Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

DEFENDING THE NAZARENO By John Dexter Ramos

$
0
0

1909957_957626437617869_3834551187276469156_n

 

Hi, I am a catholic and I came across this post regarding the Nazareno.
Gusto ko pong linawin ang mga bagay-bagay patungkol sa pananampalatayang Katoliko hinggil sa mga nabanggit.
1. […malinaw po sa Banal na Kasulatan na ang pagsamba at pagpaparangal sa mga “rebulto” ay tahasang tinututulan at ipinagbabawal ng Dios.]
Una, mahalagang malaman na ang pagsamba (adoration) at pagpaparangal (veneration) ay magkaiba. Ang pagsamba ay nauukol lamang sa Diyos. Ang pagpaparangal ay maaaring iukol sa kaninuman.
Tama at mali. Tama, dahil bawal sambahin ang mga rebulto o anumang bagay na hindi Diyos. Diyos lamang ang dapat sambahin. Mali, dahil hindi tinututulan sa Bibliya ang pagpaparangal sa mga ito, dahil ito ay “sagrado” at patungkol sa Diyos, sa mga taong banal at pananampalatayang Kristiyano.
Makikita natin sa Bibliya na maging ang mga tao ay pinararangalan.
-Pinarangalan ng hari si Daniel (Daniel 2:48)
-Maging ang patay nang si Ezequias ay pinarangalan ng buong Juda at Jerusalem (2 Cronica 32:33)
-Maging ang Kaban ng Tipan ay labis na pinarangalan
Sa Pilipinas, pinararangalan natin si Dr. Jose Rizal bilang bayani sa Luneta. Bakit hindi natin sinasabing mali ang pagpaparangal sa rebulto ni Rizal?
Dahil walang masama sa pagpaparangal kung ito’y nauukol sa tao, o maging sa bagay na nagrerepresenta sa tao. Lalo na sa Diyos.
2. […sa “Sampung Utos” ang pagbabawal ng paggawa ng anomang bagay upang gawing rebulto para sambahin at luhudan sapagkat ang Dios ay walang katulad. -Exodo 20:4-5]
Tama, bawal gumawa ng anumang rebulto upang sambahin bilang Diyos. Alam ng mga Katoliko yan, kaya nga naubos na ang mga “anito” ng mga sinaunang Pilipino dahil ipinatanggal ng Simbahang Katolika dahil ito’y diyus-diyosan.
Meron tayong tatlong bagay na kailangan malaman.
Una, Ipinagbawal nga ba ng Diyos na gumawa ng anumang rebulto maging sa kalangitan, sa ilalim ng dagat o sa kalupaan tulad ng sabi sa Exodo 20:4-5?
Kung ating babasahin ang konteksto ng Exodo, makikita natin na 5 kabanata pagkatapos ng Exodo 20, pinagawa mismo ng Diyos si Moses ng mga imahe at rebulto ng mga kerubim. (Exodo 25:18–20) Nagpagawa rin ng tansong ahas ang Diyos. (Bilang 21:8–9) Maging si Solomon ay inutusan ng Diyos na gumawa ng Templo na naglalaman ng mga rebulto at imaheng makamundo. (1 Hari 6)
Nalito na ba ang Diyos? Sa Exodo 20, sinabi Niya bawal gumawa ng rebulto, pero pagkatapos nagpagawa Siya? Hindi ang paggawa ng rebulto ang ipinagbabawal ng Diyos kundi ang “pagsamba” sa mga ito.
Pangalawa, maging ang mga Katoliko ay ipinagbabawal na sambahin ang anumang rebulto. Pinagdarasalan ng mga Katoliko kung sino ang “nilalarawan” ng rebulto, hindi ang rebulto mismo. Isang halimbawa ay ang larawan ng mahal mo sa buhay. Hindi naman ang “papel” ang hinahalikan o inaalala mo, kundi ang nilalarawan nito.
Pangalto, hindi masama ang pagluhod o pagyuko sa mga rebulto o imahe dahil hindi ito nangangahulugang pagsamba. Ito ay paggalang at pagkilala.
-Yumukod si Jacob sa mga kapatid (Genesis 33:3)
-Nagpatirapa si Propeta Natan sa hari (1 Hari 1:23)
-Maging si Lot ay yumukod sa angel (Genesis 19:1)
-Maging ang Kaban ng Tipan na may kerubim sa taas ay niluhuran ni Josue. (Josue 7:6)
3. Sa mga natirang sitas, marahil madali nang maunawaan ang mga ito.
Isaias 42:8 – Tama, dahil hindi ang rebulto ang Diyos. Kaya ang sinasamba ng mga Katoliko ay ang nilalarawan, hindi ang kahoy o bato. Dahil ang nilalarawan ng Nazareno ay si HesuKristo na Panginoon natin.
Isaias 44:9-11 – Ang tinutukoy dito ay “diyus-diyosan” kaya mali talaga ang gumawa ng rebulto para gawing diyos. Si Maria at ang mga santo ay hindi Diyos. Nangangahulugang ang paggawa ng mga rebulto at larawan nila ay hindi tinutukoy dito, dahil hindi sila diyus-diyosan ng mga Katoliko.
Jeremias 16:18 – Hindi sumasamba sa diyus-diyosan ang mga Katoliko. Sumasamba sila sa Ama, Anak at Espiritu Santo. Dahil dyan, hindi nagkakasala ng doble ang mga Katoliko.
Jeremias 7:30 – Tama ulit, bakit nga naman maglalagay ng diyus-diyosan sa loob ng templo? Bakit nga naman aalisin ang rebulto at imahe ng mga santo sa Simbahan, hindi naman sila diyus-diyosan?
Awit 115-1-9 – Naniniwala ang mga Katoliko dito. Hindi naman talaga Diyos ang mga rebulto. Naglalarawan lamang ang mga ito.
Isaias 44:18-20 – Tama, kaya nga nag-aaway ang mga Israelita at mga sumasamba kay Baal at sa iba pang diyus-diyosan. Hindi kasama ang mga Katoliko sa mga nadaya ni Satanas dahil hindi naman ipinipilit ng mga Katoliko na Diyos ang mga rebulto. Sino bang pumipilit at nagsasabing diyus-diyosan ang mga rebulto?
Roma 1:25 – Tama ulit, hindi naman ang pinaglilingkuran ay ang rebulto. Kundi si Hesus at ang Simbahang itinayo Niya na Siyang katawan Niya.
1 Juan 5:2-3 – Parehong matimbang. Mahalaga ang Salita ng Diyos at mahalaga rin ang Banal na Tradisyong ipinasa sa atin ng mga apostol. Kung walang Tradisyon ang Simbahang itinatag ni Hesus, wala tayong Bibliya ngayon. Dahil sa Tradisyon nabuo ang listahan (canon) ng Bagong Tipan.
1 Tesalonica 1:9 – Dapat lamang. Mag-ingat tayo at baka malinlang tayo ni Satanas.
Juan 8:32 – Tama ulit. Karapatan ng tao ang malaman ang katotohanan. Kaya nga nagpapaliwanag ang Simabahang Katoliko na hindi namin simasamba ang mga rebulto. Dahil iyon ang katotohanan.
Sana’y sapat na ang paliwanag na naibigay. Sino nga ba tayo para makita ang nasa puso at isip ng mga Katoliko sa prusisyon ng Nazareno? Hindi sabi sa Exodo 20:16, “Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.”
Sumainyo ang kapayapaan at pagpalain ka nawa ng Diyos!

Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles