Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

BAKIT BANAL NA KASULATAN ANG TAWAG NG MGA MANOLISTA SA BIBLIANG CATOLICO AT PROTESTANTE? By Timothy Young

$
0
0

10447712_1395477267433102_7912597195183159982_n

Bakit “BANAL NA KASULATAN” kung tawagin ng INC1914 ang mga BIBLIA na tulad ng “ANG BIBLIA” at “MAGANDANG BALITA BIBLIA” na salin ng Protestante at Katoliko kung kay Satanas o sa demonyo pala ang mga nagsalin nito?

KUNG MAPAPASYAL PO KAYO SA LOOB NG PHILIPPINE BIBLE SOCIETY SA U.N AVENUE MANILA, AY MAPAPANSIN NYO ANG IBA’T- IBANG SALIN NG BIBLIA SA IBAT-IBANG WIKA , DIALECT O VERSION TULAD NG BIBLIA NA ISINALIN SA WIKANG INGLES, BISAYA, TAGALOG, ESPANOL ETC. ( at kapansin-pasin wala pong contribution ang INC1914 ni isang salin ng Biblia sa kabila ng pagsasabi nila na sila daw ang tunay na Iglesia)

AT ITO AY ISINALIN SA SA IBAT-IBANG WIKA , DIALECT O VERSION SA LAYUNIN NA MAIPALAGANAP SA BUONG MUNDO ANG MAGANDANG BALITA NG KALIGTASAN SA PAMAMAGITAN NG TUNAY NA PAGSISI AT TUNAY PANANAMPALATAYA KAY JESUCRISTO NA SIYANG NAGHIRAP AT NAMATAY SA KRUS.

ETO PO ANG MGA ILAN SA SALIN NG BIBLIA NA GAMIT NG MGA MINISTRO PARA ARALAN ANG KANILANG MGA MYEMBRO SA INC1914 SA LOOB NG KANILANG MGA KAPILYA.

“ANG BIBLIA” – ito ay salin ng mga Protestante –(regular nila itong ginagamit upang aralan ang kanilang mga myembro sa loob ng kanilang mga kapilya)

“MAGANDANG BALITA BIBLIA” – Biblia na salin ng Katoliko –regular nila itong ginagamit upang aralan ang kanilang mga myembro sa loob ng kanilang mga kapilya at sa espesyal na kadahilanan kaya mapapansin nyo pagnaka attend kayo ng pagsamba ng INC1914 ang dalawang salin na ito (ANG BIBLIA AT MAGANDANG BALITA BIBLIA) ang malimit pinagpapalit-palitan( siguro para sa hocus-pocus kaya palit-palitan ang dalawa) ng Ministro na basahin sa kanilang mga myembro .

“JAMES MOFFAT VERSION BIBLE” – salin ng Protestante- ginagamit nila ang salin ng Biblia na ito halos isang beses lang para lamang sa talatang “ISAIAS 43:5” at para sa salitang “ FAR EAST”

“ GEORGE LAMSA VERSION BIBLE” – si George Lamsa ay member ng Assyrian Church of The East-ginagamit nila ang salin ni LAMSA halos isang beses na pagkakataon lamang para sa talatang Gawa 20:28 dahil sa interest nila sa salitang “iglesia ni Cristo” na “ iglesia ng Panginoon” naman ang mababasa sa ibang salin ng Biblia tulad ng “ANG BIBLIA”

(About 2,798 salin ng Bibliya sa ibat- ibang language at version)
King James Version,New American Bible,New International Version,Ang Biblia, Magandang Balita Biblia,George Lamsa Version, Visayan translation, Ilonggo translation etc.

Nakakatawa na isipin na sa halos 2,798 salin sa ibat-ibang language at version ng Bible ay si Manalo at kanyang mga Ministro lang ang nakaunawa dito at lahat ng nagpakahirap mag- compile at magtranslate nito sa ibat-ibang language o wika tulad sa wikang Ingles, Tagalog, Visaya, Ilonggo etc. ang sila pang di nakaunawa at sa bandang huli sila pa ang mapupunta sa impiyerno?

Samantalang “NAKI-RIDE ON” lang naman si Manalo at ni isang translation ng Bible ay walang na itranslate si Manalo,kundi ang tanging contribution niya ay pilipitin ang kahulugan ng nakasulat dito gamit ang WORLD HISTORY, DICTIONARY AT MGA MALING LOGIC AT PHILOSOPHY,

Bakit “BANAL NA KASULATAN” kung tawagin ng INC1914 ang mga BIBLIA( tulad ng “ANG BIBLIA” at “MAGANDANG BALITA BIBLIA”) na salin ng Protestante at Katoliko kung kay Satanas o sa demonyo pala ang mga nagsalin nito?

AT BAKIT BIBLIA NA SALIN O TRANSLATION NG MGA PROTESTANTE AT KATOLIKO ANG GINAGAMIT NILA ( Ang Biblia at Magandang Balita Biblia ETC.)UPANG ARALAN ANG MISMONG MGA MIYEMBRO NILA AT SA MISMONG LOOB PA NG KAPILYA NILA SAMANTALANG AYON SA Pasugo August, 1961 p39 ANG MGA PROTESTANTE AY DI SA DIOS KUNDI KAY SATANAS O SA DEMONYO?

Eto po yun:
Pasugo August, 1961 p39
“Kaya sa wakas ng lathalang ito, dapat na nating itakuwil ang mga paring katoliko at ang mga pastor protestante, sapagka’t sila’y mga ministro ni Satanas. Dapat din nating itakuwil ang iglesia Katolika at ang iba’t ibang iglesia protestante, sapagka’t sila’y hindi sa Diyos, kundi sila’y kay Satanas o sa demonyo.”


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles