Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

PLANO NGA LANG BA NG AMA ANG VERBONG DIOS? By Bro. John Chrysostom

$
0
0
God the Father offers His Only Begotten Son the Lord Jesus for the Redemption of the World

God the Father offers His Only Begotten Son the Lord Jesus for the Redemption of the World

MAINSTREAM CHRISTIAN DOCTRINE:
ANAK=SALITA -> Jesus : Nagkatawang tao ang ANAK at tinawag sa pangalang HESUS.
Dalisay at purong aral ng Bibliya:
Joh 1:1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
Joh 1:14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.
Joh 1:18 Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.
DOKTRINA NG INC:
PLANO=SALITA -> Jesus: Ang PLANO ng AMA ang naging TAO, hindi yung ANAK ng AMA ang naging Tao.
Ang SALITA daw ay di napatutungkol sa ANAK bagkus sa PLANO o panukala ng AMA. Ayon sa kanila nasa isip na ng AMA ang HESUKRISTO sa pasimula pa lang. Tapos babanggit sila ayon kay Pedro sa I Pet. 1:20 bilang patunay na nasa isipan na ng AMA ang HESUKRISTO.
Bakit kailangan paikutin pa ang dalisay na aral at magtahi ng paliwanag ang tao ukol sa SALITA. Bakit ka pa pupunta at tatalon kay Pedro, gayung si Juan ang nagpapahayag ukol sa SALITA? Sa simula pa lang ng ebanghelyo ni Juan mapansin natin na halos patungkol sa ANAK at ang ugnayan sa AMA ang nilalaman ng mga talata. Dahil hindi mo matanggap ang ANAK tatalon ka kay Pedro para maghanap ng paliwang at ikabit sa gusto mong interpretasyon ng mga talata sa Juan. Hehehe out of context na naman po yan.
Pansinin po natin na ayaw nilang ihayag ang ANAK ginagamit nila yung HESUKRISTO.
Ayaw nilang banggitin o hindi nila mabanggit yung ANAK. Para sa kanila walang ANAK ang AMA sa panimula, walang ANAK na kasama 0 kapiling ang AMA sa panimula. Samakatwid walang ANAK ang AMA na nagkatawang tao. Hindi nila mai- confess sa kanilang pananampalataya ang ANAK. Mas magaan pa nilang maihahayag na ang SALITA ay PLANO kaysa ang SALITA ay tumutukoy sa ANAK. Pilit nilang inaalis, inihihiwalay, tinatanggal, itinatanggi ang ugnayan o relasyon ng ANAK sa AMA. Sabagay ganito rin po yung paniniwala ng mga hudyo, muslim na hindi naniniwala sa ANAK.
Pansinin po natin anuman ang gamitin nating salita na patungkol sa CRISTO: HESUS, HESUKRISTO, ANAK NG DIOS, SALITA ng DIOS, SALITA, walang problema sa atin dahil tama ang pagkakakilala natin sa lahat ng mga nabanggit ay tumutukoy at napatutungkol sa ANAK.
Ngayon kung ang SALITA ay napatutungkol sa PLANO at hindi sa ANAK gaya ng kanilang ipinipilit ganito lalabas ang dalisay na aral na mababaluktot ng maling paliwanag at opinion ng Ministro:
Joh 1:1 Nang pasimula siya ang PLANO, at ang PLANO ay sumasa Dios, at ang PLANO ay Dios.
Joh 1:14 At nagkatawang-tao ang PLANO, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.
Nasan po ba ang ANAK = SALITA? Siya ba ay nasa ISIP lamang ng AMA?
Teka nga pala hindi si Pedro ang tanungin natin kasi po si Juan iyong nagsulat at nagpapahayag tungkol sa SALITA. Biblia na po ang nagsabi ayon kay Juan kasama na Siya ng AMA sa pasimula at nasa sinapupunan ng AMA. At nagkatawang tao ang ANAK at tinawag na Hesus. Dito hindi lamang sa ISIPAN, nasa sinapupunan nga e ibig sabihin kapiling o kasama? Sa mga Ina kapag sinabing nasa sinapupunan yung bata,nasa guniguni nyo lang po ba yung sanggol? Hindi ba mas matindi at may dating ang pagibig na inyong naranasan at naramdaman dahil kaugnay ninyo sa sinapupunan ninyo ang inyong anak? Kumpara po natin kung sa hinagap lang pala yung sanggol ninyo at wala sa sinapupunan nyo?
Ngayon mas may dating po at ramdam natin ang pag ibig kung yung inialay o ibinigay sa atin ay mismong galing sa kanyang sinapupunan kumpara sa ang ibinigay sa atin ay bunga lamang ng kanyang hinagap?
At mas masakit at mas matindinng pag-ibig para sa nagbigay kung mismong ang ibinigay para pahirapan, ipako at mamatay ay galing sa kanyang sinapupunan kaysa galing lamang at bunga ng kanyang hinagap, panukala o plano.
Kung bunga lamang pala ng plano ang kayang ibigay ng AMA sa atin anung klaseng pag-ibig yan? Mas mababagbag pa tayo sa Abraham na handang mag-alay ng anak na si Isaac. Ngunit salamat sa pag-ibig ng AMA:
Joh 3:16 Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak…
Itinulad sa pagsuyo ng Ina ang pagsuyo ng AMA sa kanyang bayan [cf. Isaiah 66.13]
Ngayon ayaw nilang kilalanin na ang AMA ay may ANAK. Oo nga naman wala pang HESUS na tao sa kalikasan na kapiling ng AMA buhat pa sa pasimula. Pero kung tatanungin mo kasama na ba ng AMA ang ANAK buhat sa pasimula? Itatanggi po nila ito. Walang ANAK ang AMA buhat pa sa pasimula. Walang kasama o kapiling na ANAK ang AMA buhat pa sa pasimula.
Tumutugma lamang at nagpapatunay na itinatanggi nila ang ANAK.
Dahil duon sa kanila napatutungkol ang mga tumatanggi sa ANAK sa pahayag ni Apostol Juan pa rin:
1 Jn 2:23 Ang sinomang tumatanggi sa Anak, ay hindi sumasa kaniya ang Ama: ang nagpapahayag sa Anak ay sumasa kaniya naman ang Ama.
INC Owners
Ang hidwaan sa mga Manalo bunga lamang ng maling pagpapakilala ng ugnayan o relasyon ng AMA sa ANAK buhat pa sa pasimula. Inaani ngayon ng anak na si Eduardo V. Manalo yung pagsuway sa kanyang ama na si Erano G. Manalo.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles