ANG TANDA NG KRUS (Sign of the Cross)
Batayan sa Biblia (Biblical basis)
1. Sa pagkukrus ang pangalang ginagamit ay ang kabanal-banalang pangalan ng Diyos na nababasa sa Mateo 28:19: “…Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.”
2. Pagpapahalaga sa Krus ni Kristo
a) Galacia 6:4: “Ang krus lamang ng ating Panginoong Hesu-Kristo ang siya kong ipinagmamapuri. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang krus, ang sanlibutan ay patay na para sa akin, at ako’y patay na para sa sanlibutan…”
b) 1 Cor. 1:18-23: “Sa mga napapahamak, ang aral tungkol sa pagkamatay ni Kristo sa krus ay kahangalan, ngunit sa atin na mga inililigtas, ito’y kapangyarihan ng Diyos…” “Ngunit ang
ipinangangaral namin ay si Kristo’y ipinako sa krus – isang katitisuran sa mga Hudyo at kahangalan para sa mga Hentil.”
c) Col. 1:20: “At inibig niyang ang sandaigdigan ay makipagkasundo sa kanya sa pamamagitan ng Anak. Sa pamamagitan ng pagkamatay nito sa krus,nagkasundo nga ang
Diyos at ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa”
3. Pagtuligsa sa Krus ni Kristo
a) Phil. 3:18: Tulad ng malimit kong sabihin sa inyo, at ngayo’y luhaang inuulit ko – marami ang namumuhay bilang mga kaaway ng Krus ni Kristo..”
b) 1 Cor. 1:18-23: “Sa mga napapahamak, ang aral tungkol sa pagkamatay ni Kristo sa Krus ay kahangalan…”
PALIWANAG SA MGA PARATANG NG MGA DI-KATOLIKO
1. Ibinibintang sa atin na ang tanda ng krus ay tanda ng Anti-Kristo (Anti-Christ). At binabanggit nila ang nasusulat sa Pahayag (Revelations) 13:16-18 kung saan binabanggit ang bilang na 666.
2. Kung susuriin ang bahaging nabanggit galing sa aklat ng Pahayag, makikita natin na hindi tinutukoy dito ang tanda ng krus. Ang pagkukrus ay walang kaugnayan sa tinutukoy na aklat.
Tanong: “Bakit malimit magkrus ang Mga Katoliko, sa loob at labas ng simbahan, paglabas ng bahay, pati sa harap ng masasamang Espiritu?”
Sagot: Sapagkat para sa mga Katoliko, ang krus ay pagbibigay galang kay Kristo, na nag-alay ng sarili sa krus sa ikatutubos ng sangkatauhan. Madalas nagkukrus ang mga Katoliko, sapagkat kinikilala nila na ito ang tanging instrumento ng kanilang kaligtasan.
Gayun din, nagkukrus ang mga Katoliko sa harap ng masasamang espiritu, sapagkat ang demonyo ay takot kay Hesus at kay Hesus na napako sa krus. Ang sabi sa Biblia, nanginginig ang demonyo sa harap ng krus ng Panginoong Hesu-Kristo.