Nagkaroon ng pagpupulong ang Catholic Faith Defenders Metro Manila noong April 24, 2016. Ang pagpupulong ay ginanap sa CHILDREN OF LIGHT CATHOLIC COMMUNITY Oroquieta St., Recto. Intersection of LRT 1 Doroteo Jose Station and LRT 2 Rector station.
Ang paksa ng pagpupulong ay ang Santisima Trinidad (Ama, Anak Espiritu Santo). Ang punto ng diskusyon ay mali ang tritheism (3 diyos) at ang sabihin na si Kristo ay tao lamang. Si Kristo ay 100% na Diyos at 100% na tao. Ang nagreport ay si Bro Stephen Manalo Cervantes.
Pagkatapos ng paguulat, si Atty. Marwil Nacor Llasos naman ang nagsalita para sa masikalilinaw ng diskusyon. Kanyang ipinaliwanag na ang Diyos ay pagibig kaya naman hindi pwede na may isang persona lang Siya. Karapatdapat lamang na may binibigyan ng pagmamahal ang Ama at yun ang kayang Anak. Ang pagmamahalan ng Ama at Anak ay ang Diyos Espiritu Santo.
At syempre marami pa siyang ipinaliwanag at pagkatapos ay may naganap na pagpapalitan ng nalalaman at pagtatanong tungkol sa paksa. Para sa paghahanda sa susunod na papupulong sa Mayo 22, 2016 nagkaroon ng mock or practice debate. Ang mga nagdebate ay si Bro Gerry at Bro Melchor Manalili. Ang debate ay patungkol sa pagkaDiyos ni Kristo. Si Bro Gerry ay nagtindig ng mga argumento na sumasangayon sa (MCGI) Ang Dating Daan. Si Bro. Melchor Manalili naman ay nagtindig ng mga argumento na sumasangayon sa (INC) Iglesia Ni Cristo-1914
Nagbigay ng panghuling pahayag sila Bro Gerry at Bro. Melchor Manalili tungkol sa pagkaDiyos ni Kristo. Nilinaw nila kung paano ang tamang pagpukol ng mga argumento tungkol sa nabanggit sa paksa. Nagbigay naman ng pasasalamat si Bro Stephen Manalo Cervantes at sinigurado na handa ang susunod na maguulat.