Mark Christian Amador Moleño
Fr. Abe ito po ang Alay Lakad po paakyat ng Antipolo Cathedral. may mga estasyon po ng krus sa kahabaan ng Sumulong Highway at Ortigas Ave. extension paakyat ng Antipolo
Isang religious pilgrimage po.. ginagawa po upang pagnilayan ang pagpapakasakit ni Cristo sa krus..
Ginagawa rin upang humingi ng intersesyon sa Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay..
Last year umabot sa 6.3 million(approx.) tao ang umakyat sa Antipolo para sa Grand Annual Alay Lakad tuwing Huwebes Santo.
Ito po ay banal na gawain. Isang tradisyon ng mga katoliko upang magmuni-muni/magmeditate sa pagpapakasakit ni Cristo sa krus. Mangyaring magdasal po tayo sa bawat estasyon ng krus sa kahabaan ng Sumulong Highway at Ortigas Ave. paakyat ng Antipolo.
PS. Huwag pansinin ang mga protestanteng animo’y nagwewelga sa Sumulong Highway.
Welcome po kayo dito sa Pilgrimage City of the Philippines. Antipolo City