MGA MINISTRO NG INC,
NAKADAMIT TUPA
Mat.7:15 “Mangag-ingat kayo sa mga bulaang propeta na magsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapwa’t sa loob ay mga lobong maninila”
Tanong: Di ba ang balahibo ng tupa ay puti na nakabalot sa katawan?
Sagot: Opo! ang balahibo ay puti o buhaghag, malaki sa itaas at pahapit sa bandang ibaba.
Tanong: eh di pari ang tinutukoy sapagkat sila’y nakaputing damit hanggang sa ibaba.
Sagot: Hindi po! ang damit nilang abito ay maluwang sa ibaba at kulay puti, itim, at iba’t iba ang kulay kung sila’y nasa misa.
Tanong: Kung hindi pari ang tinutukoy, eh sino? Mga Pastor ba at Ministro ng ibat ibang sekta?
Sagot: Sila ang lumiltaw, sapagkat kung sila ay naka-amerikana, hindi ba maluwang sa itaas at pahapit sa bandang ibaba (amerikana at pantalon)
Tanong: “ang may damit tupa” yan ba ay tumutukoy sa damit?
Sagot: yan ay isang idiomatic expression, na ang ibig sabihin ay
Isang masamang tao na nagbabalatkayong kaibigan kung tawagin ito ay traidor o mapagpaimbabaw, kung kaharap mo ay naka ngiti at nagpupuri, subalit pagtalikod ay namumuna at naninirang puri.
Tanong: Dapat pala tayong magingat sa mga ministro at pastor na kung lumapit ay parang maaamong cordero na gumagamit pa ng biblia.
Mayroon bang ministro at pastor na kalaban ng Panginoon?
Sagot: Meron po!
” …..at hindi kata-kataka, sapagkat si satanas man ay nagpakunwaring anghel ng kaliwanagan.”Hindi malaking bagay nga na ang kanyang mga “ministro” naman ay magpakunwari na waring “ministro ng katwiran” (2Cor.11:14:15)
“……kung sila’y nakikipag piging sa inyo, mga “pastor” na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili” (San Judas 1:12)
Hindi lahat ng gumagamit ng biblia ay kay Kristo, sapagkat ang demonyo man ay gumamit ng biblia ng kanyang tuksuhin ang Panginoon at ang Panginoon ay gumamit din ng biblia bilang pagsasanggalang (Mat.4:5-10), NA SIYA RIN NATING GINAGAWANG MGA KATOLIKO.
DAPAT TAYONG MAGINGAT SA MGA SEKTANG NAGLIPANA NGAYON NA KARAMIHAN AY GALING SA KATOLIKO. SAPAGKAT SA KANILA TUGMANG-TUGMA ANG MGA BINABANGGIT NG BIBLIA:
1.”Ngunit hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitlikod sa pananampalataya…” (1Timo.4-1)
2.” ….At gaya ng inyong narinig na darating ang anti-kristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami…Sila’y nagsilabas sa atin….”(1Juan 2:18:19)
3. “…..Mangagsasalita ng mga bagay na masama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan” (Gawa 20:30)
4.”…..Na nagpapalipat-lipat sa bahay- bahay” (1Timo.5:13)
5. Sapagkat ito’y mangyayari kaya si San Pablo ay nagbigay ng babala:
Roma16:17:18 – “Ngayo’y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid na tandaan ninyo ang pinanggagalingan ng pagkakabahagi-bahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong napag- aralan, at kayo’y magsilayo sa kanila sapagkat ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Kristong Panginoon kundi sa kanilang sariling tiyan, at sa pamamagitan ng kanilang mabubuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng walang malay”
(Ang karamihang nadadaya ay mga Katolikong TAMAD MAG-ARAL NG KANILANG PANANAMPALATAYA)
STUDY THE BIBLE THE CATHOLIC WAY.
Pontifical Biblical Mission
Sta. Clara de Montefalco Parish