Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

MAY BATAYAN BA SA BIBLIA ANG ‘PALASPAS’ NATING MGA CATOLICO? By Jonathan Loquez

$
0
0
PALM SUNDAY MASS led by Cardinal Chito Tagle at the Manila Cathedral, Philippines

PALM SUNDAY MASS led by Cardinal Chito Tagle at the Manila Cathedral, Philippines

Jonathan Loquez

Jonathan Loquez

MAY BATAYAN BA SA BIBLIA ANG ‘PAGPAPALASPAS’ NATING MGA KATOLIKO TUWING PALM SUNDAY? .

Ang PAGPAPALASPAS o paggamit ng palaspas nating mga Katoliko tuwing Palm Sunday ay may MATIBAY na batayan sa Biblia. Maging sa LUMANG TIPAN, ginagamit ang PALASPAS bilang pagpupugay at pasasalamat sa Diyos para sa natamong TAGUMPAY. Palm branch is a symbol of VICTORY/TRIUMPH.

“And entered into it the three and twentieth day of the second month in the hundred seventy and first year, WITH THANKSGIVING, AND BRANCHES OF PALM TREES, and with harps, and cymbals, and with viols, and hymns, and songs: BECAUSE THERE WAS DESTROYED A GREAT ENEMY OUT OF ISRAEL.” (1 Maccabees 13:51, KING JAMES VERSION)

“Therefore THEY BARE BRANCHES, and fair boughs, AND PALMS ALSO, and SANG PSALMS UNTO HIM that had given them GOOD SUCCESS in cleansing his place.” (2 Maccabees 10:7, KING JAMES VERSION)

Tuwing PALM SUNDAY, ginugunita nating mga Katoliko ang MATAGUMPAY na pagpasok sa Jerusalem ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung saan, Siya ay sinalubong ng mga taong nagpupuri sa Diyos na may dalang mga PALASPAS o palapa ng palmera tanda ng pagpupugay sa Kanya.

“Kinabukasan, nabalitaan ng maraming taong dumalo sa pista na SI JESUS AY PAPUNTA SA JERUSALEM. Kumuha sila ng MGA PALAPA NG PALMERA, at lumabas sila sa lunsod upang siya’y SALUBUNGIN. Sila’y sumisigaw, PURIHIN ANG DIYOS. Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! PURIHIN ANG HARI NG ISRAEL! Nakakita si Jesus ng isang batang asno at sinakyan niya ito, gaya ng nasusulat, Huwag kang matakot, lunsod ng Zion! Masdan mo, dumarating na ang iyong hari, nakasakay sa isang batang asno!” (Juan 12:12-15, BAGONG MAGANDANG BALITA BIBLIA) 

Kung tayo na kabilang sa SIMBAHANG NAGLALAKBAY ay gumagamit ng palaspas tuwing Palm Sunday para magbigay pugay sa Panginoon, gayundin ang mga kabilang sa SIMBAHANG NAGTAGUMPAY na nasa langit. Sila ay patuloy na gumagamit ng palaspas sa pagpupuri sa Diyos.

“Pagkatapos nito’y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, NAKADAMIT NG PUTI AT MAY HAWAK NA MGA PALASPAS. Sinasabi nila nang malakas, “Ang kaligtasan ay nagmumula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!”” (Pahayag 7:9-10, BAGONG MAGANDANG BALITA BIBLIA)

NAPAKALINAW po na ang paggamit nating mga Katoliko ng mga PALASPAS o palapa ng palmera para sa PAGPUPURI sa Diyos ay NAPAKABIBLICAL.

HAPPY PALM SUNDAY TO ALL. VIVA CRISTO REY!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles