Ako po si John D’Apologist, isang CFD. WHAT DOES THE CHURCH really says about graven images? Ako po ay nagsuri rin at masasabi kong “ILLOGICAL” ang mga paratang ng ibang relihiyon ukol dito.
Let’s Just respect one another’s faith. I am now making a stand!
————————–

———————————————————————————-
WALANG OFFICIAL DOCUMENTS, na magpapatunay na inuutos ng Simbahang Katolika ang pagsamba sa mga Rebulto, Ito po ay “LUMANG TUGTUGIN” na. Halika at pag-aralan natin:
AYON SA TURO ng Simbahan:
(CATECHISM OF THE CATHOLIC CHURCH, 2131-32 ay ganito ang sabi:
” Ang gumagalang sa imahen, gumagalang sa persona na inilalarawan, ang dangal na ipinapatungkol sa mga banal na imahen ay isang mapitagang larawan, HINDI PAGSAMBA na ukol sa Diyos.”
Samakatwid, Walang sinabi na DIYOS-DIYUSAN ang mga rebulto, alam ng matinong tao na kahoy ang nasa harap niya.
BIBLICALLY, HINDI IPINAGBABAWAL ng Diyos ang mga bagay na may ugnayan sa kanya, sa kundisyon na hindi ito gagawing Diyos, DAHIL MISMONG SI YAHWEH ay nagpagawa rin ng mga imahen.
CRITICAL ANALYSIS TAYO! Marami nanamang magtatanong ng mga ganito:
1.) ANG SABI SA EXODO 20:4 ay wag gagawa ng anumang inanyuan!
SAGOT: Paano ang 2 Kerubing gintong iniutos kay Moses? (EXO:25:10-22). at ung mga inukit na imahe ng tao at leon sa mga TEMPLO ng LUMANG TIPAN? (EZEKIEL 41:17-20) ? at, ung IMAHE NG AHAS na ipinagawa ng Diyos kay Moses? (Bilang 21:4-9)?
2.) HINDI KERUBIN ANG SENTRO NG KABAN!
SAGOT: Ang pinupuna ninyo ay ang mga rebulto. Bakit may rebulto ng anghel duon in the first place?
3.) Ayon sa ISAIAH 46:6-7 MALI na iprusisyon ang mga rebulto!
SAGOT: Basahin ninyo ang umpisa ng talatang yan, Sinalakay ang BABILONIA at dala dala nila ang mga Diyos diyusan nilang sila NEBO AT BEL! In short, TUMATAKAS SILA! Hindi sila nag prusisyon!
4.) Mayroon ba sa Biblia na may rebultong iprinuprusisyon?
SAGOT: MERON!!! sa 2 SAMUEL 6:1-5: Nung iprinusisyon nila ang Kaban ng Tipan na may salong musical instruments.
5.) EH BAKIT NINYO NILULUHURAN ? PAGSAMBA YUN!!
SAGOT: WELL, Bakit ang mga bagong talagang INC Ministers ay NAKALUHOD sa harap ni Ginoong MANALO sa twing babasbasan sila?
Sinasamba nila si MANALO??!
TUNGHAYAN natin,2 HARI 5:17-19: HINDI SIYA NAGKASALA kahit nakaluhod sa harap ng rebultong si RIMMON.
ISA PA, DANIEL 46-47: NAGPATIRAPA si HARING NaBUcodonosor kay DANIEL.. NAGALIT BA ANG DIYOS kay DANIEL? Hindi.
Malaki ang pagkakaiba ng NILULUHURAN at NALULUHURAN! Bagamat nakaluhod ang isang katoliko sa imahen, ay nakasentro ang kanyang PUSO at ISIP sa DIYOS at hindi sa KAHOY na iyon. Anuman ang kanilang gawin, kung ang kanilang puso at isipan ay nasa DIYOS maging pagpunas o pagHalik dito ay hindi masama kung ito ay nakasentro sa DIYOS.
Ang mga taong mapang-husga lamang ang nagsasabing mali ito, WAG nawa tayong maging saksi ng hindi totoo laban sa ating kapwa. Dahil baka kayo rin ay husgahan.