CHURCH OF CHRIST 1914 ARGUMENT AGAINST JESUS CHRIST TRULY GOD AND TRULY
MAN DOCTRINE.
The 6th ECUMENICAL COUNCIL
Constantinople III 680 AD
> It was define that as in Christ, there are two nature, divine and human, so He likewise posses a divine and human will, that Jesus Christ is the word made flesh, that Christ is truly God and truly man, since the two nature are united in one person, all the action of Christ, even those of His human nature, are the acts of a divine person.
The 1st ECUMENICAL COUNCIL
Council of Nicea 325 AD
> Proclaimed that the Son was God of God, light of light, true God from true God, begotten not created, of the same substance of the Father.
ANG PANGINOON JESUKRISTO PO BA AY DIOS O’ HINDI DIOS
Ito po ang ating tatalakayin sa pamamagitan ng tanong at sagot.
1. Tanong: “Sapagkat ako’y Dios at hindi tao” (Oseas11:8),
Samakatuwid, ang Dios ay hindi maaaring maging tao, at ang tao ay hindi maaaring maging Dios.
Sagot: Ang Oseas ay aklat ng lumang tipan. Tama po ito! sapagkat hindi pa nagkakatawang
tao ang Dios, kaya’t sa bagong tipan ay wala nang mababasa na ang Dios ay hindi tao.
Ang Dios po ba ay nagkatawang tao? Opo!
> “Nang pasimula siya ang verbo, at ang verbo ay sumasa Dios, at ang verbo ay Dios”(Jn.1:1:14)
Samakatuwid ang verbo ay Dios, kung ang verbo ay Dios, ano ang wika tungkol sa verbo o’ sa Dios?, talatang 14 >” At nagkatawang tao ang verbo…” Maliwanag, ang Dios ay nagkatawang tao. Hindi imposible na ang Dios ay magkatawang tao.
2. Tanong: Kung si Cristo ay Dios, bakit sinabi niya, “…aakyat ako sa aking Ama, at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios”(Jn.20:19) , pinatutunayan nito na hindi Dios si Cristo.
Sagot: Ang Dios Ama ay sinabi rin na ang Anak ay Dios,
> “Ngunit tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man…”(Heb.1:8)
Como ba sinabi ng Ama na ang Anak ay Dios, ay hindi na Dios ang Ama?
3. Tanong: Kung ang Ama ay Dios at ang Anak ay Dios, lalabas na dalawa ang Dios! sabi ng biblia.
“Ngunit sa ganang atin ay may isang Dios lamang ang Ama..”
…at isa lamang Panginoon, si Jesukristo..”(1 Cor.8:6)
Sagot: Sa uring plus o’ addition ay dalawa nga, subalit sa uring multiplication ang dalawa ay isa rin 1×1=1 >” Ako at ang Ama ay iisa” (Jn.10:30)
At kung si Jesukristo lamang ang Panginoon, liltaw na siya ay Dios,
>”Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag”(Awit 118:27)
4. Tanong: Kung si Cristo ay Dios, bakit mayroon siyang hindi nalalaman?
“….at sa araw na yaon ay walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mat.24:36)
Sagot: Sa kalikasan tao ay mayroon siyang hindi alam, ngunit sa kalikasan Dios, ang lahat ay nalalaman niya.
> “….at sinabi niya (pedro), sa kanya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng bagay, nalalaman mo na kita’y iniibig”(Jn.21:17)
5. Tanong: “Talastasin ninyong lahat, si Jesukristo, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios…”(Gawa4:10)
Maliwanag, sino ang binuhay, si Cristo? Sino ang bumuhay, ang Dios. Kaya’t si Cristo ay hindi Dios.
Sagot: Diyan nga natin mapapatunayan na si Cristo ay Dios. Wika niya,
> “Igiba ninyo ang templong ito, at aking itatayo sa tatlong araw” (Jn. 2:19-21) datapwa’t sinasalita niya ang tungkol sa templo ng kanyang katawan”
Na kung uunawain ay, patayin ninyo ang katawang ito at aking bubuhayin sa tatlong araw.
Kaya’t sinabi niya,
> “Dahil dito’y sinisinta ako ng Ama, sapagkat ibinigay ko ang aking buhay upang kunin kung muli” (Jn.10:17)
Sa kalagayang tao, Siya ay namatay, ngunit ang bumuhay ay ang kalagayan niyang Dios.
Sapagkat Siya nga ay Dios.
6. Tanong : Kung si Cristo ay Dios, bakit sinabi niya, “Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan” (Mk.15:34)
Sana sinabi niya ako, ako bakit mo ako pinabayaan, eh di maaari pa siyang paniwalaang Dios.
Sagot: Kung sinabi man niya yaon ay di nangagahulugan na hindi na siya Dios, kundi bagkus hindi niya pinairal ang pagiging Dios.
> “Na siya (Cristo), bagama’t nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, kundi bagkus hinubad niya ito at nag anyong alipin na nakitulad sa mga tao. At palibhasa’y nasumpungan sa anyong tao, siya’y nagpakababa sa kanyang sarili na nagmasunurin hanggang kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus”(Filipos 2:6-8)
Kaya’t bilang tao, sinabi niya ,Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan.
7: Tanong: Como ba si Cristo ay nasa anyong Dios siya’y Dios na,
Como ba sinabi sa isang tao ay anyong kabayo, ay kabayo na?
Kaya’t si Cristo ay may anyong Dios lamang. Kaya’t hindi siya Dios.
Sagot: Dahil ba sa anyong Dios lamang ay di ninyo matanggap na si Cristo ay Dios?
Paano ninyo ipaliliwanag ang talatang, Palibhasa’y nasumpungan sa anyong tao?
Ang sulat ni San Pablo na anyong Dios, at anyong tao, ay nangagahulugang si Cristo ay Dios na totoo at tao namang totoo.
8. Tanong: Mat 1:17- Sa texstong ito ay pinatutunayan na si Abraham ay mas matandang di hamak kay Cristo, kaya’t si Cristo ay hindi Dios.
Sagot: Sinabi ni Cristo,
> “….bago ipinanganak si Abraham ay ako nga”(Jn.8:56-58)
“Ako nga” ay pangalan ng Dios sa lumang tipan.(Exo.3:14)
Sabi pa ni Cristo,
> ” Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob, ang Dios ay hindi Dios ng mga patay kundi ng mga buhay”(Mat.22:32)
9. Tanong: Di ba ang tunay na kalagayan ni Jesukristo ay ipinanganak siyang tao, namatay nabuhay, umakyat sa langit, nalukluk sa kanan ng Ama sa langit sa kalagayan din tao, samakatuwid, siya’y tao at hindi Dios.
Sagot: Tanggapin na natin ang nabanggit na paliwanag bilang si Cristo ay tao at hindi Dios.
Subalit ito ay hindi nangagahulugan na hindi na taglay ni Jesus ang kalagayang Dios? Wika ni San Pablo,
> “Sapagkat sa kanya’y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios, sa kahayagan ayon sa laman”
(Colosas 2:9)
10. Tanong: Ayon sa aklat Katoliko na “The Apostle Creed” ni Rev. Clement H. Greek, p.206 , sinimulan lang sampalatayanan na si Cristo ay Dios noon lamang 325 AD
Sagot: Marami nang naniniwala na si Jesus ay Dios bago pa lamang sumapit ang 325 AD
Ang binabanggit sa Council of Nicea 325 AD, na ito ay isa nang Dogma (katotohanan) na si Cristo ay Dios.
Ang isang Katoliko na ayaw parin maniwala, tulad halimbawa na si padre Ario at ni bishop Nestorio ay itinuring na erehe kung kaya’t sila’y natiwalag bilang pari noong 325 AD
11. Tanong: Ayon sa Juan 17:3 ay iisa lang ang Dios na tunay!
“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay…”(Juan17:3)
Sagot: (iisang Dios na tunay)
SI CRISTO AY TUNAY NA DIOS
> “…. upang ating makilala siya na totoo…, samakatuwid ay ang kanyang anak na si Jesukristo.
Ito ang tunay na Dios at ang buhay na walang hanggan” (1Juan 5:20)
AYON SA BIBLIA SI CRISTO ANG NABUHAY,(Mk.16:11)
NABUBUHAY,(Heb.7:25)
AT DARATING(paparito) Mat.25:31
Kung si Cristo ayon sa biblia ang nabuhay, at nabubhay at siyang darating, maliwanag ang pahayag ng biblia,
> “…ang Panginoong Dios, ang makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating” (Apoc.4:8)
Ref.Authorized King James Version
Next a Summary
1. Si Cristo ay Dios, batay sa salita Niya at pangyayari.
2. Si Cristo ay tao, batay sa salita Niya at pangyayari.
3.Ang nauukol sa Dios lamang ay nauukol kay Cristo
4. Karagdagang argumento ng
INC 1914 hinggil sa (Kawikaan 8:22-30)
Sagot:
” Si Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Dios.”(1Cor.1:24)