King Cyrus
Na pugad ng mga taong mpagsamantala,
Kahit anong raket ay kaya nilang gawin,
Pag nahuli, kasalana’y di nman kayang harapin.
Ganyan si Eliseo Soriano,
Huling sugo at pangulo ng itinatag nyang kulto,
Kalabang mortal ni Felix Manalo,
Pumapangalawa sa pakatarantado.
Ayun sa turo ng kulto nya,
Si Kristo at Diyos ay literal na mag ama,
Diyos daw nila ay may puwet,
Kaya siguradong mayroong kubeta sa langit.
Ayun sa turo nyang kakaiba,
Umiiyak din daw ang Diyos Ama,
Habang nakatingin sa lupa,
Sa bangkay ng anak nyang namayapa.
Itong si Eli Soriano,
Memoryado bawat bersikulo,
Kaya sya naging milyunaryo,
Pangarap nya’y pumantay kay Manalo.
Pero sa anong malas,
Sya ay nagkasala sa ating batas,
At para sa krimen ay maka alpas,
Sa ating bansa, sya ay lumayas.
Sya ngayon ay nagtatago,
Takot na takot na mabilanggo.
Kasalanang kanyang ginawa,
Bakit di niya inalintana?
Ganyan ba ang maka Diyos na tunay?
Kapwa lalake kanyang hinalay.
Ganyan ba ang makatarungan?
Bakit kasalanan di nya kayang pagbayaran?
Ganyan ang mga napapala,
Ng mga taong makakapal ang mukha,
Magagaling magpayo sa kapwa,
Ngunit ang mga sarili di kayang itama.
Kaya’t sa mga natitirang miembro,
Ng iniwang kulto ni Soriano,
Dapat magsigising na kayo,
Diyan sa maling aral na natutunan nyo.
Dahil gaano ka man kagaling na ministro,
Gaano ka man kahusay pagdating sa bersikulo,
Kung walang Diyos sa puso mo,
Dadaigin ka pa rin ng demonyo.