Sa larawan na kuha sa Pasugo, makikita ang tula na may pamagat na “Ang Aking Pang-Aginaldo. ”Akala ko ba walang Pasko sa INC, bakit may aginaldo?
Pansinin din sa tula ng INC na si Benjamin T. Villalba ang tahasang pagbanggit ng Pasko. [Message from Kathryn]
Aniya –
“PASKO na naman …
narito na ngayon –
Kaya naman kahi’t
Munting paghahandog … ay aking nilayon”
Maliban diyan, binabanggit din sa tula ang mga sumusunod?
“Ang diwa ng PASKO ay kapayapaan;
Nang mundong naglunoy sa lusak ng Buhay;
Mabuting balita sa kinalulugdan;
Pagsilang ni Jesus sa abang sabsaban.”
O, ayan! Di ba malinaw pa sa sikatan ng araw na may Pasko sa INC. Ano daw ang diwa ng Pasko? Kapayapaan. Mabuting Balita. Pagsilang ni Jesus sa abang sabsaban.
(Galing kay M.C.O, isang CFD)