Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

MAGKASAMA BA ANG KALULUWA AT KATAWAN SA LUPA HANGGANG SA DUMATING ANG PANGINOON?

$
0
0

10685342_819883068075712_8568269792688634621_n

KASAGUTAN PARA SA ARAL NA MAGKASAMA DAW ANG KATAWAN AT KALULUWA SA LUPA KAPAG NAMATAY HANGGANG SA DUMATING DAW MULI ANG PANGINOONG JESUCRISTO AYON NA DIN SA MGA INC1914; SDA; AT IBA PANG MGA ANTI KATOLIKO NA MAY GANITONG URI NG PANINIWALA. —

Ano ano ang kinalalagyan ng tao at kaluluwa ayon sa Bibliya???

Nabuhay si Enoc sa piling ng Diyos at wala na siya rito SAPAGKAT KINUHA NA SIYA NG DIYOS (Gen 5:24) —

1 Dnala ni Yawe si Elias sa langit sa isang ipuipo.,,,,,,11 Habang naguusap sila sa kanilang paglalakad, isang karwaheng apoy at mga kabayong apoy ang biglang pumagitna sa kanila, at UMAKYAT SI ELIAS SA LANGIT sa isang ipuipo (2Mga Hari 2:1; 11). —

,,,,,,,Pero ano ang nakikita mo?” Sinabi ng babae: “Isang diyos ang nakikita kong lumilitaw MULA SA LUPA.” 14 Tinanong ni Saul ang babae: “Ano ang itsura niya?” Sumagot ang babae: “Isang matandang nakakapa ang lumilitaw.” At alam na ni Saul na si Samuel iyon, at yumuko siyang abot sa lupa ang mukha (1Sam 28:13-14). —

Noon niya pinuntahan ang mga NAKABILANGGONG KALULUWA at pinangaralan. 20 Sila nga ang mga ayaw na maniwala sa panahong nagmaganddang-loob ang Diyos at gumawa naman si Noe ng daong Kaunti lamang — walong tao — ang naligtas sa tubig (1 Peter 3:19). —

Bakit sinabing umakyat siya? Dahil bumaba muna siya sa DAKONG NASA ILALIM NG LUPA. 10 Siya mismong bumaba ang siya ring UMAKYAT SA IBABAW NG KALANGITAN upang punuin ang lahat (Ephesians 4:9-10). —

Hosea 13:14 Tutubusin ko ba sila sa LUGAR NG MGA PATAY? Hahanguin ko ba sila sa kamatayan? Nasaan, Kamatayan, ang iyong mga salot? Nasaan, LUGAR NG MGA PATAY, ang iyong kamandag? Wala nang habag ang aking mga mata —

Zech 9:11 Alang-alang sa pakikipagtipan ng dugo, palalayain ko ang mga anak mong NAKAKULONG SA MGA BALON. —

Lucas 16:28 kung saan naroon ang lima kong kapatid para balaan sila upang di sila mapunta sa LUGAR NA ITO NG PAGDURUSA.’ —

Pagbubunyag 6:9 At nang buksan nila ang ikalimang tatak, nakita ko sa ilalim ng altar ang mga KALULUWA ng mga pinaslang dahil sa salita ng Diyos at dahil sa kanilang pagpapapatunay. —

Mateo 17:3 At napakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus. —

Lucas 24:51 At habang binabasbasan niya sila, humiwalay siya sa kanila at dinala sa langit. —

Note: Sinasabi ng mga talata sa bibliya ang iba’t ibang dako, kalagayan ng kaluluwa. May kasama ng katawan ang kaluluwa sa langit; may nasa ilalim ng lupa; may nakabilanggo; may nasa balon; may nasa lugar ng mga patay. Ngunit ang isang matibay na puwede nating panghawakan ay mismong ang Panginoong Jesus nang umakyat siya sa langit. —


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles