Kaisahan sa Pagboto
Ni Sem. Alfie J. Angeles
Sang-ayon sa Iglesia ni Kristong taong-tao na itinatag sa Pilipinas noong taong 1914, ang batayan ng kanilang pananampalataya tungkol sa kaisahan ng pagboto ay ang sitas ng biblia sa I Corinto 1:10 na kung saan ay may binabanggit na “..kayong lahat ay magsalita ng isa lamang bagay at huwag magkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo’y mangalubos sa isa lamang pag-iisip at isa lamang paghatol.”
Kailanman ay hindi tayo tumututol sa sitas ng biblia, maliban na lang siguro kung mali ang pagkakasalin mula sa mga orihinal na manuscrito ng biblia. Ang tinututulan natin ay ang malaking pagkakamali sa interpretasyon sa isinasaad ng biblia na kung saan ito ay ipinagpauna na ng Panginoon Jesucristo sa Ebanghelio ayon kay San Mateo “Nguni’t sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios” ( Mt 22:29)
Dapat nating maintindihan na ang tinutukoy na pagkakaisa ni Pablo ay tungkol sa evangelio (Fil. 1:27) Bakit? Sapagkat wala pang ideya si Pablo tungkol sa pagboto na gaya ng ginagawa sa Pilipinas dahil sila ay sakop pa ng imperyo Romano noon. Paano ba nahulog ang mga INC 1914 sa paniniwalang ang pagboto ay siyang pagkakaisang tinutukoy ni Pablo? Ginamit nila ang Webster’s Dictionary na nagsasaad na ang kahulugan ng pagboto ay paghatol. At dahil sa utos ang pagkakaisa sa paghatol, inakala nila na ang pagkakaisahan ay ang pagboto.
Anong katunyanang ito ay mali? Kung kung ang kahulugan ng paghatol ay pagboto, paano ngayon ang sinasabi sa I Corinto 6:2-3 “…ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan…ating hahatulan ang mga anghel..” Ibig bang sabihin nito ay ating iboboto ang mga anghel? ANo pa ang isang katunayan? Sabi sa I Corinto 11:13 “Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili: nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong?” Ang kahulugan ba nito ay iboto natin sa ating mga sarili? At may mas malalang implikasyon tungkol dito ay ang sinabi ng Panginoong Jesus; “Huwag kayong humatil upang hindi kayo hatulan…” (Lucas 6:37). Lumalabas, bawal tayong bumoto.
Pangalawa, sabi ng INC 1914, marumi ang pulitika, bakit magkakaisa sila sa pagboto kung ang pagboto ay bahagi ng pulitika? Meron bang mga apostol na bumoto? Kung ang kahulugan nito ay pagboto sa pulitika, lumalabas na hindi natugunan ng mga apostol ang kautusang ito dahil hindi sila bumoto sa pulitika
Ano ang dapat maintindihan ng mga Cristiano? Ayaw ng Dios na magkaroon ng pagkakabahabahagi sa loob ng iglesia o simbahan (Roma 12:16,2-8).
Pag-isipan: Yung napiling kandidato ng supremo ng INC (Eduardo Manalo), ay catoliko. Sabi nila na sa demonyo yung mga catoliko, at sila ay mga anak ng Dios. Yung anak ng Dios na hindi bumoto sa Catoliko na anak ng demonio ay ititiwalag. Ang mga tiwalag sa kanila ay maiimpierno. Ano ang dapat na mapansin? Ang isang anak ng Dios ay maaaring maimpierno dahil sa isang anak ng demonio na PINABURAN ng supremo ng INC. Handang parusahan ng Dios ang anak ng Dios dahil sa isang anak ng demonyo. Napakawalang awa ng Dios nila dahil ang pinapaburan ay ang mga anak ni Satanas.