Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

ISYU TUNGKOL SA PAGIGING MALAYA NG TAO MULA SA PAGKAKAALIPIN SA KASALANAN

$
0
0

ISYU:

“Alam natin na tinubos tayo ni Kristo mula sa pagkakaalipin sa kasalanan sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus (Gawa 20:28, Rom 5:6-11) at dahil ditto ay Malaya na tayo sa pagkakaalipin sa kasalanan at binago na tayo ni Kristo (Rom 6:1-14). Ibig sabihin na dahil binago na tayo ay KAILANMAN AY HINDI NA TAYO MAGKAKASALA sapagkat tinubos na tayo ni Kristo.”

12032343_964299136961035_676223776_n

May mali sa pahayag. Totoo na tinubos tayo ni Kristo mula sa pagkakaalipin sa kasalanan sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus (Gawa 20:28, Rom 5:6-11) at dahil dito ay malaya na tayo. Pero hindi totoo na dahil dito ay “kailanman hindi na tayo magkakasala” sapagkat kung hindi na tayo nagkakasala, eh hindi na sana kailangan pa ng Sakramento ng Kompisal at hindi na rin sana na kailangan pang sumunod sa mga kautusan, pero may nababangit pa rin sa Biblia at epektibo pa rin ito hanggang sa ngayon ang tungkol sa Sakramento ng Kompisal (Juan 20:23) at sa pagsunod sa mga kautusan para sa ikabubuti natin (2 Tim 3:15-16). Ito ay nagpapahiwatig lang na kahit tinubos na tayo ni Kristo ay nagkakasala pa rin tayo at dahil rito ay mayroong mga kautusan at mga sakramento upang mapabuti ang ating buhay at maliligtas tayo sa araw ng paghuhukom.

Ang kaibahan lang ay mabibigyan na tayo ng pagkakataon na magbago at maging kalugod-lugod sa harapan ng Diyos (Efeso 4:17-32) kahit sa kabila ng ating mga kahinaan, habang ang mga taong nagpapatuloy sa paggawa ng masama ay alipin pa rin ng kasalanan (Rom 6:15-16) dahil hindi pa rin nila ginagamit ang pagkakataon na binibigay ng Diyos upang maging malaya mula sa kasalanan at magbagong buhay.

Ang mga ganitong tao na kahit alam na nila ang tama pero hindi pa rin nila ito ginagawa ay nagkakasala sa Diyos (San 4:17), at dahil dito ay parurusahan sila ng Diyos (Jer 29:17) at ang kanilang kahahangtungan ay mapupunta sila sa Impiyerno o Dagat-Dagatang Apoy, na kung saan ay makakaranas sila ng matinding paghihirap at pagdurusa magpakailanman (Pahayag 20:13-15).

Tandaan natin na ang tao ay may sariling pag-iisip at desisyon (Sir 15:20), pero sa bawat gagawin ng tao ay ipagsusulit ito ng Diyos (Ecc 11:9).


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles