Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

MAY DESECRATION BA NG BANAL NA EUCHARISTIA SA LUNETA MASS NI POPE FRANCIS? By Fr. Dominador Medina

$
0
0

NO DESECRATION 1

PUNA SA INTERNET TUNGKOL SA PASAHAN NG OSTIYA SA LUNETA:

Dahil sa inconvenience ng pagpila, mas piniling ipamahagi ang Banal na Komunyon sa pamamagitan ng pagpapasa-pasa ng mga tao. Naganap ito sa Misa ng Santo Papa sa Manila cathedral kung saan napaka
raming tao kahit sa labas. Napabalitang naulit ito sa Misa sa Luneta. Hindi ba’t isa itong kalapastangan kay Jesus sa Banal na Sakramento? Wala ba tayong “awa at habag” para sa Diyos na sumasaatin sa anyo ng tinapay? (DLB/KPNews)
Ito po ang General Instruction of the Roman Missal:
“The faithful are not permitted to take the consecrated bread or the sacred chalice by themselves and, still less, to hand them from one to another. “

Ano po ang masasabi ninyo, mga Kapiling?

Video was taken by RLF

SAGOT:
Dominador Medina
WALANG INTENSYON ANG MGA TAO NA I DESECRATE SI JESUS SA BANAL NA OSTIA. ANO BA ANG INTENTION NILA – MAGANDA NAMAN – MARATING ANG HINDI MARARATING NG KOMUNYON.
Maraming pagkakataon na nag adjust si jesus dahil sa bagong situasyon at pangangailangan.tulad sa ebanghelyo sa araw na ito January 20, (mk. 2:22-28) pinuna si jesus dahil pinabayaan nya na mangitil ng uhay at kumain ang mga alagad na gutom na gutom sa pagmimisyon. pinuna siya ng mga pariseo dahil bawal yon mag-ani sa araw ng pangilin. ipinaliwanag pa ni jesus kung paanong tama ang paglabag ni haring david noon nakaraang panahon nang pabayaan nyang kumain ang kanyang mga gutom na mga kasama sa mga alay sa templo na bawal na bawal kainin ninoman, maliban sa mga pari. at marami pang ibang paglabag ang pinuna nila kay Jesus tulad ng “hindi paghuhugas ng kamay” bago kumain (tandaan natin: si jesus ay karpintero at mapapasma siya pag naghugas ng pagod na mga kamay). malimit punahin si jesus sa pagpapagaling niya sa araw ng sabat na bawal na bawal yon. PERO LAGING TINITINGNAN NI JESUS AY ANG PANGANGAILANGAN, AT MAY MGA BATAS NA KAILANGAN IADJUST DAHIL SA PANGANGAILANGAN. ANG FOCUS NI JESUS AY ANG “LAW OF LOVE” YON ANG SUPREME LAW.
Kaya sa mt. 15:3 sinagot ni jesus ang mga pumupuna sa kanya: “bakit naman ninyo nilalabag ang utos ng diyos dahil sa inyong mga minanang turo?” sa NORMAL SITUATION, TAMA HUWAG PAHAHAWAKAN KAHIT KANINO NA LAMANG ANG OSTIYA, AT HUWAG PAGPAPASAPASAHAN. SA NORMAL NA SITUASYON SA ORDINARYONG MISA SA SIMBAHAN O ALINMAN LUGAR NA ORDINARYO. PERO ANG LUNETA NOONG LINGGO AY “EXTRAORDINARY”
Sa lk 10:25-37 binayaan ng pari at lebita na magdusa ang naghihingalo, iniwan nila, dahil naalaala nila ang batas na PAG KINAMATAYAN KA, ITUTURING KANG MARUMI AT KAILANGAN MONG MAG-ALAY SA TEMPLO PARA IKAW AY MALINIS. ang good samaritan, hindi yung batas na yon ang inisip kundi ang BATAS NG PAGIBIG na higit sa alinamang batas. pinulot nya ang naghihingalo kinalinga at pinagsakripisyuhan ng TIME TALENT AT TREASURE. alang-alang sa tao, itinaya ni jesus sa EXTREME DESECRATION ANG SARILI NYA – HULIHIN, PAHIRAPAN, IPAKO SA KRUS. pero, iyan ang kalooban ng ama para ikabubuti, ikaliligtas ng tao – alang-alang sa PAGBIG. may batas naman na ingatan mo ang iyong sarli – nilabag yon ni jesus dahil sa BATAS NG PAGIBIG at kalooban ng ama. “ako’y naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at IALAY ANG SARILI PARA SA MARAMI.”(mk 10:45), at sa pagaalay na yon the greatest desecration happened – HINULI SIYA, INAGLAHI,HINATULAN, PINATAY NA PARANG ISANG KRIMINAL SA KRUS SA GITNA NG 2 MAGNANAKAW. is there any desecration greater than this? yet, “NOT MY WILL BUT YOURS BE DONE”. pinili ni jesus, ayon sa kalooban ng ama na maging tao kalakip ang lahat ng kamalasan ng kalagayang tao: ang ipanganak sa sabsaban (a desecration?) ang habulin at papatayin ni herodes at kailangan itakas sa ehipto (desecration?), ang pagtangkaang ihulog sa bangin at patayin (desecration?). pinili ni jesus na maging tinapay kalakip ang lahat ng puedeng mangyari dito habang ginagawa ang misyon – IBIGAY ANG SARILI BILANG PAGKAING NAGBIBIGAY BUHAY.
1 hr · Edited · Like · 4

Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles