Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

ANG SACRIFICIO NG MISA By Juanito Aquino

$
0
0
THE HOLY MASS IN EXTRAORDINARY FORM

THE HOLY MASS IN EXTRAORDINARY FORM

 

ANG SACRIFICIO NG MISA

Ang sacrificio ay ang paghahandog o’ pagaalay sa Diyos ng isang bagay na may buhay, kalakip ang pagpatay o’ pagbabago sa kalagayan ng bagay na inihandog, upang ipakilala na ang Diyos ang siyang makapangyarihan sa buhay at kamatayan.

Ang mga anak ni Adan ay nagsipagalay ng sacrificio sa Dios. Inialay ni Abel ang mga panganay ng kanyang kawan, at si Cain ay naghandog ng mga bungang- kahoy na ani niya sa kanyang mga pananim. (Gen.4:3:4)

Ang kauna -unahang ginawa ni Noe paglabas niya sa Arko ay naghandog sa Panginoon bilang pasasalamat sa pagkakaligtas niya sa baha. (Gen.8:20:21) Si Job ay lagi ng nagaalay sa Panginoon. (Job1:8)

Kaugalian ng mga saserdoteng hudyo ay magpatay araw-araw na dalawang inakay na tupa bilang sacrificio sa Diyos. (Mga bilang 29:3:4)

Sa ganitong paraan ay inilalarawan nila ang dakilang sacrificio sa bagong tipan, na dito’y iniaalay ang “Cordero ng Diyos” na pumapawi sa kasalanan ng sangtinakpan.

Inihayag ni propeta Isaias na ang sacrificiong hudyo ay naging kapoot-poot kaya ito ay papawiin. Isaias 1:11:13- “….di ko na pinipita ang haing damulag….

….at dugo ng mga inakay na baka at tupa at mga lalaking kambing…
…..’wag na kayong maghandog ng mga alay na walang kabuluhan”

Subalit tuluyan na kayang ninais ng Dios na pawiin ang sacrificio? Malayo, sapagkat mula sa hula ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Malakias 1:10:11 ay may “isang malinis na alay ” mula sa pagsikat ng araw at paglubog ang pangalan ko ay dakila sa mga Gentil”

Dito’y hinulaan ng propeta na isang karapat dapat na alay ang sa Diyos ay ihahandog hindi sa mga hudyo, kundi sa mga Gentil, hindi sa Jerusalem lang kundi sa bawat pook.

Ang hulang ito ay natutupad sa Iglesia Katolika, sapagkat saan man dako tayo pumunta ay matatagpuan natin ang malinis na alay na inihahandog sa mga altar katoliko.

Wika ni San Pablo, “Mayroon tayong isang altar, na duon ang naglilingkod sa tabernakulo ay hindi maaaring kumain” (Heb.13:10)

Maliwanag na ang Iglesia Katolika ay may altar gaya rin naman ng mga sinagogang hudyo.

Pag may altar ay may sacrificio, at kung wala nito ay walang katuturan ang altar.

Ipinahayag din ng Apostol na ang mga sacerdote ng bagong tipan ay siyang ipinalit sa mga sacerdote ng matandang tipan.(Heb.7:12)

Sa sacrificio ng misa, Siya’y iniaalay ng walang dugong nabubuhos, ( isang malinis na alay, Malakias1:10:11)

Siya ay iniaalay sa libo-libong altar na may isang kataas-taasang sacerdote at handog…
…si Jesukristo.

Ang sacrificio ng misa ay ang pagkokonsagra ng tinapay at alak na nagiging katawan at dugo ni Kristo at ang paghahandog na alay na ito sa Diyos sa pamamagitan ng sacerdote alang-alang sa pag ala-ala sa sacrificio ni Kristo sa Krus.

Si Kristo ay inihandog sa isang paraang madugo, at sa misa ay naghahandog siya na walang dugong nabubuhos.
Tunay nga na sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan ay gumawa si Kristo ng ganap na pagbabayad puri para sa ating kasalanan, kaya ang kahalagahan nito ay hindi natin malilimot.

Siya rin ang may sabi “….

“…..gawin ninyo ito sa tuwing kayo’y masisiinom sa pag alaala sa akin” ” Sapagkat sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inumin ninyo ang saro ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang dumating Siya” (1Cor.11:23-26)

Ang salitang misa ay hinango ng iba sa salitang Hebreong “Missach” ang kahugan ay isang malayang pag aalay.

STUDY THE BIBLE THE CATHOLIC WAY
Pontifical Biblical Mission
Sta. Clara de Montefalco Parish


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles