Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

ANG MULING PAGKABUHAY NI CRISTO AY HINDI ISANG ALAMAT! By Jonathan Loquez

$
0
0

RISEN CHRIST

 

ANG MULING PAGKABUHAY NI CRISTO AY HINDI ISANG ALAMAT! By Jonathan Loquez

Ang SENTRO ng Cristianismo ay si Cristo. Si Cristo ang pinaniniwalaang ANAK ng Diyos na NAGING TAO upang TUBUSIN ang kasalanan ng sanlibutan.

Si Cristo ay TOTOONG NAGING TAO. Siya ay NAMATAY, INILIBING, at MULING NABUHAY.

Ang MULING PAGKABUHAY ni Cristo ay TOTOONG KAGANAPAN sa kasaysayan. Kahit noon pa man, may mga nagdududa kung totoong nabuhay muli si Cristo. Kahit sila’y SAKSI rin sa mga pangyayari, HIRAP silang tanggapin ang kanilang nasaksihan. Kaya’t pinalabas nilang ILUSYON lang si Cristo at HINDI naging tao.

Subalit MARAMI rin sa mga saksi ang buong pusong naniwala. Lalong-lalo na ang mga APOSTOL ni Cristo. Itinuwid nila ang maling pagkakakilala kay Cristo. Pinatunayan nilang TOTOONG NAGING TAO si Cristo. Dagdag pa nila, ang mga taong hindi raw nagpapahayag nito ay magdaraya at ANTI-CRISTO.

“Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga magdaraya—mga taong hindi nagpapahayag na si Jesu-Cristo’y NAGING TAO. Ang gayong mga tao ay magdaraya at anti-Cristo.”(2Juan 7)

Ang aking UNANG ARGUMENTO: “Kung kasinungalingan lang pala ang muling pagkabuhay ni Cristo, bakit marami ang lumitaw na magdaraya na nagpahayag na si Cristo’y hindi naging tao? Samakatuwid, totoo na nabuhay muli si Cristo kaya pilit na binaluktot ang Kanyang tunay na pagkatao.”

Kung yung ilang saksi nga ay hirap maniwala, mas lalo na yung mga walang nasaksihan. Tulad ni Saulo, buong lupit niyang INUSIG ang mga Cristiano dati. Ngunit may MALAKING PAGBABAGO sa buhay niya simula nang magpakita sa kanya si Cristo. Sa madaling salita, ang muling pagkabuhay ni Cristo ang PANGUNAHING DAHILAN ng malaking pagbabago sa buhay ni Saulo. At siya’y nakilala bilang apostol Pablo.

“Sa kahuli-huliha’y NAPAKITA rin siya sa akin–bagamat ako’y tulad ng batang ipinanganak nang di-kapanahunan.” (1Corinto 15:8)[cf. Gawa 9:3-5]

Ang aking IKALAWANG ARGUMENTO: “Ang malaking pagbabago sa buhay ni Saulo ay isang matibay na patotoo na hindi alamat ang muling pagkabuhay ni Cristo. Si Saulo, na nakilalang apostol Pablo, ay may pinag-aralan. Kaya, hindi niya ipagpapalit ang lahat sa isang kasinungalingan. Ipinangaral niya ang muling pagkabuhay ni Cristo dahil ito’y totoo.”

Sa kabila ng matinding pag-uusig sa mga Cristiano, ipinagpatuloy ng mga alagad ni Cristo ang pangangaral ng Mabuting Balita. Itinaya nila ang kanilang mga buhay para maituro rin sa iba ang PINAKAMAHALAGANG ARAL na tinanggap nila:

“. . . si Cristo’y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan ng nasasaad sa Kasulatan; inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan;”(1Corinto 15:3).

Tiniis nila ang gutom, uhaw at pagod para lang maipalaganap ang Mabuting Balita. Karamihan nga sa kanila ay NAG-ALAY ng buhay para kay Cristo. Sapagkat batid nilang ang kanilang pagpapagal at pag-aalay ng buhay ay may KABULUHAN.

“At kung si Cristo’y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya.” (1Corinto 15:14)

Ang aking IKATLONG ARGUMENTO:

“Ang mabuhay sa kasinungalingan ay pagpapatiwakal, ngunit ang mamatay para sa katotohanan ay gawaing banal. Kaya marami ang naging martyr sa pananampalataya dahil batid nilang may katuturan ang pananalig nila kay Cristo. Gaya ng sabi ni San Pablo: “At kung hindi muling binuhay si Cristo, kayo’y hindi pa nahahango sa inyong mga kasalanan, at walang katuturan ang inyong pananampalataya. Hindi lamang iyan, lilitaw pa na ang lahat ng namatay na nananalig kay Cristo ay napahamak.”(1Corinto 15:17-18) Kung ang mabuhay para sa kasinungalingan ay pagpapatiwakal na, mas lalo na ang mamatay para sa huwad na katotohanan. Kung gayon, hindi kasinungalingan ang muling pagkabuhay ni Cristo dahil napakaraming martyr sa pananampalataya ang nagbubo ng dugo para kay Cristo. Imposibleng may napakaraming taong kusang mag-alay ng buhay para sa isang patay. Totoo ang muling pagkabuhay ni Cristo kaya napakarami ang nagbuwis ng buhay para sa pananampalataya. At hanggang ngayon, napakarami pa rin ang handang mag-alay ng buhay sa pananalig kay Cristo.”

PRO DEO ET ECCLESIA!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles