Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

PASUGO NA PASUBO: SI MANALO BA ANG ELIAS NA PARIRITO BAGO ANG WAKAS? By Junel Christian Delos Angeles‎

$
0
0
Ang mukang TUKO na BULAANG PROPETA Felix Manalo

Ang mukang TUKO na BULAANG PROPETA Felix Manalo

Ito pa isang kabalintunaan na pinagsasabi ng mga kampon ni Manalo. Kung ganito ang isang sugo na nakikipantay o ninanakaw ang karapatan ng Panginoong Hesukristo, nakakasiguro akong ito’y isang Bulaang Sugo o Sugo ng Demonyo. Pansinin ninyo ang KALAPASTANGANANG ITO ng mga Iglesia Ni Manalo:
.
PASUGO Disyembre 1956, pahina 17; (patula)

“ANG KAPANGANAKAN NG SINUGO”

At sa huling kaarawang nalalapit na ngang ganap;
Ang dakilang paghuhukom ng Dios sa taong lahat;
Sa pagibig ni Bathalang ang tao ay maligtas;
Sa hula ay pinabangon ang Sugo sa Pilipinas;
Siya ay si Kapatid Felix Manalo ang tawag;
Si Elias na paririto bago dumating ang wakas.”
.
Kita nyo na mga kapatid? Ito’y isang napakalaking KALAPASTANGANAN sa Panginoong Hesukristo at sa Dios. Dhil ang pag-ibig ng Dios na pinabangon at sinugo ay ang Panginoong Hesukristo lamang; basa:
.
1 Juan 4:9 – Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka’t sinugo ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayo’y mabuhay sa pamamagitan niya.
.
Juan 3:16 = Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
.
Gawa 4:10-12 = Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit. Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok. At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.
.
Kitam! WALANG IBANG PANGALAN NA IBINIGAY ANG DIOS SA SANLIBUTAN KUNDI ANG PANGALANG “HESUKRISTO” NA SIYANG PAG-IBIG NG DIOS NA SINUGO NA SIYA NATING KALIGTASAN.
.
Si Felix Manalo ay isang BULAANG SUGO, SUGO NG DEMONYO, mang-aagaw ng karapatan ng PANGINOONG HESUKRISTO. NAPAKALAKING KALAPASTANGANAN itong pinagsasabi ng mga Kampon ni Manalo na ito. Mga LAPASTANGAN! HOY GUMISING NA KAU SA KATOTOHANAN!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles