Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Karanasan ko sa pagbubuo ng CFD-Manila

$
0
0

-Robertson Poblete
March 15, 2014

 

Alas onse y media na ng dumating kami sa Mary Mirror of Justice Parish sa Comembo, Makati para sa meeting kasama si  Fr. John Barro tungkol sa pagbubuo ng grupo ng apologetics group, Catholic Faith Defenders, sa Archdiocese of Manila.

Dahil ini-anunsyo ang meeting  sa Facebook Group na maraming apologists, inasahan namin na marami ang makakarating. Pero sa di malamang dahilan, walo lang kaming (unang) nakapunta doon. Si Kapatid na John Vincent Suan, nauna sa amin ng tatlumpung minuto. Kaming pito naman: Atty. Marwil Llasos, Bro. Aran Cabreros, Bro. Dennis Deogracias, Bro. Louie Hermosa, Bro. Jesus Mary Hao, Sis. Masol Santiago at ang inyong lingkod – Robertson Poblete – naghintayan pa sa Guadalupe para sabay-sabay na pumunta sa lugar ng pagpupulong.

Pagdating namin dun, dahil tanghali na, nananghalian muna kami bago nagsimula ang meeting. Sinimulan ni Fr. John Barro ang meeting sa pagtatanong sa amin isa-isa kung ano ang aming affiliations.  Pagkatapos, dahil unang beses namin siyang nakadaupangpalad, siya naman ang mabiro at masayang nagpakilala sa amin.

Pagkatapos ng maikling pagpapakilala, sinabi niya na buo ang suporta niya sa plano namin na magtayo ng apologetics group sa Archdiocese of Manila.  Pero iminungkahi niya na kung magbu-buo ng apologetics group dapat ay mayroong orientation at spiritual formation ang mga magiging miyembro nito. Sinabi niya na dapat ay balanse ang spirituality at apologetics upang maisagawa ang pagtatanggol sa Pananampalataya at sa Simbahang Katoliko ayon sa ekumenismo na isinusulong ng Simbahan ngayon. Dito nilinaw niya na hindi ito mangangahulugan na iko-kompromiso ang pananampalataya alang-alang sa ecumenismo kundi ipagtatanggol ang pananampalataya na may humility at charity.

Ito ay sinang-ayunan naman ni Bro. Marwil Llasos at ng iba pang kasama sa grupo.

Sinabi rin ni Fr. John Barro na ang Mary Mirror of Justice Parish ang magiging ‘home base’ ng binubuong Catholic Faith Defenders- Manila Chapter.  Doon gagawinangmga meeting, formations, at orientations.  At kung sakali na mailipat siya sa ibang parokya, isasama niya ang grupo sa parokya kung saan man siya maililipat.

Pagkatapos nito, ipinakilala kami saiba pang mga pari na naroon. At isa sa mga pari na ipinakilala sa amin ay si Fr. Carlos Reyes  - Minitry on Ecumenical and Inter-faith Affairs - na isa sa mga posibleng magbigay sa amin ng mga basic teachings tungkol sa Church History, Ecclesiology, Theology, Moral Theology at iba pang bagay na mahalagang malaman at may malaking maitutulong sa mga apologist wannabe.

Sinabi niya na maaaring maging hindi ecumenical ang dating ng pangalan ng grupo dahil sa salitang “Defender”. Kasunod nito ang pagmumungkahi ng pagpapalit ng pangalan ng grupo. Dito pabiro kong sinabi na baka mas maganda kung ang pangalan ng grupo ay “Ecumenical Catholic Faith Defender” para ecumenical pero defender.

Inulit ni Fr. Carlos ang sinabini Fr. John na ang pagtatanggol ng Simbahan ay dapat naaayon sa ekumenismo na isinusulong ng Simbahan ‘without deviation from the Faith’.

Sa puntong ito, dahil mayroon pang taping para sa Know the Truth (ng TV Maria) si Atty. Marwil Llasos, nauna na siyang umalis. (Kaya hindi siya nakasama sa picture picture)

Pagkatapos ng meeting, umalis na ang mga pari para sa sari-sarili nilang gawain. Pero dahil bihira lang kami magkita-kita, naiwan kami para pag-usapan lahat ng maaari pang pag-usapan tungkol sa pinaplanong bubuuin na grupo. Humabol sa meeting sina Bro. Zoren Roberto at Bro. Manny Protacio.  Nagpalitan din kami ng mga kaalaman namin sa apologetics.

Sa mga Katolikong nagbabasa nito, Ipagdasal po natin na maging matagumpay ang pagbubuo ng CFD dito sa Archdiocese of Manila.

 Sa mga lone ranger apologist sa Archdiocese of Manila na nagbabasa nito.

Tara! Sakay na! Aarangkada na tayo.

 

*******************

 

Berto: Mike check! Pwede po bang bumati?

Splendor of the Church Admin: Yeah Sure!

Berto: Binabati ko nga pala ang mga kaibigan ko sa Defensores Fidei Foundation, lalo sina Sir Henry Siy at Chief Ed de Vera. Binabati ko rin sina Bro. Marco Evangelista at Tatang Larry Mallari ng Kateks (Veritas 846). Binabati ko rin Si Bro. Romy Castro ng St. Peter’s Men Society.  Hello po! Nandito ako ngayon sa Splendor of the Church! Happy Reading! Musta po kayo? God bless po!

 

 

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles