
ETO ANG SIMULA Ganto ang Simula kung paano ko sila nakita..
Magtatanghali na nuon, at nakasalang na ako {kaliwat-kanan} alam ni Hijos Rotzen Nitiwa Jr. meaning pag sinabing nakasalang na.
Kaya nagpahinga ako malayo sa dating pinaglagyan ko, ayoko na silang makaengkwentro pa, para sa akin ang Senor lang ipinunta ko at ayoko silang bigyan ng oras.
Bagamat madami kainan at mga karitong nagtitinda ng pagkain, di ako makabili basta dahil sa oras na magkamali ako ng nabiling pagkain at kumulo ang tyan ko, mahihirapan ako humanap ng banyo. di ako maselan sa pagkain hanap ko lang ang masarap na kainan dahil para sa akin pista un at kailangan mafeel ko na pista ang pinuntahan ko.
Naalala ko ang Kainan sa Luneta, papunta ako ng mapansin ko sa may lagpas ng Manila City Hall na may mga flyers na naman ng mga BA.
Hanggang dumadami na ang nakikita kong nakakalat na papel, nakita ko na ang una kong nakadebate,.
Iba ang style nila walang tarp, namimigay lang ng flyers, di ako nabigyan, inisip ko na hayaan na lamang sila. dumaan lang ako,
Pag dating ko sa luneta may isang babaeng kakasuot lamang nung tarp ekek nila at sabay abot ng flyers sa akin, tinitigan ko siya at nakilala nya ako, alam kong nakilala nya ako dahil nanlaki ang mata nya,
Then sabi i asked her, nauunwaan mo ba ang ginagawa mo,
Ngumiti siya pero ayaw nya sumagot tinatawag ko ang mga kasama niya kasi tatlo sila ung isang lalaki tumawag sa cp pero papalayo lumayo din ang isa, naiwan ang kahabag-habag na batang babae sa harap ko.
Hanggang dumating si Matandang Lalaki na pinaalis siya sa harap ko, then he argu na wag sila pakialaman,
Sabi ko.
It is a catholic tradition and you attacking our faith i am a catholic and im here to defend my faith.
Sabi ng pastor, freedom of religion
In my mind kinakabahan ako kasi amerikano siya di ko siya makakausap kasi di ako marunong sa english talaga.
Kaso narinig ko na nagtagalog siya “alis na kayo”
Palayo silang naglalakad, inunahan ko sila saka ako humarang sa kanilang tatlo.
You attacking my church in your tarp, bakit kayo umaalis, diba kailangan nating tapusin sa paliwanag ang mga ito.
Pinagalitan ng pastor ang babaeng nagsuot ng tarp
Hinubad ng babae ang tarp.
Sabi ng isang babae, “yan kasi sabi ng wag ng isuot”
Sabi ng pasto, so it ok na
Sumagot ako, PALAKACOY {salita ng mga kabataan sa amin sa sta. elena}
Sumagot ang pastor mamimigay lang kami ng flyers wala masama duon
Sumagot ako; ibigay mo ang flyers sa mga bata at hayaan mo sila di ko sila papakialaman pero harapin mo ako. leave your flyers to them.
i asked a questioned
Sabi ng FLYERS nyo THOU SHALL NOT MAKE GRAVEN IMAGES
WAG KANG GAGAWA NG LARAWANG INANYUAN.
SA HEBREW Lo ta’seh-lekha fesel {ganito ko binigkas. “lyo tahseh lyekha fessel”} ano ang meaning ng PESEL?
Nagtinginan sila, nakita ko na kumunot ang noo ng dalawang babae at iniwan kami ng US PASTOR.
Nag-english ang pastor di ko naintindihan kasi mabilis.
Inulit ko ang isang argu.
Sa Exodus din binaggit na nagpagawa ang Diyos ng Larawan ng Cherubim yun po bang larawang ng Cheurbim ay Pesel?
Di siya sumagot.
Nag-englis siya pero sa tagalog
Di kasi dapat niluluhuran sinasamba ang imahen.
Sumagot ako.
Sa Hebrew ang PAGSAMBA is SHACHAH, pagluhod, pagpapatirapa, paghalik,
Yun po bang mga lumibak kay hesus na lumuhod sa harap nya nuong pinahihirapan siya, SHACHAH ba yun?
Muli siyang ngumiti.
At pinaliwanag niya na may pagluhod na pagsamba at may pagluhod na di pagsamba, accept din ang reason na pwedeng gumawa ng larawan pero di dapat sambahin
Kaya ang banat ko.
Eh yun din ang sinasabi ng CATHOLIC CHURCH… bakit ka naghihikayat sa Church nyo.
Sabi ng Pastol God is Every where.
Eh yun din sabi namin, tataka lang ako sayo naghihikayat kayo na lumipat eh God is Everywhere pala. edi nasa Catholic din.
Sumagot siya sa argument na GOD IS A JEALOUS GOD.
Papaliwanag ko naman.
Tama kasi ung panglililok talento yan na Bigay ng Diyos, kung ikaw binigyan ng Talento ng Diyos at nagagawa mo iukit ang ibang debuho {nagkunot siya ng noo sa word} ahh sa larawan or images, diba nakakapagselos na sa kanyang Kapurihan di ka makagawa???
Change topic si Pastor.
***********
MGA HULING ARGUMENT
Sabi ko,
“Di kami galit sa inyo, galit kami sa mga kasinungaling sinasabi nyo”
Sabi nya,
Same here we know what are you believing but we believed MAPUPUNTA KAYO SA IMPYERNO {tatawa pa sya}
In my Mind..
Di namin sinasabi na mapupunta kayo sa Impyerno, bakit nyo nasasabi ang bagay na yan. Sa CATHOLIC DOCTRINE we declared who is in HEAVEN but we didn’t named who is in the Hell.
Tanong ko sayop kapatid.
Si HUDAS BA NASA IMPYERNO???
Mga 10 seconds ang pagitan ng pagsagot nya, inisip nya ang isasagot nyang mabuti.
Hmmm IN MY BELIEVE HE IS IN HELL BECAUSE HE TRAIT THE LORD.
Sagot ko, sa Paniniwala mo lamang yun. di mo nga kaya itindig yang sagot mo kaya di ka agad sumagot
{tumawa lang siya}
Defends mechanism ang ginagawa mo kapatid kasi di ka makasagot, ginagawa mo yan para magkunwaring di ka napapahiya.
Eh nasaan siya? tanung nya “asa Purgatory?} hahahaha
Kung mapapatunayan ko na may Pugatory..
ALAM MO BA ANG SPLENDOR OF THE CHURCH
tanung ng niya.
YES pero nung last year di pa ako kasali pero ngayon ESTUDYANTE AKO NI FR. Abe Arganiosa at ATTY Marwil Nacor Llasos.
Tumingin siya sa Relos nya, sabay sabi
Maybe some other time you can send me a msg in our email, madami pa akowh gagaweyn…
***********
ARGUMENT OF SENIOR PASTOR.
BAKIT NYO PINAPIPISTA SI MAMA MARY, ANG MGA SANTO LIKE PETER AND OTHER YOU DIDNT KNOW. KAY GOD LAMANG ANG PRAISING.
In my mind.. may alam kabang canteen na makakainan, libre mo na lang ako ng lunch baka matuwa pa ako sayo.
SAGOT KO.. sabi saq Kasulatan,
“Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan; igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat parangalan.”
Sesegway sya ng ibang topic
BAKIT ANG MGA REBULTO NG MGA SANTO NYO, AYAW NYO ITAPON KAHIT SIRA NA. NANINIWALA BA KAYO NA MAY MAGIC YUN. {tatawa pa nang nakaka-ulol}
In my mind… “susmaryosep naman, sa init ng kinatatayuan ko pag ganto ang kadebate mo mas masaya pang kausapin ang bata”
ETO SAGOT:
Kung ang Imahen ng isang santo ay nasa kalagayang hindi na maayos at walang ng paraan para maayos, ang tagubilin ng simbahan ay ibaon sa lupa. {Ilibing} di mo itatapon sa basurahan.
BANAT ng PASTOR
So naniniwala nga kayo na may magic yun kasi di nyo maitapon.
In my mind… “hina mo sa pick up,”
ETO ANG AKING SAGOT.
Walang magic, nagbibintang ka.. wala ako sinabi na ganun, sabi ko ibinabaon, pwede ilibing kung bakit di ginagawa ng ibang Katoliko ang bagay na yun ay dahil di nila kayang gawin kaya ang iba dinadala sa simbahan {kaya madalas tayo makakita sa mga lumang simbahan ng mga sirang santo}
Parang Watawat, ikaw taga US ka so diba ang Watawat di basta basta itinatapon may tamang ritwal sa kapirasong tela, ano pa sa imaheng ginamit sa pagpaparangal ng mga Banal.
BANAT SI PASTOR.
Sa US pwede itapon ang watawat there’s no problem.
DI AKO PAPAHULI NG BUHAY.
In my Mind “walanjo mali ata ako dun.
Eh sa Pilipinas di yun tinatapon sa Basaruhan…
{in my research nagsinungaling ang Pastor.. sa pagbabasa ko sa goggle habang hinihintay ang “Dungaw” see. How to Dispose the US Flag.”
***********
WINASAK NILA ANG MGA IMAHEN NG MGA BANAL NG DAKILANG DIYOS.
Tama ba ang ginawa nila ayon sa Biblia?
2 HARI 23: 17 Nang magkagayo’y kaniyang sinabi, Anong monumento yaong aking nakikita? At isinaysay ng mga lalake ng bayan sa kaniya, Yao’y libingan ng lalake ng Dios, na nanggaling sa Juda, at itinanyag ang mga bagay na ito na iyong ginawa laban sa dambana sa Beth-el.
18At kaniyang sinabi, Bayaan ninyo; huwag galawin ng sinoman ang mga buto niya. Sa gayo’y binayaan nila ang mga buto niya, na kasama ng mga buto ng propeta na nanggaling sa Samaria.
SAAN PA KAYA TATALINO ANG MGA TOH?
**********
USAPAN PA NAMIN NG PASTOR NG B.A.
Sabi ng PASTOR
YAN BA TALAGA ANG MUKHA NI JESUS CHRIST, PARA PANIWALAAN NYO??? WALANG PHOTO CAM NOON.
Eto sagot:
WALA NGA eh BAKIT MAY PICTURE SI EVA AT ADAN bakit may MONUMENTO ANG PROPETA SA MGA HUDYO?
Cge pasok po tayo sa walang nakakita sa original face.
TANONG KO PO SA INYO MAY NAKAKITA NABA SA MGA ANGHEL AT NAGAWA ng MGA ISRAELITA ANG ITSURA NITO?
Sinabi lang ang sukat pero di ibig sabihin nun magagawa mo ang itsura, malay ba natin kung Pakpak ba ng Manok o Paniki ang itsura ng Pakpak nila pero dahil may talento ang manlilok na bigay ng Diyos nagawa nila.