Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

ANG AKING PAGBABALIK SA ROMA, ANG SANTA IGLESIA APOSTOLICA By G. Richee V. Ronquillo

$
0
0
Bro. Richee V. Ronquillo

Bro. Richee V. Ronquillo

Ang aking pagbabalik sa ROMA, ang SANTA IGLESIA APOSTOLIKA

Ako po si G. Richee Velasco Ronquillo, nasa hustong gulang at kasalukuyang nakatira sa Ciudad ng San Jose Del Monte, Bulacan. Napadpad po sa Ciudad na ito sa kadahilanang dito narin naka bili ng aking bahay at lupa na syang naging aming tahanan sa kasalukuyan. Hiwalay po ako sa aking asawa sa kadahilanang pangreligion at personal na pagkakamali. Kami po ya may  isang anak, si Ricoh Flor Paul A. Ronquillo, sya po ay may asawa na, si Tosca Camille Guttierrez at 3 mga anak na lalaki, sina Ruperto San Paolo, Ricardo San Antonio at Rex San Miguel. Ang kanilang mga pangalan ay hango sa mga santo na araw ng kanilang kapanganakan or malapit sa kapistahan ng mga santong ito. Ako po ay isang guro sa pampublikong paaralan sa Division ng Caloocan.

Nagsimula po ang aking paglalakbay sa pananampalataya nuong ako ay bata pa, sa murang isipan ay nakintal na o naitanim na sakin ang malalim na pananampalataya sa Dios sa pamamagitan na rin ng aking sariling pag-aalam o pagdidiskobre ng pananampalataya. Dahil po dito nagsimula ang aking paghahanap pa ng mas malalim na pag-aaral sa pangrelihiyong usapan. Lumaki po ako na binyagang katolico. Katunayan ako po ay isang choir sa aming parokya sa Childrens Mass ng aming paaralan, naglilingkod sa mga Madre ng kumbento ng aming parokya at aktibo sa mga gawing ispiritual ng Parokya. Tuwing Mayo or Mary month of May aking naalala na isa ako sa mga naghahadog ng mga bulaklak sa Birheng Maria pagka summer.

Ngunit nagbago po ang lahat ng mga ito simula ng ako ay dumalo sa tinatawag na Daily Vacation Bible School ng isang Iglesia  Ebangheliko [BORN AGAIN] sa Caloocan. Ito rin po  ang pinaka matandang Evangelical church ng Caloocan. Natatandaan ko pa si ate Nancy Francisco sya po ang aking itinuturing na spiritual mother in the sense po na sya ang nagbigay sakin ng Prayer of acceptance, ito po ay naganap nuong may 18, 1986 sa bakuran ng Francisco compound. Simula po nuon ay naging aktibo nako sa pagdalo ng mga gawing ebangheliko. Noung ako po ay naghigh school na mas tumindi po ang aking pagnanasa na maslumalim ang aking pananampalatayang natagpuan,ako po ay nagsimulang sumama sa mga misyoneryong Gawain ng aking Iglesyang inaniban, umaakyat ng mga bundok. Nagbabahay-bahay at nagbibile study leader.

Richee Ronquillo Father ako po yung 3rd person doon sa second raw from left yun pong nasa gitna na naka blue sya po ang pastor namin graduate ng FEBIAS COLLEGE OF BIBLE kung familiar po kayo sa Theology school na yun ng mga Evangelical

Richee Ronquillo: Father ako po yung 3rd person doon sa second raw from left yun pong nasa gitna na naka blue sya po ang pastor namin graduate ng FEBIAS COLLEGE OF BIBLE kung familiar po kayo sa Theology school na yun ng mga Evangelical.

Ako po ay nagging Sunday school teacher ng aming samahan, kayat nuong ako ay nakapagtapos ng High school ninais ko po na makapag aral sa FEBIAS College of Bible. Ito po ay naging dahilan ng pagaaway ng aking mga magulang. Sapagkat ayaw ako payagan ng aking tatay sa kadahilanang wala daw po ako mapapala dito kasi walang pera ang kursong nais ko kunin. Kaya ako po ay nakapag aral sa PUP, Sta. Mesa ng kursong Bachelor of Science in Business Administration-Marketing Major. Dito po ay nakapagtatag ako ng isang grupo na tinawag kong CHRISTIAN INTERDENOMINATIONAL FAITH CHRISTIAN ASSEMBLY (CIFCA). Kami po ay nasa umbrella wing ng Campus Ministry ng PUPJM. Hindi man po ako nakapasok ng tuluyan sa FEBIAS COLLEGE OF BIBLE, ngunit ako naman po ay nabigyan ng mga trainings ng ilan sa mga pinakamagagaling at tanyag na pastor na nagtapos dito, kagaya nila pastor Herald Gaculais at Pastor Eric maliwat na kilalang-kilala sa media. Dahil po dito ako ay nagkaron ng malawak na kaalaman sa biblia at pananampalataya. Ako po ay debater  ng aming samahan sa PUP. Kaya nga po ang aking mga kamag aral na actibista ay palaging galit sakin sapagkat butata sila sakin palagi. Kahit ang mga manalista , saksi at ones Pentecostals na mga kamag aral ko ay galit sakin. Ganyan po kalalim ang aking naging karansan sa pananampalatayang Ebangeliko. Miembro din po ako ng tinatawag na actors guild ng aming Iglesia.

Ngunit ang Dios po ay sadyang napakabuti, sapagkat kinuha nya ako ng ako ay handang handa na at hinog na sa aking pananampalataya. Gamit ang biblia ay may mga katanungan sakin tungkol sa mga doktrinang aming pinanampalatayanan. Kagaya ng EUCHARISTIA O LAST SUPPER, DEACONO AT MARAMI PANG IBA. Pero mas masasabi ko po na ang tunay na nagpabalik sakin sa simbahan ay ang EUCHARISTIYA. Sapagkat may kabigatan para sakin na sabihin na ito ay sumisimbolo lamang sa Katawan at Dugo ng ating Panginoon Hesukristo.

 

 

SEMANA SANTA 2016  DOMINGO DE RAMOS San Jose del Monte,bulacan. TALAGANG KABILANG NA SA TUNAY NA KAWAN NG CORDERO. MAY HAWAK NA PALASPAS cf. Rev 7:9

SEMANA SANTA 2016: DOMINGO DE RAMOS San Jose del Monte, Bulacan. TALAGANG KABILANG NA SA TUNAY NA KAWAN NG CORDERO. MAY HAWAK NA PALASPAS cf. Rev 7:9

Hindi po  ito naging ganun kadali. Sapakat sa aking paghahanap ng kasagutan sa aking mga tanong ako ay napadpad sa EMMANUEL LUTHERAN CHRUCH sa may Malabon City. Dahil po sa kanilang aral at doctrina natagpuan ko ang aking hinahanap na kasagutan sa aking tanong tungkol sa EUCHARISTIA, natuwa po ako nung malaman ko na sila ay naniniwala sa tunay na presensya ng Panginoon Hesus sa EUCHARISTIYA, natatandaan ko pa ayun sa cathechism nila, no substitute for bread and no substitute for wine in using for the Lord’s supper. Kaya po ako ay tumagal sa Iglesyang ito, katunayan ako po at ang aking anak ay nagpakumpil pa dito. Tumagal po ako ng may 5 taon sa Lutheran Church hanggang sa ako po sana ay ipapadala sa Carribean para papag aralin sa pagpapastor ngunit hindi poi to natuloy sa kadahilanang political sa loob ng simbahan.

Di po naglaon habang ako ay nag jojogging sa palaigid ng University hills subdivision sa may Caloocan ako po ay may napansing karatola sa isang bahay sa loob ng subdibisiong ito, at ito po ay ang Charismatic Episcopal Church, dumalaw po ako dito misan para sumamba. Hindi naman po ako nabigla sapagkat nakatagpo ako ulit ng isang simbahan na nagtuturo sa tunay na presensya sa EUCHARISTIYA. Malalim po ang aking nagging pag-aaral dito, sapagkat dito po ako ay nag-aral ng pagiging isang Diakono. Malapit napo sana ako maordinahan pero diko po alam kung bakit palaging may hadlang para ako ay mabigyan ng blessing. Hanggang sa nagkaroon po ng problema ang CEC, marami po ako naging katanungan sa aming kura paroko, kagaya nalang ng pagka namatay ag paring humahawak samin sino ag mangnagalaga ng ari-arian ng simbahan? Kanino ba dapat nakapangalan ang mga ari-arian ng simbahan? Bakit hindi sa simbahan mismo nakalagay ang pangalan ng mga ari-arian ng simbahan?

Bro. Richee in the arms of the Blessed Mother in the Catholic Church.

Bro. Richee in the arms of the Blessed Mother in the Catholic Church.

Ito po ang naging dahilan at simula ng aking pagbalik sa ating Santa Iglesia sapagkat aking napagtanto na meron lamang iisa at Apostolikang Iglesiang itinatag an gating Panginoong Hesukristo at ito ay ang Santa Iglesia sa pamamahala ni apostol San Pedro na sya rin naman pinanghahawakan ng Charismatic Episcopal chuch. Kaya nga ang tanong ko sa kanila kung gayun po bakit hindi pa tayo bumalik sa Roman Chruch kung atin din naman palang pinaniniwalaan ang aral na the Pastoral and key position of Peter as the leader of One, Holy, Apostolic and Cathloic church.

 Ito po ay buod lamang ng aking karanasan. Sapagkat kung aking isusulat lahat ay maaring abutin pa ng 10 pahina o higit pa. Natapos ko rin po ang aral ng mga saksi ni Jehova at ng INC, ako po ay nagging bahagi din ng Mormonism. Ngunit salamat sa Dios sapagkat hindi nya ako hinayaang mabaustismuhan sa mga huling nabanggit. Ngunit malalim po ang aking naging aral sa kanilang lahat.

Sa Dios po ang kapurihan. DEO GLORIA  !   

Bro. Richee enjoying his Catholic Faith

Bro. Richee enjoying his Catholic Faith


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles