Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

IGLESIA NI CRISTO NG BIBLIA: INAANGKIN NG MGA MANALO By Bro. Alfie Angeles

$
0
0
First Locale Of IGLESIA NI CRISTO... HALATANG PEKE. SA TABI TABI LANG LUMITAW AT HINDI SA HOLY LAND NA SIYANG TUNAY NA LUPANG PANGAKO.

First Locale Of IGLESIA NI CRISTO… HALATANG PEKE. SA TABI TABI LANG LUMITAW AT HINDI SA HOLY LAND NA SIYANG TUNAY NA LUPANG PANGAKO.

Iglesia ni Cristo: Inaangkin ng mga Manalo By Bro. Alfie Angeles

Ang mga Manalista ay makikipagpatayan sa pagtatanggol tungkol sa pangalan ng kanilang ASOSASYON. Diumano, ang salitang “iglesia ni Cristo” daw ay opisyal na pangalan ng iglesia. Marahil, ito ang kanilang ginagamit na dahilan upang maakit ang mga tao na pumasok sa kanilang asosasyon. May dalawang iminamatuwid kung bakit sinasabi ng mga Manalista na “iglesia ni Cristo” raw ang opisyal na pangalan:

  1. Si Cristo ang ulo ng Iglesia.
  2. Cristo ang ibinigay na pangalan.

Argumento:

Hindi naman po tayo tumututol na si Cristo ang ulo ng Iglesia. Ito po ay nakasulat sa Colosas 1:18. Pero sapat na bang pagbatayan na dahil si Cristo ang ulo ay pangalan na ng Iglesia ang “iglesia ni Cristo?” Tandaan natin na si Cristong ulo ay mayroon ding pangulo o Ulo at ito ay ang Dios (I Corinto 11:3). Ang Dios ang lahat at nasa lahat. Siya ang kaibaibabawan sa lahat. Ang lahat ng bagay ay sa Dios. Kung totoo na “iglesia ni Cristo” nga ang pangalan ng iglesia, paano naman ang mga banggit na “iglesia ng Dios” na 12 ulit na binanggit sa kasulatan samantalang ang “iglesia ni Cristo” ay wala ni isa. Manapa, ang nakasulat sa saling “Ang Biblia” na kanilang ginagamit na salin at bibliang ginamit ni Felix Manalo ay “MGA iglesia ni Cristo.” Mas matuwid pa sanang gamitin ang “iglesia ng Dios” kaysa “iglesia ni Cristo.” Ang lahat ng bagay ay galing sa Dios, pati ang iglesia. Subalit hindi pa rin ito batayan para masabing pangalan. Yung bang “tatay ni Erano Manalo” ay pangalan? Hindi. Ang pangalan ng tatay ni Erano ay “Felix Manalo.” Ano ba ang tinatawag na “pangalan?” Ang sabi sa Genesis 2:19, kung ano aniya ang itatawag mo, ay siya niyang magiging pangalan. May itinatawag sa isang bagay at iyon ang kanyang magiging pangalan. Yamang ang simbahang itinatag ni Cristo ay universal, ito ay tinatawag sa griyegong “Katholikos.”  Yamang aral ng mga apostol ay ipinamamayani sa iglesia, tinatawag po ito sa espanyol na “iglesia apostolica” (May bukod na pag-aaral dito). Ipinakikilala lang na si Cristo ay pangulo ng Iglesia kapag sinasabing “iglesia ni Cristo” at ipinakikilala lang na sa Dios ang iglesia kapag sinasabing “iglesia ng Dios.”

            Pangalawa, ginamit nila ang Gawa 2:36 na binabanggit na “ginawang Cristo at Panginoon itong si Jesus…” at ang talatang sinasabing “binigyan ng pangalang lalong higit” kaya nila ipinakahuluganan na ang pangalan daw na ibinigay ay Cristo kung kaya “iglesia ni Cristo.” Ito kasi ang mahirap yung pinagdudugtong ang mga talata ng biblia na hindi naman magkakaugnay ang diwa. Kung totoo na “iglesia ni Cristo” nga ang opisyal na pangalan, bakit hindi sinabing “iglesia ni Cristo at Panginoon” yamang ang pangalang ibinigay pala ay Cristo at Panginoon? Wala tayong mababasa na ang pangalang ginawa ay Cristo at Panginoon. Ang sabi, “na ginawang Cristo at Panginoon itong si Jesus,” sapagkat ayaw ng mga israelita na kilalaning Cristo at Panginoon si Jesus kaya nga nila ipinako siya sa krus kung kaya ang sabi ni San Pedro, “ALAMIN ninyo na ginawang Cristo at Panginoon si Jesus. Yan po kasi ang hirap kapag pinagtatagpi-tagpi ang biblia kaya maraming naligaw. At marami pang pangalan na ibinigay kay Jesus, ang mismong pangalang Jesus, Emmanuel, at marami pang iba. Hindi ba ito mga opisyal? Lahat ng salitang galling sa Dios ay may kapangyarihan kaya opisyal iyon. Tama ba?

ITO ANG TUNAY NA IGLESIA MULA JERUSALEM. MAY TATAK NG KRUS NI CRISTO DAHIL HINDI PEKE. GALING SA HOLY LAND.

ITO ANG TUNAY NA IGLESIA MULA JERUSALEM. MAY TATAK NG KRUS NI CRISTO DAHIL HINDI PEKE. GALING SA HOLY LAND.

 

ILAN SA PAGKAKAIBA NG ASOSAYON NI MANALO SA IGLESIA CATOLICA
IGLESIA CATOLICA ASOSASYON NI MANALO
Panginoong Jesucristo (Mateo 16:18) Felix Manalo and Co.
33 AD (Church History) July 27, 1914
Jerusalem (Gawa 8:1) Pilipinas
Hindi matatalikod ang iglesia sapagkat si Cristo ang ulo (Col 1:18) Natalikod ang Iglesia
May mga apostol, propeta at himala (I Cor 12:28) May Sanggunian. Ang himala ay sa demonio.
Nagkakaisa sa ebanghelyo (Fil 1:27) Nagkakaisa sa pagboto at kay Euardo V. Manalo (I am one with EVM)
Nagpupugay kay Maria (Luc 1:46-55) Walang pagpupugay kay Maria
Ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Jesus Ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Manalo at bawal ipagdiwang ang kaarawan ni Jesus
Pang-unibersal (Mateo 28:20) Sinisikap
Si Cristo, hindi itiniwalag si Maria na kanyang ina Si EVM itiniwalag si G. Tenny na kanyang ina
May imahen ng mga banal May imahen ni Felix Manalo                              
Nangangaral upang dumami Nangangako ng mga trabaho, dahil sa asawa at iba pang materiyal na pakinabang gaya ni Satanas nang alukin ng kayaman si Jesus (Mateo 4)
Ang huling sugo ay si Cristo sapagkat isusugo sa araw ng paghuhukom. Ang huling sugo ay si Manalo (Pasugo page 7)
   

 

            Panghuling punto, kung iglesia nga ni Cristo ang opisyal na pangalan, isang bagay lang ang totoo, HINDI MGA IGLESIA NI MANALO iyon. Inaamin ng mga Manalista na hindi sila yung iglesia na itinatag noong unang siglo dahil natalikod daw iyon at nangangailangan ng iglesiang hindi matatalikod at sila daw iyon. Samakatwid, ang mga Manalista ngayon ay ibang iba sa iglesiang itinatag ng Panginoon sa Jerusalem. Ayon sa kanilang rehistro;

That the applicant is the Pastor of the society known as IGLESIA NI KRISTO, and it is his desire to convert it into a CORPORATION SOLE; 

That as Pastor of this society, he is charged administration of its estates and properties as well as the administration of ots temporalities. 

that the founders of this association are: FELIX MANALO, residing in Taguig Rizal, P. I.; Pedro Inocencio, Gorgonio Sta. Maria, Maximiano Diesinito, Juana Delacruz, Emilio R. de leon, Barbara Cordero, Engracia Ramos, residing in Punta Sta. Ana, Manila, P. X. Remigia G Guevara, Residing in Sta. Mesa Manila, P. I.; Serapio Dionisio, Vicente Reyes, Paulino Demaguila, Paulino dinging Bayan, Honorata G. Manalo and Hugo Santos, residents of Taguig, Rizal P.I.” 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Latest Images

Trending Articles



Latest Images