Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

ANG MISTERYO NG SANTISIMA TRINIDAD By Juanito Aquino

$
0
0
THE HOLY TRINITY

THE HOLY TRINITY

 

ANG MISTERYO NG SANTISIMA TRINIDAD

Sa iisang Dios ay may tatlong persona, ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo, at ang ibig sabihin ng persona ay yaong may sariling pagiisip at kalooban.
Ang anghel at tao ay mga persona sapagkat sila ay may sariling pagiisip at kalooban.

Ang pangalan ng tatlong persona ay sinabi ng Panginoon, “…….na sila’ y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo…..”
Ito ang hayagang patunay na talagang iba ang Ama sa Anak at Anak sa Espiritu Santo, na sila’y magkakaiba sa isa’t isa.
Nang bautismuhan si Jesus, ang Espiritu Santo ay bumabang tulad ng isang kalapati, at isang tinig ang nagmula sa langit, “ito ang sinisinta kong Anak na Siya kong lubos na kinalulugdan” (Mat.3:16:17)
Kung alin ang ginagawa ng isa, ay ginagawa ng lahat.
Ngunit may gawaing higit na angkop para sa isang persona, kaysa duon sa dalawa.

Ayon sa mga theologo, ang Dios Ama ay ang angkop na tagalikha, ang Dios Anak ang angkop na manunubos, at ang
Dios Espiritu Santo ang angkop na nagpapabanal.

Sa iisang Dios ay may tatlong persona, kung pipilitin natin malaman ay tiyak na hindi malalaman sapagkat ito’y misteryo o’ hiwaga, kung hiwaga, ito’y hindi natin malalaman sapagkat kung ito’y malalaman, ito’y hindi na hiwaga.
KAYA’T ITO ANG TINATAWAG NA DOKTRINA NG IGLESIA KATOLIKA NA “MISTERYO NG SANTISIMA TRINIDAD”

Tanong at Sagot

Tanong: Kung Ama ay Dios, ang Anak ay Dios, at ang Espiritu Santo ay Dios, lalabas na tatlo ang Dios ?

Sagot: Sa uring arithmetic na plus
ito ay lalabas na tatlo, subalit sa uring multiplication, ang tatlo ay isa rin, 1x1x1=1
Ang Luzon ay Pilipinas
Ang Visayas ay Pilipinas
Ang Mindanao ay Pilipinas,
tatlo ba ang Pilipinas? hindi!
Ang Panginoon ay hindi nagturo ng addition kundi multiplication ng kanyang paramihin ang limang isda at dalawang tinapay.

Tanong: Mayroon bang mababasa sa biblia na ang Ama ay Dios, ang Anak ay Dios at ang Espiritu Santo ay Dios?

Sagot: Kung sa mababasa ay meron po!
Juda 1:1″…..sa mga tinawag na minamahal sa Dios Ama”

Heb.1:8 “Ngunit tungkol sa anak ay sinasabi, ang iyong luklukan o
Dios ay magpakailaan…”

Gawa 5:3:4 “……Ananias, bakit pinuspos ni satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo…..hindi ka nagsinungaling sa tao, kundi sa Dios.

Tanong: Di ba ang hiwaga ay nahayag na, ayon sa Roma 16:25:26// Colosas 1:26 ?

Sagot: Ang nahayag na ay, sa iisang Dios ay may tatlong persona, ang hindi natin malalaman ay kung “bakit” sa iisang Dios ay may tatlong persona, ito ay ang hiwaga.

Tanong: Mayroon bang mababasa na may mananatiling hiwaga?

Sagot: Mayroon po!
Efeso 3:9 “…… sa hiwaga sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang sa lahat ng bagay”
(basahin din, Ef.6:19//1Timo.3:9//Colosas 4:3)

Tanong: Ang salitang Trinidad ay hindi mababasa sa biblia kaya’t hindi dapat paniwalaan.

Sagot: Ang salitang biblia ay di rin mababasa sa mga talataan ng biblia.
Ang salitang trinidad ay isang banyagang salita, sa engles ay trinity meaning a group of three, sa tagalog ay sangtatlo o tatlo,
“Sapagkat may tatlong nagpapatotoo, ang espiritu, ang tubig at ang dugo, at ang tatlo ay nagkakaisa ” (1Juan 5:8)

STUDY THE BIBLE THE CATHOLIC WAY
Pontifical Biblical Mission
Sta. Clara de Montefalco Parish.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles