SAGOT SA TANONG NG KAMPON NG IGLESIA NI MANALO 1914
TANONG: Kanino natin ipahahayag ang kasalanan?
SAGOT:
“Mangagpahayagan nga kayo sa isa’t isa ng inyong mga kasalanan…” (Santiago 5:16)
“Kung ipahahayag natin ang ating kasalanan, ay tapat at banal siya tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan” (1Juan1:9)
TANONG: Kanino natin ipahahayag?
SAGOT: Sa mga taong binigyan ng kapangyarihang magpatawad ng kasalanan.
Juan 20:23-“Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan ay pinatatawad sa kanila: sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad”
Juan 15:16-Ang mga apostoles ay magkakaroon ng bunga o kahalili.
Heb.5:1- “Sapagkat ang bawa’t dakilang sacerdote (o pari), palibhasa’y hinugot sa mga tao, ay inilagay dahil sa mga tao sa mga bagay na nauukol sa Dios..”
TANONG: meron bang hindi kasama sa mga apostoles na nagpatawad ng kasalanan?
SAGOT: Opo! si San Pablo “Datapwa’t ang inyong pinatawad ng anuman ay pinatatawad ko rin naman, sapagkat ang aking pinatawad naman , kung ako’y nagpapatawad ng anuman, ay dahil sa inyo sa harapan ni Kristo.(2Cor.2:10)
Roma 7:19:20- Si Pablo ay nagpatawad ng kasalanan bagama’t siya ay nalilibid ng kasalanan.
Kaya ang pari ay nangugumpisal din sa kapwa pari.
Ref. King James Version