PALUSOT NG IGLESIA NI CRISTO (1914)
//Sinasamba din naman daw nila si Kristo kahit tao lang siya kasi ipinag utos daw yun ng Diyos. But it doesnt mean na Diyos din daw sya. Extraordinary human si Kristo kung ituring nila.//
Palusot iyan. Alam mo ba kung anong sabi ni Cristo kay Satanas?
Mateo 4:10, Lumayas ka Satanas! Sapagkat nasusulat, ‘Ang Panginoong iyong Diyos ang iyong sasambahin at siya lamang ang iyong paglilingkuran’
Kung sinasamba nyo si Cristo kahit tao, lalabas kayo ang lumalabag sa utos niya na Diyos lamang ang iyong sasambahin. Worst, lumalabag kayo sa sabi mismo ng Ama:
Exodo 20:1-3, At nagsalita ang Panginoon at sinabi, Ako ang Panginoong iyong Diyos na nagpalaya sa inyo sa Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. Huwag kayong gagawa ng ibang diyos sa harapan ko
Kaya natin sinasamba si Cristo dahil sya ay Panginoon (Filipos 2:11)
At ang Panginoon ay Diyos (1 Hari 18:36)
Mga sarado lang ang isip ang ayaw tumanggap nito (2 Tesalonica 2:11-12).