakramento ng Kumpisal” upang hindi tayo malinlang ni Satanas.
“Ang sinumang pinatawad ninyo ay pinatawad ko na rin. Ang pinatawad ko, kung mayroon man akong dapat patawarin, ay pinatawad ko na sa harapan ni Cristo alang-alang sa inyo, upang hindi tayo malinlang ni Satanas at hindi naman lingid sa atin ang gusto niyang mangyari.
(2 Corinto 2:10-11)
Wala pong itinatangi ang Diyos, kaya’t yung mga nagsasabing sa mga apostol lamang ibinigay ng Diyos ang awtoridad ng pagpapatawad ng mga kasalanan at hindi sa mga pari ay ginagawa ninyong unfair ang Diyos.
“At nagsalita si Pedro, Ngayon ko lubusang naunawaan na talagang walang itinatangi ang Diyos. Nalulugod siya sa sinumang may takot sa kanya at gumagawa ng matuwid, kahit taga-saan mang bansa. “(Gawa 10:34-36)
2.) BAKIT KAILANGANG MANGUMPISAL TAYO SA PARI, GAYONG PAREHO NAMAN TAYONG TAO NA MAKASALANAN?
Pag-aralan po nating mabuti ang nakasulat sa Hebreo 5:1-4.
“Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan. Nadarama niya ang kahinaan ng mga mangmang at ng mga naliligaw ng landas sapagkat siya’y mahina ring tulad nila. At dahil sa kanyang kahinaan, kinakailangang siya’y mag-alay ng handog, hindi lamang para sa kasalanan ng iba, kundi para sa kanya ring mga kasalanan.Ang karangalan ng pagiging pinakapunong pari ay hindi maaaring makamtan ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang pumipili sa kanya, tulad ng pagkapili kay Aaron.”
(Hebreo 5:1-4)
Isa-isahin po natin.
Hebreo 5:1 – “Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. ”
Ang mga pari ay pinili mula sa mga tao at hindi sa mga anghel, napakaliwanag po nyan.
Hebreo 5:2 – ” Siya ang nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan.”
Trabaho ng mga pari ang mag-alay ng mga kaloob at mga handog para sa pagpapatawad ng mga kasalanan.
“Nadarama niya ang kahinaan ng mga mangmang at ng mga naliligaw ng landas sapagkat siya’y mahina ring tulad nila.”
Kung mangungumpisal ang mga tao sa kanya ay maiintindihan nya ang kanilang mga damdamin dahil bilang tao ay may damdamin din sya katulad nila. Kung manungumpisal tayo sa isang anghel ay tiyak na hindi tayo maiintindihan. Halimbawa, nagkasala ka sa anumang sekswal na mga bagay, maiintindihan ka ba ng anghel? Hindi po! dahil ang mga anghel ay espiritu (Hebreo 1:14)
At ang espiritu ay walang laman kagaya ng sabi ni Cristo. (Lucas 24:39)
Hebreo 5:3 – “At dahil sa kanyang kahinaan, kinakailangang siya’y mag-alay ng handog, hindi lamang para sa kasalanan ng iba, kundi para sa kanya ring mga kasalanan.”
Kita po natin? Kinikilala ng banal na kasulatan na ang mga pari ay mayroong kahinaan.
At kung nagkakasala sila ay mag-aalay din sila ng handog para sa kanilang mga kasalanan.
Hebreo 5:4 – “Ang Diyos ang pumipili sa kanya”, meron pa ba tayong tutol? Kung pinili ng Diyos ang isang paring may kahinaan, sino po tayo para magreklamo sa Diyos?
Bakit panay ang reklamo nitong mga kapatid nating tumutuligsa sa Pananampalatayang katoliko?
3. HINDI PO BA PWEDENG DUMERETSO SA DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT?
Dapat po nating malaman na meron pong dalawang klaseng kasalanan.
“Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang di hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa kanya ng bagong buhay. Ito’y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan. May kasalanang hahantong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito.”(1 Juan 5:16)
Meron pong kasalanang di hahantong sa kamatayan o ang tinatawag nating venial sin, pwedi po natin itong ipanalangin sa Diyos na hindi na po tayo mangungumpisal sa pari, ” Ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa kanya ng bagong buhay. Ito’y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan.”
Pero meron pong kasalanang hahantong sa kamatayan o tinatawag nating mortal sin, at hindi po pweding dumeretso tayo sa Diyos.
Isa pong pangyayari na mababasa natin sa Bibliya ay ang pagkakasala ni Elifaz at ng kanyang mga kaibigan sa Diyos.
“Pagkasabi nito kay Job, si Elifaz na Temaneo naman ang hinarap ng Panginoon. Sinabi niya, Matindi ang galit ko sa iyo at sa dalawa mong kaibigan sapagkat hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin tulad nang ginawa ni Job. Kaya ngayon, kumuha kayo ng pitong toro at pitong tupa. Dalhin ninyo ito kay Job at sunugin bilang handog. Ipapanalangin kayo ni Job. Siya lamang ang papakinggan ko para hindi na kayo pagbayarin sa inyong kahangalan, dahil sa hindi ninyo paglalahad ng buong katotohanan tulad nang ginagawa niya. Ganoon nga ang ginawa nina Elifaz na Temaneo, Bildad na Suhita, at Zofar na Naamita. At ang panalangin ni Job ay dininig ng Panginoon.”
(Job 42:7-9)
Kung titignan natin ang sitwasyon ay kaharap ng Panginoon si Elifaz, bakit hindi pinayagan ng Diyos na humingi na lang ng direkta ng tawad si Elifaz sa kanya gayong kaharap naman sya ng Panginoon?
Ang kasalanan kasi na nagawa ni Elifaz at ng kanyang dalawang kaibigan ay kasalanang hahantong sa kamatayan o mortal sin.
Ang kasalanan na nagawa nila ay ang hindi pagsasabi ng katotohanan o ang katumbas nito ay ang pagsisinungaling at alam natin na ang pagsisinungaling ay isang mortal na kasalanan.
At ano ang naging solusyon sa kanilang kasalanan?
Pinapunta sila ng Panginoon kay Job, para ipanalangin sila, “Ipapanalangin kayo ni Job. Siya lamang ang papakinggan ko para hindi na kayo pagbayarin sa inyong kahangalan.”
Napakalinaw po nito, sa bawat kasalanang hahantong sa kamatayan o mortal sin na nagagawa ng tao ay kailangan syang pumunta sa pari para ipanalangin sya at ito ay didinggin ng Diyos.
Dahil kagaya ni Job, ang mga pari din ay sila lamang ang binigyan ng awtoridad sa pagpapatawad ng mga kasalanan.
4. HINDI PO BA SALUNGAT SA 1 JUAN 1:9 AT MARCOS 2:7 ANG GINAGAWA NINYO?
Hindi na daw kailangang mangumpisal sa pari dahil daw kailangan ng idirekta sa Diyos ang pangungumpisal.
“Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid.”(1 Juan 1:9)
Mali ang unawa ng mga hindi Katoliko sa 1 Juan 1:9
Ang sinasabing kumpisal diyan ay isang public pronouncement ng kanilang nagawang kasalanan.
Paano natin alam na public pronouncement?
Iyan mismo ang kahulugan ng “confess.” Sa Greek, ang salita ay “homologeo” na ang kahulugan ay:
homologeó: to speak the same, to agree
Original Word: ὁμολογέω
Part of Speech: Verb
Transliteration: homologeó
Phonetic Spelling: (hom-ol-og-eh’-o)
Short Definition: I confess, profess, acknowledge, praise
Definition: (a) I promise, agree, (b) I confess, (c) I publicly declare, (d) a Hebraism, I praise, celebrate.
Take note po ang meaning na “I publicly declare.”
Ang kumpisal po kasi noong unang panahon ay isang public declaration na sinasabi sa iba pang Kristiyano.
Proof ay ang sinabi sa Santiago 5:16
“Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa’t isa, upang kayo’y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.”(Santiago 5:16)
Bakit sa isa’t-isa ikinukumpisal ang kasalanan?
Dahil nasa kapwa nila Kristiyano ibinigay ni Kristo ang kapangyarihan na magpatawad.
Sino po ang mga Kristiyano na binigyan ni Kristo ng kapangyarihan magpatawad?
Ang mga Apostol o mga pinuno ng Iglesia. (Juan 20:21-23)
Tungkol naman sa Marcos 2:7, “Bakit siya nagsasalita nang ganoon? Nilalapastangan niya ang Diyos! Hindi ba’t ang Diyos lamang ang makakapagpatawad ng kasalanan?”
Una, hindi po tutol ang mga katoliko na ang Diyos lang ang makakapagpatawad ng mga kasalanan.
Ang tanong, Si Cristo po ba ay hindi Diyos?
Pangalawa,si Cristo ay nagbigay ng awtoridad sa mga apostoles para magpatawad ng mga kasalanan (Juan 20:21-23).
Tutol po ba tayo sa awtoridad na ibinigay ni Cristo sa kanyang mga apostol?
Pangatlo, bakit po natin ginagamit ang argumento nitong mga hindi naniniwala kay Cristo? Sino po ba ang nagsasalita sa Marcos 2:7? Hindi po ba sila ang mga taong hindi naniniwala kay Cristo?
Hindi naman nakapagtataka na tinutuligsa ang Pananampalatayang Katoliko dahil sinusunod din nga mga taong tumutuligsa kay Cristo ang kanilang mga ginagawa.