Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Bakit nga ba sinabi ni Jesus na huwag ninyong tawaging AMA ang sinumang tao sa lupa?

$
0
0

Question:

question

Answer:

“Huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Ama na nasa langit.”(Mateo 23:9)

Alam na alam ng Panginoong Jesus ang mga nasusulat sa Isaiah Scroll.

isaiah-scroll1

At ang mga nasusulat dito ang ginagamit nya sa tuwing pinupuna nya ang maling gawain ng mga fariseo. (Matthew, 13:14, Matthew 15:7, Mark 7:6, Luke 4:17)

Ito po ang impormasyon tungkol sa Isaiah Scroll.

The Isaiah Scroll, designated 1Qlsa and also known as the Great Isaiah Scroll, was found in a cave near the Dead Sea with six other scrolls by Bedouin shepherds in 1947, later known as the Dead Sea Scrolls.

Sinabi ni Jesus ang salitang, “Huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Ama na nasa langit, para bigyan ng babala ang mga tao na huwag ninyong ituturing na diyos ang sinumang tao na naririto sa lupa sapagkat iisa ang inyong Diyos, ang Diyos na nasa langit.

Dahil alam ng Panginoong Jesus ang tungkol sa Isaiah Scroll kaya alam nya rin  kung ano ang isa sa mga itinatawag sa Diyos.

“you are he, O Lord, our father, our Redeemer from long ago is your name.”(Isaiah 63:16, The Dead Sea Scrolls Bible)

9780060600648_p0_v1_s260x420

Kaya nga itinuro ni Jesus ang panalangin na “Ama Namin” sa kanyang mga alagad.

“Ganito kayo mananalangin,
Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang iyong pangalan.
Nawa’y maghari ka sa amin.
Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw; a
at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming hayaang matukso,
kundi iligtas mo kami sa Masama!”(Mateo 6:9-13)

Pansinin nating mabuti,  sa halip na gamitin ng Panginoong Jesus ang salitang  ”Diyos” nang itinuro nya ang Panalangin sa kanyang mga alagad.  Ang salitang  ”Ama”  na lamang ang ginamit nya dahil yun ay tumutukoy sa nag-iisang Diyos na nasa langit.

Ito ang hebrew text ng Isaiah 63:16

Isaiah 6316

Mababasa natin yung hebrew word na אב o ab.

ab2אב or Ab is often used to portray the unique relationship between God and Israel. As father of his people.

“I thought to myself, ‘I would love to treat you as my own children!’ I wanted nothing more than to give you this beautiful land–the finest possession in the world. I looked forward to your calling me ‘Father,’ and I wanted you never to turn from me.”(Jeremiah 3:19)

Hindi dapat ibigay ang  honor na para lamang sa  Diyos sa mga fariseo kaya sinabihan ni Jesus ang mga tao ng, “Huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Ama na nasa langit.”

Pansinin natin ang hebrew text ng Matthew 23:9 kahit na alam natin na isinalin ito mula sa wikang griyego.

matthew239-hebrewMababasa din natin yung Hebrew word na אב Ab na dapat ay para lamang sa Diyos at hindi karapat dapat na ibigay sa mga fariseo.

Kung pag-aaralan nating mabuti ay halos gustong agawan na ng mga Fariseo ng  kaluwalhatian ang Ama.

Bakit?

Pansinin po nating mabuti ang mga sumusunod:

Una, sa Matthew 23:6, “and they love the place of honor at feasts and the best seats in the synagogues.”

Ito ang sabi sa aklat ni Propeta isaias na madalas ginagamit ng Panginoong Jesus sa tuwing pinupuna nya ang mga Fariseo.

“O Yahweh, our God, other lords besides you have ruled us, but it is your NAME alone that we HONOR.”(Isaiah 26:13)

Ano ba ang isa sa mga Name ng Diyos ayon din sa Aklat ni Propeta Isaias?

“you are he, O Lord, our FATHER, our Redeemer from long ago is your NAME.”(Isaiah 63:16, The Dead Sea Scrolls Bible)

 

Pangalawa, sa Matthew 23:7, “They love to receive respectful greetings as they walk in the marketplaces, and to be called ‘Rabbi.’

Ang Rabbi ay didaskalos sa wikang griyego at Rabbi naman sa Wikang Hebreo na katumbas ng wikang ingles na “Teacher”.

Ninanais ng mga Fariseo ang mabigyan sila palagi ng papuri ng mga tao.

“For they loved human praise more than the praise of God.”(John 12:43)

Ang lahat ng kapurihan ay dapat ibigay sa Diyos at hindi sa kanila.

“For everything comes from him and exists by his power and is intended for his glory. All glory to him forever! Amen.”(Romans 11:36)

Dahil wala ng mas hihigit pa sa Diyos bilang  ating Rabbi , “Behold, God is exalted in his power; who is a TEACHER like HIM?”(Job 36:22)

 

Pangatlo, sa Mark 7:7-8, pati ang kanilang mga kautusan ay ginagawa nilang parang kautusan ng Diyos at ipinapasunod sa mga tao.

“These people, says God, honor me with their words,
but their heart is really far away from me.
It is no use for them to worship me,
because they teach human rules
    as though they were my laws!’”(Mark 7:7-8)

Tandaan natin na ang bawat kautusan na nangagagaling sa bibig ng Diyos ay kanyang salita at alam naman natin kung ano ang kanyang Salita.

“Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.”(Juan 1:1)

Napakaliwanag na ginagawa ng mga Fariseo na Kautusan ng Diyos ang sarili nilang kautusan na sumasalungat sa kalooban ng Diyos.

 

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles