Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

ANG 1 Tim 4:1-3 AT ANG PAGTATAKWIL SA UNANG PANANAMPALATAYA By Juanito Aquino

$
0
0
Beautiful Catholic Wedding

Beautiful Catholic Wedding

 

PALIWANAG SA 1Timo.4:1-3
(Katoliko Aral daw ng demonyo)

“…….Sa huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa panananampalataya at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa aral ng demonyo”

Sagot: Samakatuwid ang nahikayat sa aral ng demonyo ay yaong nagsitalikod sa pananampalataya sa mga huling panahon. ANG IGLESIA KATOLIKO BA AY MAY UNANG PANANAMPALATAYANG TINALIKURAN? WALA!

Maraming kaanib sa ibat-ibang sekta ay galing sa Katoliko.

Anang S. Pablo “Magkakaroon ng kahatulan, sapagkat itinakwil nila ang unang pananampalataya” (1Tim 5:12)

ANG HINDI PAG-AASAWA NG MGA PARI AT HINDI PAGKAIN NG KARNE KUNG VIERNES AY HINDI DOKTRINA KUNDI ISANG DISIPLINA ang layunin ay sa lalong ikapagiging banal ng mga kinauukulan.

Pansinin na ang Doktrina ay hindi nababago, samantalang ang disiplina ay pabago-bago alinsunod sa pangagailangan ng panahon.

SINO ANG TINUTUKOY NI S. PABLO NA MAY ARAL NG DEMONYO.

1.Mga Nostiko– inaaral nila na hindi dapat mag asawa ang lalake sa babae sapagkat ito’y masama

2. Mga Manikeo– na ang pag aasawa at pagkain ng lamang kati ay masama. Na ang pag aasawa ay isang gawaing marumi na galing sa demonyo.

3. Mga Bramines– hindi dapat kumain ng karne sapagkat ang kaluluwa daw na namatay na tao ay lumulipat sa ibang hayop at baka pati kaluluwa ng kanilang kamag anak ay tuloy makain nila.

HINDI PINAGBABAWAL NG MGA PARI ANG PAG AASAWA. KINAKASAL NGA NILA ANG MGA MAGSING IROG NA TINAMAAN NG MARUBDOB NA PAGMAMAHALAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles