Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

COUNCIL OF NICAEA, 325 AD: PAGBABALANGKAS NGA BA NG BAGONG ARAL NA SI CRISTO AY DIOS o PAGPAPATIBAY SA TUNAY NITONG KALIKASAN? By Serrano Abraham

$
0
0
Jesus as Lord and King

Jesus as Lord and King

COUNCIL OF NICAEA, 325 AD: PAGBABALANGKAS NGA BA NG ISANG BAGONG ARAL NA SI CRISTO AY DIOS o ISANG PAGLILINAW at PAGPAPATIBAY SA TUNAY NITONG KALIKASAN?

SHARE ko lamang po mga kapatid na CFD, especially to fr. Abe Arganiosa & Atty. Marwil Llasos .

Umattend po ako kagabi (Mar. 21,2014) ng PAMAMAHAYAG dito sa Solano, N.V. since ako po bilang BM ng Norkis Branch ay dito naka-assign sa ngayun.

ang TOPIC: ” ILAN AT SINO ANG TUNAY NA DIOS AYON SA DIOS AMA…AYON MISMO KAY CRISTO…AT AYON DIN MISMO SA MGA APOSTOL.”

KONKLUSYON NG MINISTRO MATAPOS MAILAHAD ANG NASABING PAKSA:

1. IISA LAMANG ANG TUNAY NA DIOS, ITO AY ANG “AMA”

….at ito ay AYON RAW MISMO SA AMA: ” WALA NANG IBANG DIOS, MALIBAN SA AKIN.” –Isaias 45: 1-25

….at ito ay AYON RIN DAW KAY CRISTO: “..at sinabi ni Hesus “upang makilala KA nila NA iisang Dios na tunay’..” –John 17:3

….at AYON RIN DAW MISMO SA MGA APOSTOL: iisa lamang talaga ang trunay na Dios—ang Ama na lumalang ng lahat” — I Cor.8:5-6, SNB

TUNGKOL SA — ISAIAH 45:1-8

ANG AKING TANONG AT PALIWANAG SA MINISTRO:

“…ang ginamit nyo pong talata sa Isaias 45: 1-8 na ‘WALA NG IBANG DIOS MALIBAN SA AKIN”, PLS TAKE NOTE: wala nang “IBANG” DIOS SA AKIN, kung babasahin nyo po yung mga naunang verse nung Chapter 44,, makikita na NAGPAKILA ANG DIOS NA SIYA LAMANG ANG TUNAY NA DIOs DAHIL sa mga naunang verse ng Chapter 44, SINABIHAN NG DIOS ang kanyang bayang Israel na LUMAYO sa mga dius-diusan na nuo’y sinasamba ng mga pagano.

“….WALA NG ‘IBANG DIOS’ LIBAN (or iba) SA AKIN”.

ang sabi ko pa sa Ministro, HINDI NAMAN PO “IBA” SI CRISTO SA DIOS AMA:

JUAN 10:30 ” AKO at ang AMA ay IISA” kaya, HINDI PO TUMUTUKOY ang talatang Isaias 45-8 dahil hindi po DIUS-DUSAN SI CRISTO, yan din po ang prefigura (PREFIGURATION) ng talata na ginamit ni SAN JUAN:

– 1 Juan 5:20. “At alam natin na naparito ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pagkaunawa upang ating makilala siya na totoo; at tayo’y nasa kanya na totoo, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Ito ang tunay na Diyos, at buhay na walang hanggan.” [1]

Kapansin-pansin ang huling binitiwan na babala ni Juan: “Mga munting anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan.” (v. 21) NA SIYANG PATUNAY NA SI CRISTO AY HINDI MAARING SAMBAHIN KUNG SIYA AY HINDI TUNAY NA DIOS..LALABAS PO KASI NA SI CRISTO AY isa lamang dius-diusan NA SINASAMBA katulad ng mga dius-diusan ng mga pagano.

TUNGKOL SA — JUAN 17:3:

“..at sinabi ni Hesus “upang makilala KA nila NA iisang Dios na tunay’..” –John 17:3.

ANG AKING TANONG AT PALIWANAG SA MINISTRO:

MAARI NYO PO BANG ITULOY ANG TALATANG 4-5… Nakasaad po dun ang PAGKILALA NI CRISTO SA KANYANG EKSISTENSYA SA SIMULA PA LAMANG NG PAGLIKHA KASAMA ANG AMA:

– Juan 17: 4Niluwalhati kita sa lupa, pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin. 5At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo SA PILING MO bago ang sanglibutan ay naging gayon.

– Juan 17 3At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay,… NILUWALHATI KITA SA LUPA…

NILUWALHATI PALA NI CRIISTO ANG AMA SA PARAANG “IPINAKILALA NYA ANG AMA SA LUPA BILANG “IISANG DIOS”. iisang Dios na ano??? NA NASA LANGIT!

- Juan 17: 1 “Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa LANGIT, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak”

TANDAAN NA SI CRISTO AY NAKIPAG USAP SA AMA SA PARAANG “NAKATINGALA” SIYA SA LANGIT. AT ITO AY MALINAW SA KANYANG PAGPAPAKILALA KUNG NASAAN ANG AMA :

– Mateo 6:9 “Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na NASA LANGIT KA, Sambahin nawa ang pangalan mo”

ito ang MISYON NI CRISTO, ANG IPAKILALA ANG IISANG DIOS NA NASA LANGIT, ANG “AMA”.

BAGAMA’T NAGPATUTSADA ANG MAGALING NA MINISTRO, NA MARAMI NARAW AKONG NASABI, ANG AKING NAIS PANG IPALIWANAG AY AKIN NARING PINUTOL,..

ITULOY NALANG NATIN ANG NASABING TALAKAYAN…

NATURAL, WELL ACCOMPLISHED ANG MISSION NI CRISTO SA LUPA!!
NGAYUN, ANO NA ANG SUMUNOD NA NANGYARI MATAPOS LUWALHATIIN NI CRISTO ANG AMA,:

– Juan 17: 4 “Niluwalhati kita sa lupa, pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin. 5At ngayon, Ama, LUWALHATIIN MO AKO SA IYO RIN ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.”

KAYA NAMAN, ANG “AMANG DIOS” DIN MISMO BILANG SIYANG MAY PANGAKO SA ANAK NA ANG LAHAT NG BAGAY SA LANGIT AT SA LUPA AY KANYANG IPAGKAKALOOB KAY CRISTO, BILANG TUGON SA KAHILINGAN NG ANAK NA ” IBALIK NA ANG KALUWALHATIANG TINAGLAY N’YA BAGO PA ANG ANG MUNDO’Y MAGING GAYON” , IPINAHAYAG N’YA RIN SA ATIN NA ITONG KANYANG “ANAK” AY KAISA NY’A SA KANYANG LIKAS NA KALAGAYAN:

– Hebreo 1:8″Nguni’t TUNGKOL SA ANAK ay sinasabi, Ang iyong luklukan, OH DIOS, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian”

tinupad ba ng “AMA” ang kahilingan ng kanyang “ANAK” na humiling ng ganito:

– Juan 17: 5″ At ngayon, Ama, lLUWALHATIIN MO AKO sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.”

MALAMANG NA TUPARIN NG DIOS AMA ANG KAHILINGAN NG “ANAK” NA TULAD NG AMA, SIYA RIN (ang Anak) AY MAKILALA RIN NG SANLIBUTAN BILANG “IISANG DIOS” NA TUNAY…KUNG ANG AMA AY IISANG DIOS NA TUNAY, NATURAL NA ANG KANYANG ANAK AY “IISANG DIOS NA TUNAY” DIN!

AT ANG HEBREO 1:8 AY HINDI MAARING SABIHING MALING SALIN, SAPAGKAT ITO AY TUMUTUGMA SA SALIN NG AKLAT NG AWIT 45:6

Mga Awit 45:6
6Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man: cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian.

2. ANG PAGIGING DIOS RAW NI CRISTO AY “INIMBENTO O GINAWANG OPISYAL NA DOCTRINA LAMANG NUONG 325 A.D SA Council of Nicaea: “ from the book “Discourses on the Apostles Creed” written by a Catholic priest in which it says that in the Council of Nicaea, in 325 A.D., the Catholic Church defined that it was an article of faith that Jesus Christ is God;

KONKLUSYON NG MINISTRO MATAPOS MAILAHAD ANG NASABING PAKSA:

BUKOD SA WALA RAW SA BIBLIA, AT PINATUNAYAN RAW NG AMA, NI CRISTO AT NG MGA APOSTOL NA IISA LAMANG ANG TUNAY NA DIOS, ang AMA, malamang raw na MAG-IMBENTO ANG RCC ng aral UKOL S PAGKA-DIOS NI CRISTO…

SABI PA NG MINISTRO: “KUNG ANG BIBLIA LAMANG RAW ANG PINAGBATAYN NG KONSILYO, UPANG TUKUYIN ANG TUNAY NA KALIKASAN NI CRISTO, AY HINDI NA KAILANGAN PA NG KONSILYO UPANG MAG IMBENTO NG IBANG ARAL!

NAGKAROON DIN PO AKO NG PAGKAKATAON NA MAISINGIT PA ANG ISA PANG KATANUNGAN AT “PAGTATAMA” SA KANILANG PARATANG NA INIMBENTO RAW NG RCC SA PANGUNGUNA NG MGA OBISPO NITO ANG DOCTRINANG SI CRISTO AY DIOS.

ANG AKING TANONG AT PALIWANAG SA MINISTRO:

…mawalang galang napo sa iyo… SINASABI PO NY’O, na ang ANG PANGUNAHING LAYUNIN NG COUNCIL OF NICEA ay ang PAGLIKHA NG BAGONG ARAL NA SI CRISTO AY DIOS…

Ayon din po sa WIKIPEDIA ( Council of nicea) na siya rin ninyong batayan bilang mapagsasaligang reperensya ng kasaysayan, ang nasabing Konsilyo Nicea 325 AD, ay ISANG PAGTITIPON NG MGA OBISPO MULA SA LAHAT NG DAKO, UPANG “LINAWIN” ANG MGA USAPIN SA LOOB NG IGLESIA AT MAGKAROON NG LAMANG NG ” IISANG PANINIWALA” UKOL SA KUNG ANO TALAGA ANG TUNAY NA KALIKASAN NI CRISTO.: In the Council of Nicaea, “The Church had taken her first great step to define revealed doctrine more precisely in response to a challenge from a heretical theology.”[18]–Character and purpose. http://en.wikipedia.org/wiki/First_Council_of_Nicaea

BINIGYAN KO PA NG DIIN ANG SALITA “DEFINED” :

de·fine
diˈfīn/
verb
verb: define; 3rd person present: defines; past tense: defined; past participle: defined; gerund or present participle: defining

1.
state or describe exactly the nature, scope, or meaning of.
“the contract will seek to define the client’s obligations”
synonyms: explain, expound, interpret, elucidate, describe, clarify;

TANUNG KO SA MINISTRO: ” sa binasa nyo pong aklat na “Discourses on the Apostles Creed: The Church DEFINED that it was an article of faith that Jesus Christ is God , SAAN NYO PO MABABASA yung salitang CREATED o INVENTED????… ang NAKALAGAY po sa article ay “DEFINED”

PALIBHASA KASI, yu’ng salitang DEFINED ay inenterpreta n’ya bilang, o katumbas ng CREATED or INVENTED!!!

hhahaha, mukha pa nga siyang DI KOMPORTABLE SA NAGING SAGOT NYA..hheheh.

GANITO NALANG ANG NAGING SAGOT NYA SA AKIN: “kapatid, MALAWAK PO KASI ANG CRISTOLOGY, hindi po natin matatalakay ng buo yang topic na yan sa isang pagkakataon lang..”

FEELING KO AT NUNG KASAMA KO KAGABI, AY MARAMI ANG NATUWA SA PAGTATANUNG KO AT PALIWANAG… Pinutol ko na ang pagtatanung at paliwanag ko kasi sabi ng Ministro eh, “MARAMI na yan kapatid…(bagamat NGITiNG ASO siya..). ..

KUNG MAY IBA PA RAW NAIS MAGTANUNG ( wag lang siguro ako…heheheh) , ay MAGPA-IWAN NA LANG UPANG MASAGOT PA’Y IBANG KATANUNGAN… heheh BAKIT KAYA AYAW NILA NG OPEN FORUM SA HARAP NG MADLANG PEOPLE?????


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles