PAGARALAN natin ito #2 Natalikod daw ang lahat ng kasapi sa Orihinal na Iglesia na ang Iglesia Katolika noong ikaapat na Siglo?
Sagot:
Unang ARAL na mali ng INM:
Ito ang sabi ng taga Iglesia ni Manalo patungkol sa Pagtalikod ng LAHAT ng SINAUNANG Iglesia na tinayo ni JESUS noong 33 AD.
Gawa 20:29-30
29Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; 30At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.
Ginamit nila itong talatang ito upang palabasin na Natalikod nga ang lahat ng Tupa ni Kristo subalit hindi nila napagtanto at hindi nila ito inalisa ng maigi. Kung basahin mo at intindihin ng maigi ang nakasulat hindi naman sinabi na tumalikod lahat kundi may magsilabasan na mga bulaan mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan. Ang ibig sabihin nito mula sa orihinal na kawan may titiwalag at magsiakit ng iba para sumali sa kanilang bagong tayong Iglesia…
Dibat isang halimbawa dito ay ang Iglesia ni Manalo… Si Manalo na kasapi sa kawan, tumalikod at sumali sa ibat ibang relihiyon at nagtayo ng sarili. Hindi bat tumpak ito sa kanya… Basahin natin ang naka saad sa Temoteo.
2 Timoteo 4
3Sapagka’t darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; 4At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha. 5Nguni’t ikaw ay magpigil sa lahat ng mga bagay, magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio.
Ang halimbawa dito ay ang PASUGO nila na taliwas na sa aral ng Bibliya. Ito ang isang dahilan kung bakit walang lubos na pinaniniwalaang salin ang INM dahil lahat ng salin ng Bibliya meron mga bahagi dito na Kuntra sa kanilang PASUGO. Kaya kung ano lang ang mga bersikulo na tutugma sa kanilang PASUGO, yun lang ang pinapaniwalaan nila… Mahilig sila sa CHOP CHOP…
Pangalawang ARAL na MALI ng INM:
Dahil magulo ang kanilang pananaw sa konsepto ng pagtalikod, meron namang nagsasabi sa kanila na ang ibang kawan na hindi sumunod sa pagtalikod ay Pinagpapatay…
Pagtinanong mo naman sila kung saang talata nila ito nakuha, wala naman itong maibigay. Ginawa lang nila itong dahilan para maipilit lang ang pagtalikod.
Basahin nating mula ang magulong pasugo…
PASUGO April 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng maling aral sa Iglesya Katolika na sa pasimula’y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesyang itinayo ni Cristo noong unang siglo”.
PASUGO July 1956, p. 36
“Dahil dito, noong ikaapat na siglo ay ganap na ganap nag natalikod ang INK sa Jerusalem.”
PASUGO April 1941, p.7:
“Napatunayan natin na ang Iglesyang itinayo ni Cristo ay natalikod at nahiwalay sa pagsunod sa kaniyang hulihan. Hindi it nakapagpatuloy lumaganap: Ganap itong napawi at natalikod noong ikaanim na siglo”.
Basahin natin ang JUAN ito ang sabi:
Juan 10, 28 ay ganito ang sabi: ‘At sila ay binibigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma’y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinoman sa aking kamay’. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila’y binibigyan niya nang walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailanman.”
Paano mo ngayon ipaliwanag ang pagtalikod ng buong Iglesia kung hindi ito malilipol at hindi ito maagaw ninoman…
Pangatlong aral na mali ng INM;
Paano naman nila pinalabas na susulpot ang mga bagong TUPA ni JESUS kuno sa hinaharap. Sa Pilipinas daw ito susulpot sa pamamagitan ni FELIX MANALO… Basahin natin sa kanilang PASUGO…
PASUGO May 1961, p.22:
“Papaano magiging kawan o Iglesya ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, “magkakaroon sila ng isang Pastor”. Sino itong isang Pastor ng Iglesya na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios:
“Huwag kang matakot, sapagkat ako’y sumasainyo” (Isaias 43:5).
Sino itong Pastor ng Iglesyang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ay ang kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya’y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila’y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa’y mayroon na siyang karapatan.”
Si Felix Manalo ba ang tinutokoy dito na isang Pastor??? Kung si Felix Manalo ito bakit pumutok ang tiyan niya at namatay siya? Wala na ang sinasabi nilang isang Pastor patay na, ano pa ngayon ang palusot nila? Ang dami ng humalili at pumalit kay MANALO bilang Pastor isa dito ang mga Kapatid niya…
Kung Luhika ang ating susundin, paano na ngayon maging isang PASTOR? Madaming PASTOR na ito at taliwas na ito sa nakasulat sa Bibliya…
Basahin natin ito sa ilang pahina ng Libro ng INM;
SULO… (an INC book), p.58
“Itinuro din ng Iglesya Katolika na ang Papa ang siyang “Kataas-taasang Pastor”. (Ito ay salungat din sa turo ni Jesus at ng mga Apostol, sapagkat sinabi ni Cristo: “Ako ang tanging Pastor (Juan 10:16)”.
Si Kristo lang pala ang tanging PASTOR, eh bakit sinasabi ng pasugo na si Felix Manalo ang lilitaw na Pastor… MALING mali ito, pati sa kanilang sariling LIBRO ang daming Kuntrahan…