Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

LIGTAS KA NA BA? By Bro. Melchor Manalili

$
0
0
Jesus saves St. Peter from Drowning by Lorenzo Veneziano

Jesus saves St. Peter from Drowning by Lorenzo Veneziano

ARE YOU SAVE? LIGTAS KANA BA?

Laging bukang bibig ng mga kapatid nating mga Born Again Christian ang mga katagang iyan.

Heto pa ang kanilang sinasabi

“RECEIVE JESUS CHRIST AS YOUR PERSONAL SAVIOUR AND WILL BE SAVE”!

Ganyan ang kanilang mga pamamaraan at lalatagan ka pa ng ibat ibang mga sitas para maipakita at mapaniwala ka nila at umanib kana sa kanila at magpabautismo na

TINGNAN PO NATIN ANG SINASABI NG BIBLIA KUNG PAPAANO PO ANG TUNAY NA LIGTAS

Sabi po ni Jesus “Mas madali pang makaraan sa butas ng karayom ang isang kamelyo kaysa MAKAPASOK SA KAHARIAN NG DIYOS ang isang mayaman (tao)”(Luke 18:25)

Nagtanong ang mga naroong nakikinig, “KUNG GAYON SINO PO KAYA ANG MALILIGTAS?”(Luke 18:26)

Sumagot po si Jesus “ANG MGA BAGAY NA HINDI KAYANG GAWIN NG TAO AY KAYANG GAWIN NG DIYOS,” (Luke 18:27)

Ang Diyos po ang siyang GAGAWA NG KALIGTASAN at hindi yung kung sino sinong umaangkin na Ligtas na sila. Heto po ang CRITERIA o batayan para makamit mo ang KALIGTASAN

“NGUNIT ANG MANANATILING TAPAT HANGGANG WAKAS ANG SIYANG MALILIGTAS”(Mateo 2413).

Kailangan po pala maging tapat sa Diyos

“Kung gayon, ang mga Hentil man ay binigyan din ng Diyos ng pagkakataong MAGSISI’T MAGBAGONG BUHAY UPANG MALIGTAS” (Gawa 11:18)

Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay NAGBUBUNGA NG PAGSISI AT PAGBABAGO TUNGO SA KALIGTASAN (2 Corinto7:10)

May kaakibat pa palang pagsisisi at pagbabago Hindi po pagbabago ng Relihiyon

“Hindi lahat ng tumatawag sa akin, Panginoon, Panginoon ay papasok sa kaharian ng langit, KUNDI ANG MGA TAO LAMANG NA SUMUSUNOD SA KALOOBAN NG AKING AMAN NA NASA LANGIT. Sa araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin Panginoon, hindi po ba kami ay nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala sa IYONG PANGALAN? Ngunit sasabihin ko sa kanila ‘HINDI KO KAYO NAKIKILALA , LUMAYO KAYO SA AKIN, KAYONG MGA GUMAGAWA NG KASAMAAN”(Mateo 7:21-23)

May FAITH yan at TINANGGAP SI JESUS gumawa ng mga kababalaghan pero hindi naligtas!

Kaya yung nagsasabing SILA AY LIGTAS NA HETO PO nakasulat sa Biblia

“Tulad ng sinasabi ng KASULATAN.

“KUNG ANG TAONG MATUWID AY NAPAKAHIRAP MALIGTAS, ANG DI KUMIKILALA SA DIYOS PAANO PA MALILIGTAS?”(1Pedro 4:18)

Matuwid na pahirapan pang msligtas tapos receive Jesus save na daw? May ganun!

PAGSUMIKAPAN NINYONG MAGING GANAP ANG INYONG KALIGTASAN NANG MAY LUBUSANG PAGGALANG AT PAG IBIG SA DIYOS (Filipos 2:12)

Dapat po pala may pagsisikap jindi tatanggap lang kay Jesus bilang Saviour at kung sasabihin nating ligtas na tayo heto pa sabi.

“KAYA’T MAG-INGAT ANG SINUMANG NAG-AAKALANG SIYAY NAKATAYO AT BAKA SIYA MATISOD”(1Corint0 10:12)

Kaya yung nagaangkin naligtas na mag ingat ingat ka kapatid hehehe

Heto po ang tunay na LIGTAS

ANG PANGINOON ANG MAGLILIGTAS SA AKIN SA LAHAT NG KASAMAAN AT SIYA RIN ANG MAGHAHATID SA AKIN NANG LIGTAS SA KANYANG KAHARIAN SA LANGIT” (2 Timoteo 4:18)

Yun ang tunay na LIGTAS pag naihatid kana sa Langit. Dahil habang nabubuhay pa tayo sa lupa makikibaka pa tayo at pagnatalo ka tapos na yung sinasabing KALIGTASAN heto po ang sabi

“FIGHT THE GOOD FIGHT OF FAITH, LAY HOLD ON ETERNAL LIFE, ,(1Timothy 6:12)

Kaya po yung umaangkin na LIGTAS NA SILA heto po ang sabi

SAPAGKAT KAYOY SUMASAMPALATAYA IINGATAN KAYO NG KAPANGYARIHAN NG DIYOS HABANG HINIHINTAY NINYO ANG KALIGTASANG IYAN NA IHAHAYAG SA KATAPUSAN NG PANAHON(1 Pedro 1:5)

Kaya mga kapatid naming Born Again Christian wag nyo pong pangunahan ang ating Diyos sa pagsasabing LIGTAS KAYO” hintayin nyo po ang Diyos mismo ang maghayag sa inyo!!!!

God bless us all Glory to God


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles