Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Pagsamba nga ba sa mga diyosdiyosan ang Pagdadasal sa Harap ng mga Rebulto?

$
0
0

1Kings7:13-44 (Ang templo sa Jerusalem ay MARAMING REBULTO kagaya nalang ng CHERUBIM, OXEN, LIONS, PALM TREES, 12 BULLS, at POMEGRANATES)
2Chronicles2:1 (Si Solomon ang nagpasya na gumawa ng templo sa Jerusalem at ang templo ay maraming rebulto) Hindi problema kung pinagawa ba ng Diyos o hindi ang mga rebulto sa templo o sa mga simbahan pero totoo nga na ang pagawa ng templo ay naayon sa plano ng Diyos (1 Chronicles 28:10-11)
Ecclesiastes50:1-17 (Ang mga Hudyo ay nagpapatirapa kapag sumasamba sa Diyos habang nasa presensya ng maraming rebulto sa templo)

FB_IMG_1456557246768

John2:16 (Sinabi ni Jesus na tahanan ng Ama niya ang templo)
1Kings7:13-44 (Maraming rebulto sa templo) Kung pupunta si Kristo sa templo ng Iglesia Ni Kristo-Manalo o sa kung saan mang gusali sumasamba ang mga Born Again Christians e baka sabihin niya “Aba!!! Hindi ito tahanan ng aking Ama! Walang rebulto dito!” Hindi problema para kay Jesus ang mga rebulto dahil kung problema ang mga rebulto para sa kanya ay sana pala ay hindi siya pumupunta sa templo para magdasal at mangaral (Luke20:1, Luke21:37). Si Jesus ay namuhay bilang isang Hudyo kaya naman hindi maipagkakaila na siya rin ay nagdasal sa templo ng Jerusalem na may maraming rebulto.

1Corinthians8:4 (Ang mga diyosdiyosan ay walang tunay na pagiral) Si Jesus at mga Santo ay buhay sa langit kaya KAHIT GAWAN MO SILA NG REBULTO HINDI YUN DIYOSDIYOSAN. Sila ay may tunay na pagiral. Ang langit ay ang parte ng simbahan na hindi maipagkakailang matagumpay. Maging si Job ay nagdasal sa mga banal (santo) at si Juan ng Patmos ay nagkaroon ng pangitain na tungkol sa dasal ng mga Santo sa pamamagitan ng insenso (Job5:1, Revelation8:3-4, Revelation5:8)

 

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles