Alam mo po ba fr. Gusto ko po kayong kunin na ninong sa kumpil last year lang po ako nagpabinyagan. Dapat magpapakumpil po ako kaya lang wala pong pagkakataon na magkita tayo.
All my family is protestant SDA po sabi po ng pastor namin dto daw ang tunay na kaligtasan gusto po naming maligtas kaya hinanap po namin . Halos lahat po ng sekta napasukan na po namin ang pinaka last po ay Catholic ang conversion po namin thru miracle. Rosary po.
Aral po kami pagdating sa bible maliit pa lang po kami may Bible study na sa SDA. Hindi po ganun kadali para sa amin na matanggap ang ibat ibang katuruan. Last na po yung Catholic na pinasok namin.
Everyday we pray the rosary pero pinag aaralan pa rin namin anuman ang aming ginagawa. Ang hirap po pag may alam ka hindi po ganun kadali na tanggapin ang aral ng katoliko.

Mrs. Liberato Jojo with Atty. Marwil Llasos during CFD Metro Manila ALL SAINTS DAY PARTY held in Sto. Domingo Church, Quezon City. Bro. Mars was wearing the costume of San Ramon Nonato
You know what happen fr. All my family praying the rosary isa sa kapatid ko ang nakakita na nag Christmas lights ang rosary namin sa may altar. Nakita po namin lahat yun … binaliwala po namin yun dahil we dont believe in miracle. Para saamin kaya rin ni taning na maghimala. Naulit po yun fr. Habang nagrorosary kami yung isang butil ng rosary ng kapatid ko umilaw hindi po sya luminous color blue ang rosary nagkatuwaan po kami sabi namin bakit ikaw lang ang may ilaw ang ginawa po namin bawat rosary na hawak namin pinagdikit namin at nung dumikit na bawat isang butil ng rosaryo na hawak namin umilaw po. Ganun din po ang reaction namin…wala lang …kasi ang alam namin kaya rin ng demonyong maghimala.
Until one day sa aming pagtulog nagpakita si Mama Mary thru dreams and vision sa bawat isa sa amin. Si Lord na po ang gumawa ng paraan kung paano pa kami lalalim. Nagoadala sya ng taong magtuturo sa amin at mga pari upang ituro sa amin ang pananampalatayang katoliko.

Mrs. Liberato Jojo with CFD Metro Manila members: Bro. Melchor Manalili, Bro. Bien Agabin, Bro. Arthur Isla, etc. celebrating ALL SAINTS DAY PARTY held in Sto. Domingo Church, Quezon City.
Dahil gusto po naming makita ang tunay na kaligtasan hinanap po namin yun sa ibat ibang relihiyon. Ang hindi ko lang po makakalimutan sa SDA ay pagiging prayerful nila. Yun po ang na adopt namin until now. Pinagkatiwalaan po ako ni Lord kaya binigyan nya po ako ng trabaho sa simbahan ako po ngayon ang coordinator sa adoration chapel. Every Saturday po may overnight vigil po ang grupo ko . Ave Maris Stella Servant of the Lord. Kami po ang prayer warrior ng simbahan at ng mga kaparian.
Marami pong dumating na himala sa buhay namin kung kayat ito po ang naging dahilan kung paano po kami lumalim. Nagkaroon po kami ng debosyon sa Mahal na ina at sa Eucharist. Ang grupo po namin ay more in prayers, vigil and fasting.