Kitang kita po ang kamangmangan sa sinasabi nila. Sabi po sa Gen 1:26 “Pagkatapos likhain ang lahat ng ito, sinabi ng Diyos: “Ngayon, lalangin NATIN ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin….”
Samakatuwid, ang kausap po niya ay MANLALALANG DIN!
Sabi po sa Jeremias 10:10-12 “Ngunit ikaw lamang, Yahweh, ang tunay na Diyos, ikaw ang Diyos na nabubuhay, ang Haring walang katapusan. Nayayanig ang sanlibutan kapag ikaw ay nagagalit, at walang bansang makatatagal sa tindi ng iyong poot. Sabihin ninyo sa diyus-diyusan na sila ay lilipulin at lubusang mawawala sa ibabaw ng daigdig. NILALANG ni Yahweh ang lupa sa pamamagitan ng kanyang KAPANGYARIHAN. NAGKAROON NG SANDAIGDIGAN dahil sa kanyang KARUNUNGAN, at iniladlad niya ang langit sa bisa ng kanyang kaalaman.” Samakatuwid, ang DIYOS po lamang ang MANLALALANG!
Tanong: ANG ANGHEL BA O MGA KERUBIN MANLALALANG DIN?
E sino po ba ang KAPANGYARIHAN at KARUNUNGAN na binabanggit sa bersikulo dose… “Nagkaroon ng sandaigdigan dahil sa kanyang KARUNUNGAN…”
Tingnan po ang 1 Corinto 1:24 “Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio at Griego, si CRISTO ANG KAPANGYARIHAN AT KARUNUNGAN NG DIYOS.”
Ito po ay sinususugan ni Apostol Juan sa Juan 1:1-3 na ang sabi “Sa PASIMULA pa’y naroon na ang Salita. KASAMA ng Diyos ang Salita at ang Salita ng Diyos ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa PAMAMAGITAN NIYA NILIKHA ANG LAHAT NG BAGAY, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan.
Sino daw po itong SALITA na kasama na ng Diyos noong pasimula at manlalalang din. Juan 1:14 “Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.”
Si Cristo po ang Salita na tinutukoy na Diyos at manlalalang din. Gaya po ng nakasaad din sa Colosas 1:15-19.
Colosas 1:15-19 “Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita, at siyang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga naghahari at namamahala, mga namumuno at may kapangyarihang espirituwal ay pawang nilikha ng Diyos SA PAMAMAGITAN NIYA AT PARA SA KANYA. Siya’y una sa lahat, at sa kanya nasasalalay ang kaayusan ng lahat ng bagay. Siya ang ulo ng Iglesya na kanyang katawan. Siya ang Una, ang panganay na Anak – ang unang nabuhay na muli upang siya ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay. Ipinasiya ng Diyos na ang kanyang kalikasan ay manatili rin sa Anak.”
Malinaw na malinaw pa sa sikat ng araw na si Cristo ang kausap ng Ama sa Genesis 1:26.
Gusto nilang palitawing anghel ang kausap, upang maisingit nila ang ANGHEL NILA na mahilig sa SINGIT!