Dahil sa isang group na pinasukan ko, meron akong napansing post ng isang INC-M member tungkol sa isang blog na pag-aari din ng isang INC-M, medyo natawa ako sa title ng post niya “ABE ARGANIOSA UMAMING SUNGAY NG DEMONYO ANG NASA SIMBAHAN NILA” sa unang tingin aakalain mong totoong sinabi ni Father Abe na mala-sungay ng demonyo ang nasa Tunay na Simbahan ng Panginoong Jesus, at yon ang titingnan/aalamin natin ngayon. ang may-ari ng blog ay si Emmanuel Hezekiah dahil yan ang nabasa kong nag-post ng article.
Isa na namang pasabog ang pinasabog ng paring mahilig manira sa Iglesia ni Cristo, ating tingnan ang kanyang artikulo sa kanyang blog(kung saan ako ay naka-ban sa kanyang facebook page)
Mukha yatang nasabugan sa mukha itong INC-M member na ‘to (LOL) bungad palang niya mukha ng galit. ako kasi, kung hindi dahil sa paninira nila, hinding hindi niya ako makikitang sumasagot sa mga akusa nila, kaya ako natutong i-dipende ang Simbahan dahil narin sa mga PANINIRA nilang tila below the built na, teka move on muna tayo. (LOL) baba tayo sa gusto niyang sabihin.
Para pala sa kanya at sa mga katoliko, ang pantulos daw ay “SUNGAY NG DEMONYO”, yan ang kanyang turo o aral, siya ang may sabi nyan kaya parang inamin na nya na yung nasa kanilang mga simbahan ay may “SUNGAY NG DEMONYO”. Ating suriin ang kanilang mga simbahan.
Ayan, so, isa-isahin natin yong mga umano’y “sungay ng demonyo” meron ba niyan sa Catholic Church? ang pinag-uusapan kasi dito ay ang [Isaias 54:2-3] na kung saan sabi ng isang INC-M member yon daw verse na yan ay tumutukoy sa matulis na bagay na nasa kapilya ng Manalo Family, yong punto ni Father Abe dito at yong sinasabi ng verse ay ang PANTULOS na dapat nakabaon sa lupa at hindi nakatunganga sa langit na tila baga nakaabang ng tutusukin (LOL sorry sa term) ibig sabihin hindi pantulos ang tawag sa tulis na nasa kapilya nila dahil nga nakabaon dapat ito, maliwanag na hindi naman sinusunod ng mga INC-M ang utos ng DIYOS.
Ngayon, bakit itong si Emmanuel Hezekiah ay sinasabing umamin si Father Abe na. . ““ABE ARGANIOSA UMAMING SUNGAY NG DEMONYO ANG NASA SIMBAHAN NILA” nagbabasa ba itong taong ‘to o hindi? besides, ang makikita sa tuktok ng Catholic Churches o yong pinaka-tower ng Simbahan ay KRUS, hindi ba niya naisip yon? sa buong buhay ko at sa dami ko ng nakikitang Catholic Churches halos lahat Krus ang nasa taas niya, bakit ngaba Krus? dahil namumuhay kami na hindi takot sa Krus ng Panginoon, hindi kami kaaway nito. (baka sila takot sa krus, bakit kaya?) at kaya ang tower ng Simbahan ay pagka taas-taas at sa dulo nito ay Krus, yon ay para ibandera at ipagmalaki ang Krus ng Panginoon tulad ng mga apostol, dahil ang krus ang siyang tumubos ng kasalanan, kaya dapat ipagmalaki at hindi dapat katakutan o gawing kaaway tulad ng ginagawa niyo. . LOL
FILIPOS 3:18 “Tulad ng malimit kong sabihin sa inyo, at ngayo’y luhaang inuulit ko, “MARAMI ANG NAMUMUHAY BILANG MGA KAAWAY NG KRUS NI CRISTO”
Wala kayong krus kasi takot nga kayo. o baka naman gusto magkaron ayaw lang payagan ng manalo management, dumako tayo sa mga pinost niyang Catholic Churches. .
Nakakatawa sinabi niya dito. . (mukhang nakakatakot nga) takot na takot nga sa Krus LOL alam na.
Ito pa isa sabi niya (ito pa isa, mukhang nakakakilabot nga) oh diba? takot na takot talaga sila at at nakakakilabot pa daw ha. LOL
Ito pa sa Sagrada Familia, ang comment niya (ito matindi sa dami ng sungay nito) imagine kung talagang kay Kristo ka, bakit ka matatakot sa Krus na makikita mo sa taas ng Simbahan? ohhh sorry hindi nga pala kayo kristiyano LOL. . Sabi nga ng mga Apostol talagang ipinagmamapuri nila ang Krus ng Panginoon, bakit ang mga INC-M takot sila sa Krus?
GAL 6:14 “Datapuwa’t malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na SA KRUS NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO, na sa pamamagitan niyao’y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako’y sa sanglibutan.
- Saint Mary’s Cathedral – Spain
Nakita nyo ang “SUNGAY NG DEMONYO”(ayon sa paring katoliko) sa kanilang mga simbahan? May pag amin din ang isa sa mga kampon ng paring ito, meron daw gusaling sambahan na kahawig ng templo ni baal(diyus diyusan) na may “obelisk”
Tama, ito nga ang tinutukoy ng kampon nya, yung “obelisk” sa vatican, katoliko meron nyan.
Ano nakita mo pagkakapareho niyo ng templo ni baal at yong tulis ng kapilya niyo? LOL walang pagkakaiba, parehong matulis, at malayo yan sa tunay na Simbahan ni Kristo dahil Krus ang pinagmamalaki namin hindi tulis. LOL
Uulitin ko lang, ang sabi ni Father Abe ang PANTULOS na nakasaad sa [Isaias 54:2-3] ay dapat nakabaon at hindi sa tuktok nakalagay. LOL baliktad talaga kayo.