Question: Si JESUS nga ba ay wala pa sa OLD TESTAMENT?
Answer: Ito ang claim ng mga ibat ibang klaseng SECTA na nangaakit sa mga KATOLIKO na walang kaalam alam sa tunay na kahulugan ng TRINITY.Ginagamit ito ng mga HERETIKO para makapagakit ng mga KATOLIKO o ibang tao para umanib sa kanila, tulad ng Iglesi Ni Cristo na hindi naniniwalang DIYOS si JESUS.
Si JESUS po ay nariyan na mula pa ng SIMULA dahil siya ang ETERNAL SON of GOD. Na ilang ulit natin nababsa sa REVELATION ang pagka Alpha at OMEGA ni JESUS.
PAHAYAG 22:12
12Narito, ako’y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa. 13Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas.
Ang tunay na pinanggalingan ni JESUS ay hindi nagsimula sa LUPA noong pinanganak siya ni INANG MARIA.
JUAN 8:23
23At sa kanila’y kaniyang sinabi, Kayo’y mga taga ibaba; ako’y taga itaas: kayo’y mga taga sanglibutang ito; ako’y hindi taga sanglibutang ito.
Mababasa natin na tahasang sinabi ni JESUS na hindi siya taga SANLIBUTANG ito at sya ay TAGA-itaas. Sa talatang ito napapatunayan natin na si JESUS nga ay TAGA taas kasama ng kanyang AMA mula pa noong simula.
Basahin naman natin ang nakasulat sa JUAN 8:58.
JUAN 8:58
58Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.
JUAN 8:23-24
23At sa kanila’y kaniyang sinabi, Kayo’y mga taga ibaba; ako’y taga itaas: kayo’y mga taga sanglibutang ito; ako’y hindi taga sanglibutang ito.
24Sinabi ko nga sa inyo, na kayo’y mangamamatay sa inyong mga kasalanan: sapagka’t malibang kayo’y magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.
Dito napatunayan na si JESUS nga ay nariyan na kahit noong hindi pa napapanganak si Abraham.
Ilang beses pinahiwatig sa pasimula sa OLD Testament na ang DIYOS sa langit ay hindi sa IISANG Persona “PLURAL”. Maari bang magkaroon ng Nilalang habang ginagawa pa ang Nilalang. Sa mga panahong ginagawa palang ng DIYOS ang lahat ng BAGAY/NILALANG, hindi maaring magkaroon ng nilalang dahil ginagawa pa nga lang niya ito. Sino nga ba ang kasama ng DIYOS noong GENESIS 1.
Genesis 1:26;
26 And he said: Let US make man to our image and likeness: and let him have dominion over the fishes of the sea, and the fowls of the air, and the beasts, and the whole earth, and every creeping creature that moveth upon the earth.
26At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa’t umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.
Lalangin NATIN ang TAO sa ating Larawan. Take note, mababasa natin ang salitang “US” o “NATIN”. Sinasabi ditong hindi IISA kundi may kasama ang DIYOS AMA ar walang iba kundi ang DIYOS ANAK.
Basahin naman natin sa Taga-Colosas 1:6.
Taga-Colosas 1:6
16Sapagka’t sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya;
Malinaw dito na sinabing sa pamamagitan ni JESUS NILALANG ang lahat ng mga bagay;Sa Kalangitan tulad ng mga ANGHEL. Sa Sangkalupaan tulad ng mga TAO. Take note; lahat ng bagay na NAKIKITA at HINDI NAKIKITA. Nababasa natin kung sino si JESUS at kung ano ang kahalagahan ni JESUS sa pag buo ng Nilalang dahil kung wala si JESUS wala pong NILALANG.
JUAN 1:3
3Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.
Ang linaw din pong sinabi na kung WALA si Jesus, hindi magawa kung wala siya. Hindi ginawa kung wala siya. Si ay isa sa nagpasimuno sa pagawa ng nilalang kasama ng AMA at Espirito Santo.
JUAN14:26
26Datapuwa’t ang Mangaaliw, sa makatuwid baga’y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo’y aking sinabi.
Subalit muling sasabihin ng mga HERETIKO na tulad ng INC na si JESUS ay wala pa noong una at bagkus nasa isip pa lamang siya ng AMA. Hindi po ito totoo, ito muli ang ginagamit nilang panluluko sa mga taong walang alam para mapagtakpan ang kamalian ng kanilang Doktrina. Binasi nila ito sa 1 Pedro 1:20 na nagsasaan sa English.
He was “foreknown” before the foundation of the world but was made manifest in the last times for the sake of you. Maari mo bang gamitin ang Foreknown at sabihin sa sariling pangunawa na nasa ISIP lang ng DIYOS si JESUS noon? Hindi dahil malinaw sa mga talatang naibigay ko na kung wala si JESUS wala ang lahat. Isa pa hindi purket nasa ISIP ng DIYOS si JESUS ay hindi na ito existido dahil siya nga po ang AMA, natural lang na nasa isip nya ang ANAK. Kung basahin naman natin ito sa GRIEGONG salin, hindi naman Foreknown ang nakasaad kundi “proegnOsmenou” na ang ibig sabihin Before having been known, sa tagalog, “alam na kung sino o KILALA na” natural dahil diyan na nga si JESUS sa simula palang.
1 Pedro 1
20Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni’t inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo,
Ngunit sasabihin ulit ng mga HERETIKO kung si JESUS nga ay DIYOS at existido sa simula, bakit niya sinabing ang DIYOS ama ang tunay na DIYOS at wala ng iba at ang DIYOS Ama ay masdakila sa AMA?
JUAN 14:28
28Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako’y inyong iniibig, kayo’y mangagagalak, dahil sa ako’y pasasa Ama: sapagka’t ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.
Natural lang na sabihin ni JESUS yan sa kasalukuyan dahil si JESUS nga po ay nagpakatao, sa anyong DIYOS at TAO. Pinili ni JESUS na maging mahina sa AMA alang alang sa pagtubos sa ating mga kasalanan.
Taga-Filipos 2:5-7
5 Ito ay sapagkat kailangang taglayin ninyo ang kaisipan na na kay Cristo Jesus din naman. 6 Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos.
7 Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao.
Malinaw na sinabi, bagamat si JESUS ay sa anyong DIYOS, KAPANTAY ng DIYOS ay hindi itinuring na kailangang pakakahawakan, tinanggap niya ang ANYO ng isang alipin at NAKITULAD sa tao para sa ating kaligtasan….
Sa huli sasabihin ng mga HERETIKO na kung si JESUS nga ay makapangyarihang DIYOS at Kapantay ng DIYOS. Bakit sinabi nitong hindi niya alam ang kanyang pagbabalik…
Marcos 13:32
32Nguni’t tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.
Dahil ayaw ni JESUS na sabihin sa mga TAO ang hinaharap pinili ni JESUS na wag alamin ang mangyayari sa HINAHARAP. Dahil si JESUS tulad natin ay kailangan tuparin ang kagustuhan ng AMA, at hindi sa kanya. Kung may kapangyarihan si JESUS na Alamin ang hinaharap, may kapangyarihan din itong kalimutan o wag alamin alang alang sa pagtupad sa kanyang MISYON.
JUAN 21:17
17Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka’t sa kaniya’y sinabing makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.
Nalalaman ni JESUS ang lahat ng mga Bagay subalit pinili nito ang wag alamin ang hinaharap upang hindi masabi sa kanyang mga Alagad ang hinaharap at tuparin ang nakasulat at kagustuhan ng AMA.
Purihin ang DIYOS na si JESUS ang DIYOS AMA at ang DIYOS Espirito Santo; Tatlong PERSONA, Nag IISANG tunay na DIYOS… AMEN