
The Lord Jesus with St. Martha and St. Mary of Bethany. Despite his friendship with women the Lord Jesus didn’t marry any girl but the Church
[TANONG: 1 Tim 4:1-3, Ayon sa mga talatang ito, ang aral na hindi pag-aasawa at pagbabawal ng ilang uri ng pagkain ay aral ng demonyo. Hindi ba totoo na ang pari ay bawal mag-asawa at pag Holy Week/Lenten Season(Kwaresma) ay ipinagbabawal ang pagkain ng karne sa simbahang katoliko?]
SAGOT: WALA PONG ARAL NG DEMONYO ANG IGLESIA KATOLIKA. AT PATUTUNAYAN PO NATING MALI ANG AKUSA NG MGA ANTI-KATOLIKO.
Bigyang linaw po muna natin kung ano ang Kwaresma?
ANG “KWARESMA” AY ANG TRADISYUNAL NA “40 NA ARAW” NA INIUUKOL NATIN PARA SA PAGNINILAY-NILAY, PANALANGIN AT PAG-AAYUNO KATULAD NG GINAWA PO NG ATING PANGINOON SA ILANG.
By the solemn 40 days of Lent the Church unites herself each year to the mystery of Jesus in the desert.(CCC 540)
Mateo 4:2, Doon, apatnapung araw at apatnapung gabing nag-ayuno si Jesus, at siya’y nagutom.(cf. Mark 1:13, Luke 4:2)
As a way of remembering the suffering of our Lord, we do not eat certain foods(e.g. meat). We also avoid doing certain pleasurable activities.
SAPAGKAT ANG KWARESMA AY PANAHON NG PAGSISISI SA ATING MGA KASALANAN AT PAKIKIDALAMHATI SA PAGHIHIRAP NI CRISTO. ITO’Y HINDI PANAHON NG “PAGPAPAKASARAP”.
Ang hindi pagkain ng karne tuwing Biyernes ay napakaliit na sakripisyo lamang.
ISANG ARAW LANG NAMAN BAWAT LINGGO IIWAS SA KARNE, PERO SA 6 NA ARAW NA NATITIRA AY PWEDENG-PWEDE KUMAIN. KAYA HINDI AKMANG SABIHING PINAGBABAWALAN TAYONG KUMAIN NG KARNE, AT AKUSAHANG “DEMON DOCTRINE” AGAD-AGAD.
REMEMBER THAT THE DEMON DOCTRINE DESCRIBED BY ST. PAUL IS AN “ABSOLUTE PROHIBITION” FROM EATING CERTAIN FOODS. KUMBAGA 100% AY HINDI KA KAKAIN NG ISANG PAGKAIN SA TANANG BUHAY MO. WALA PONG GANITONG DOKTRINA ANG ATING SIMBAHAN, DAHIL TINUTURO SA ATIN NA WALANG PAGKAING LIKAS NA MASAMA, LAHAT AY PWEDENG KAININ AT TANGGAPING MAY PASASALAMAT.
Abstinence is an special discipline not a doctrine. A devotional abstention from certain foods is BIBLICAL.
Daniel 10:2-3, At that time I, Daniel mourned for three weeks. I ATE NO CHOICE FOOD; NO MEAT OR WINE TOUCHED MY LIPS; and I used no lotions at all until the three weeks were over.
KITAMS? ANG ABSTINENCE NA GINAGAWA NATIN AY BIBLICAL. AT ANG GINAGAWA NATING ITO AY GINAWA RIN NG MGA APOSTOL NOON. DAHIL MISMONG ANG PANGINOON ANG NAGSABING MAG-AAYUNO SILA KAPAG WALA NA SIYA.(cf. MATT. 9:15)
At tungkol naman po sa pagbabawal KUNO sa mga pari/madre na mag-asawa, ito ang aking tugon:
WALA PONG ARAL ANG IGLESIA KATOLIKA NA NABABAWAL MAG-ASAWA. THE CATHOLIC CHURCH REGARDS MARRIAGE AS A GIFT FROM GOD. IN FACT, MARRIAGE IS ONE OF HER DIVINE SACRAMENTS.
Kung may mga Katoliko man pong hindi nag-asawa, ito ay sariling pasya. Tayo po ay may Free Will. May kanya-kanya po silang dahilan. Ito po ay malinaw na inihayag ng ating Panginoon.(cf. MATT. 19:12)
Halimbawa po ay ang mga Pari natin. Sila po ang katuparan ng sinabi ng ating Panginoon.
Mateo 19:12, “…mayroon namang hindi nag-aasawa alang-alang sa ikakaunlad ng paghahari ng Diyos.”
NAPAKALINAW PO NG SINABI NI LORD. KAYA NGA PO ANG MGA PARI AT MADRE AY HINDI NAG-AASAWA PARA LUBOS NA MAITALAGA ANG KANILANG SARILI SA PAGLILINGKOD SA DIYOS.
1Cor. 7:32,34, Ang pinagsusumakitan ng lalaking walang asawa ay ang mga gawain ukol sa Panginoon, sapagkat ibig niyang maging kalugud-lugod sa Panginoon. Gayon din naman, ang pinagsusumakitan ng dalaga o babaeng walang asawa ay ang mga bagay ukol sa Panginoon sapagkat ibig niyang maitalaga nang lubusan ang sarili sa paglilingkod sa Panginoon.
HINDI PO DEMON DOCTRINE ANG SARILING PASYA NA MANATILING SINGLE. DAHIL MABUTI PO ANG MAGPASYANG HUWAG MAG-ASAWA PARA MALAYO SA MGA ALALAHANIN. BASTA PO HINDI TAYO NAPIPILITAN LANG AT KAYANG MAGPIGIL SA SARILI. NGUNIT KUNG HINDI KAYANG MAGPIGIL SA SARILI, MAS MABUTI ANG MAG-ASAWA NA LANG KESA MAGKASALA.(cf. 1Cor. 7:26-28,32,37-38; 1Cor. 7:1-2,8-9)
Si St. Paul po ay walang asawa.(cf. 1Cor. 7:8). Ang ating Panginoon po ay wala ring asawa.
1Cor. 11:1, Tularan ninyo ako gaya ng pagtulad ko kay Cristo.
Ito po ang sabi ng Panginoon:
Mateo 16:24, “KUNG IBIG NINUMANG SUMUNOD SA AKIN, LIMUTIN NIYA ANG UKOL SA KANYANG SARILI, PASANIN ANG KANYANG KRUS AT SUMUNOD SA AKIN”.
May “Free Will” naman po tayo. Kaya po kung ipasya ninuman na huwag mag-asawa, hindi ito masama. Lalo na kung ang pasyang huwag mag-asawa ay para sumunod sa mga yapak ng ating Panginoon, alang-alang sa ikauunlad ng paghahari ng Diyos.
SAMAKATUWID, ANG PARATANG NA ANG IGLESIA KATOLIKA AY MAY ARAL NG DEMONYO AY PAWANG KASINUNGALINGAN LAMANG. ANG “ABSTINENCE” AT “CELIBACY” AY MGA “SPECIAL DISCIPLINE” NG IGLESIA KATOLIKA, AT HINDI MGA DOKTRINA. AT ANG MGA DISIPLINANG ITO AY NAAAYON AT TURO MISMO NG BIBLIA.
Pro Deo Et Ecclesia.