Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Rom 16:16 AT Gawa 20:28 DI PWEDENG PAGBATAYAN NG IGLESIA NI MANALO By Sem. Alfie J. Angeles

$
0
0
The real Kiss of Peace for the Church of Rome: POPE FRANCIS, BISHOP OF ROME greets Patriarch Bartholomew I of Constantinople with a Kiss.

The real Kiss of Peace for the Church of Rome: POPE FRANCIS, BISHOP OF ROME greets Patriarch Bartholomew I of Constantinople with a Kiss.

Kung Bakit Hindi Maaaring Pagbatayan ng mga Iglesia ni Cristo Manalo 1914 ang Roma 16:16 at Gawa 20:28 at Anupamang Talata ng Biblia upang ipang-angkin sa katotohanan diumano ng kanilang relihiyon ayon sa biblia

Isinulat ni Sem. Alfie J. Angeles

Gaano katotoo ang iglesiang itinatag ng Panginoong Jesucristo? Naganap ang pagtatayo ng iglesia na nagpasimula sa Jerusalem (Gawa 8:1) at ang pintuan ng Hades ay hindi maaaring manaig laban dito (Mateo 16:18). Ano ang katumbas na hindi mananaig ang mga pintuan ng Hades laban sa Santa Iglesia? Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama (Juan 10:29). Hindi maaaring maaagaw ang sinoman sa kamay ng Dios. Ano ang katumbas nito? Hindi maaaring manaig ang kaaway ng Dios upang maagaw ang kanyang mga lingkod. Hindi maaaring matalikod ang iisang Santa Iglesia sapagkat ito’y pangsahabang panahon. Ano ang paniniwala ng mga INC Manalo 1914? Ang iglesia diumano ay natalikod. Tunay bang natalikod ang Santa Iglesia? Ayon sa I Timoteo 4:1, ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya. Ano ang dapat nating mapansin? Hindi lahat ay nagsitalikod sa pananampalataya kundi ang iba lamang. Bakit imposibleng matalikod ang iglesia? Sapagkat bahagi ng Iglesia ang mga apostol, himala, propeta at iba pa (I Coritno 12:28). Ano pa ang lalong matibay na katibayan na ang iglesia ay hindi maaaring matalikod? Si Cristo ang ulo ng Iglesia (Colosas 1:18) Samakatuwid kapag sinabing natalikod ang iglesia, kasamang natalikod ang mga apostol, himala, propeta, at lalo na si Cristo, sapagkat sila ay bahagi ng iisang iglesia.

Dahil sa ang paniniwala ng mga INC Manalo 1914 na ang iglesia ay natalikod, ano daw ang nangyari? Mayroon daw hula tungkol sa muling pagbangon ng Iglesia. Ano ang kanilang batayan? Ang Juan 10:16 At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila’y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila’y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor. Ano pa ang kanilang pinagbabatayan? Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, sa bawat taong tatawagin ng ating Panginoong Diyos (Gawa 2:39). Ano ang dapat nating mapansin? Wala pong binabanggit sa mga talata ang tungkol sa pagbangon ng isa pang iglesia. Ano ang paniniwala ng mga INC Manalo 1914 tungkol sa babangon diumanong iglesia? Anila, ito daw po ay hindi matatalikod sapagkat aabutan na raw ng pag-aani (o paghuhukom) ang iglesiang iyon (ito po ay personal kong napakinggan sa bibig mismo ni Ka Erdy Manalo noong Fenruary 4, 2005 kasama ang ilang mga panelista sa programa ng INC). Ano ang dapat nating mapansin? Higit na dakila at matatag ang itatayong grupo kaysa sa una nang itinayo ng Panginoong Jesus. Sino daw ang magbabangon ng panibagong iglesia ayon sa INC Manalo 1914? Ang ibong mandaragit na walang iba kundi si Felix Manalo. Samakatuwid, higit na dakila o makapangyarihan si Felix kaysa Panginoong Jeucristo ayon sa dilim ng kanilang pananampalataya. Ano pa ang kanilang paniniwala? Ang iglesia diumano na itinatag ng Panginoong Jesucristo ay ang Sion na binabanggit sa Kasulatan at ang mga anak na babae naman ng Sion ay ang grupo na itinatag ni G. Manalo.

BAKIT Hindi Maaaring Pagbatayan ng mga Iglesia ni Cristo Manalo 1914 ang Roma 16:16 at Gawa 20:28 at Anupamang Talata ng Biblia upang ipang-angkin sa katotohanan diumano ng kanilang relihiyon ayon sa biblia? Sapagkat ang tinutukoy sa Gawa 20:28 at Mateo 16:18 na iglesia ayon sa paniniwala ng mga INC Manalo 1914 ay ang Sion. Samakatwid yayamang sila diumano ang mga anak na babae ng Sion, at hindi sila ang Sion sapagkat ang Sion ay natalikod, hindi nila maaaring gamitin ang mga talatang iyon sapagkat hindi sila ang iglesiang itinatag ng Panginoon. Kaya, isang malaking pagliligaw ang ginagawa ng grupo ni G. Manalo upang patunayan ang katotohanan ng kanilang grupo sapagkat HINDI SILA IYON. Ang iglesiang itinatag ng Panginoong Jesucristo ay ang iglesiang pinangangasiwaan ngayon ni Santo Papa Francisco. Itoang iglesiang nagpasimula pa noong unang siglo, ang iglesiang pinaglaanan ng buhay ng mga banal at mga martir, ang iglesiang inuusig ngayon ng INC Manalo 1914. Hindi naitalikod ang Iglesia, manapa ay patuloy na nagbubunga ng kabanalan. Ano ang hula ng biblia na lumalapat sa kanila? Ang binanggit sa Mateo 24:24 tungkol sa paglitaw ng mga bulaang propeta sa sanlibutan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles