“As Catholic Christians, let us give rightful respect to our church overseers, the successors of the Apostles – our bishops. They are God’s chosen ones.”
Ang ating mga obispo ay may katungkulan na magturo, at ang saklaw ng kanilang pagtuturo ay kasama na ang politika at pamamahala ng tao. Ayon nga sa Bibliya: “Hindi ba ninyo alam na ang mga hinirang ng Diyos ang hahatol sa sanlibutan? Kung kayo ang hahatol sa sanlibutan, hindi ba ninyo kayang hatulan ang ganyang kaliit na bagay? Hindi ba ninyo alam na hahatulan natin ang mga anghel? Gaano na lang ang mga bagay na may kinalaman sa buhay na ito!” (1 Corinto 6:2,3)
Kaya hayaan nating magsalita ang ating mga obispo. Pakinggan natin sila kung ano ang kanilang masasabi. Para sa ikabubuti ang kanilang tinuturo. Kung hindi tayo sumasang-ayon sa kanilang mga pananaw, igalang natin sila at huwag bastusin. Kung tayo nga ay nakakagalang sa ating matatandang magulang kahit hindi tayo sumasang-ayon sa kanila, ano pa kaya sa mga hinirang ng Diyos na may kakayahan manalangin para sa inyo sa paanan sa Diyos?
Source:https://www.facebook.com/KatolikongPinoy/photos/a.103289008642.88702.96426468642/10154317627943643/?type=3&theater