Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

SUPORTA KAY KA LOWELL MENORCA JR LABAN SA INC SANGGUNIAN BUMUHOS MULA SA DATING DESTINO SA NUEVA ECIJA

$
0
0

MENORCA 1

 

VOICE OF THE BRETHREN FROM NUEVA VIZCAYA

It looks like the emails are pouring in for Ka Lowell Menorca II. Allow me to share one of them from one of his assigned locale, to give us another perspective of who Ka Lowell really is. Is he the personification of the devil the way the “other side” describes him, or is he just an ordinary human being, blessed with extraordinary down-to-earth traits… let’s find out… (english translation to follow)

=============================

MENORCA 2

Magandang araw po Ka Antonio Ebanghelista,

Hindi ko po alam kung totoong makakarating sa inyo ang email kong ito, subalit umaasa ako na mababasa ninyo ito. Ako po ay sumulat sa inyo patungkol kay Kapatid na Lowell Menorca II, naging destinado namin sya sa Lokal. Na-inspire ako sa nabasa kong sulat at video patungkol sa Ka Lowell kaya minabuti ko pong sumulat sa inyo. Ako po ay isang Maytungkulin sa Lokal ng Solano, Distrito ng Nueva Vizcaya. Alam ko pong si Ka Lowell ay hindi ang uri ng tao na ipagyayabang ang mga katangian nya at mga nagawa nya sa Lokal kaya sana po ay pahintulutan po ninyo ako na ibahagi sa inyo ang pagkakilala ng mga taga Nueva Vizcaya sa pagkatao ng Ka Lowell. Masyado na po kasing masasakit at di makatarungan ang mga pinaggagagawa at pinagsasasabi ng ibang mga kapatid para lamang siraan ang Ka Lowell at ang kaniyang sambahayan. Sana po ay makatulong ito para mabuksan ang pananaw ng ibang mga tao tungkol sa taong kanilang pilit na ibinababa at sinisiraan.

Nang bago pa lamang po ang Ka Lowell sa aming Distrito ay nadestino po sya sa isang maliit at lubhang liblib na Lokal. Lokal ng Darubba. Ang kasalukuyang bahay sambahan noon ay sa loob lamang ng bahay ng isang kapatid na halos nasa bangin na at katabi pa ng kulungan ng baboy sapagkat matagal na panahon na wala silang makuhang lupa para tayuan ng kapilya. Isa po ang Lokal ng Darubba sa mga Lokal na masasabi naming kulelat na Lokal. Nagkataon naman na nasa Distrito kami ng pagkakataon na iyon ng unang dumating ang Ka Lowell at ang pamilya nya. Kakwentuhan ko po ang ibang mga Ministro sa Distrito at halu-halo po ang kanilang impresyon sa Ka Lowell, may ilan na nagsasabing magaling daw po sya, lalo na sa computers, may nagsasabing ubod sya ng yabang, may nagsasabing matapobre daw sila dahil sa may kaya sila, may nagsasabing hindi daw siya tatagal sa Vizcaya dahil hindi daw sya sanay sa hirap. Nang lumabas po sya sa opisina ng Ka Isagani Pabalate (Tagapangasiwa po namin noon) ay binati po sya ng ibang mga Ministro at mga kapatid, nakakamay po ako sa kaniya. Ang unang impresyon ko pa lamang po sa kaniya ay mukha syang mabait, at palangiti, iba po ang aura nya kaysa sa mga sinasabi ng ibang mga Ministrong nakausap ko pero sabi ko sa sarili ko baka sa simula lang yun.

Lumipas ang ilang buwan, nababalitaan namin mula sa mga kaibigan kong mga kapatid sa Lokal ng Darubba kung paanong ibang-iba daw si Ka Lowell sa lahat ng nakilala nilang Ministro. Nahihiya nga daw sila noong una at mukha silang mayaman samantalang ang lahat ng mga kapatid sa Darubba ay pawang mahihirap lamang, subalit hindi daw sila kailanman nakaramdam na matapobre ang ka Lowell at ang kaniyang asawa na si Ka Jingky. Lalo pa nga silang bimilib ng nakita nilang walang kaselan-selan sa katawan ang mag-asawa at hindi sila maaarte na gaya ng iba. Lahat nga ng mga kapatid ay puro sila Ka Lowell ang bukang bibig at sa loob lamang ng ilang buwan ay napasigla nila ang pinakakulelat na Lokal sa buong Distrito at ikinagulat ng lahat ng ang Lokal ng Darubba ang naging pinakahuwarang Lokal pa sa buong Distrito, nahigitan pa ang Lokal namin na siyang pinakamalaking Lokal sa Vizcaya. Ang dami daw pong nadestino sa Darubba subalit wala pong nakagawa ng mga nagawa ng Ka Lowell. Sila noon ang may pinakamataas na porsyento ng Di Sumasamba, pagkatapos ay napasigla ng Ka Lowell lahat ng hindi na sumasamba na nawalan na sila ng MS sa lokal dahil sumigla na lahat. Napakababa noon ang porsyento ng nagtatanging handugan at halos walang naghahandog para sa lingap, subalit pagkatapos ay laging bukang bibig ng Tagapangasiwa namin ang Lokal ng Darubba dahil ito lang ang tanging Lokal na nagagawang higit sa 100% ang kusang-loob na nagtatanging handugan at naglilingap linggo-linggo samantalang puro mahihirap ang mga kapatid doon. Laging pinapalakpakan ang Lokal ng Darubba tuwing may mga buwanang pulong sa Distrito at ang lalong kamanghamangha, mula sa iilang pirasong mga maytungkulin, ang Lokal ng Darubba ang naging kauna-unahang LOKAL NG MAYTUNGKULIN dahil sa lahat ng mga kapatid doon ay nahikayat ng Ka Lowell na tumanggap ng Tungkulin kaya sila ang may pinakamaraming napapanumpang bagong maytungkulin sa buong Distrito. Minsan po kaming nakadalaw sa Lokal nila sa Darubba at nagulat kami ng makitang napakaraming tao sa kapilya at nagbabatares sila para sa paggawa sa kanilang bagong Kapilya napakaraming mga kapatid na nakikipagbatares at mismong ang Ka Lowell at ang Ka Jingky ay nagpapala at nagbubuhat ng semento at tumutulong sa construction, lahat sila masayang nasa Lokal at nakikipagkwentuhan kay Ka Lowell at sa asawa nya, akala ko nga ay may socializing, yun pala karaniwang araw lang iyon dun. Kasabay nilang kumakain ang mga kapatid at wala silang selan sa pagkain, nagkakamay pa nga silang kumakain. Tinanong ko ang Pangulong Diakono sa lokal, ang Ka Nelson Balallo kung bakit biglang sumigla ang Lokal nila samantalang mahabang panahon silang bagsak, ang sabi nya ay ibang-iba daw talaga ang Ka Lowell sa lahat ng mga nadestino dun. Siya lang daw ang nadestino dun na laging bukas ang bahay para sa kanino mang kapatid anong oras man sa araw o sa gabi ay welcome ang mga kapatid doon, kung anong meron sila ay sine-share nila sa mga kapatid, hindi daw sila maselan o pihikan, hindi mahirap pakisamahan, hindi pala-utos, hindi masungit, hindi madamot, at higit sa lahat hindi nila kinaringgan ng masasakit na salita at hindi marunong magalit gaya ng ibang mga Minsitro na yung iba eh kabata-bata pang Manggagawa eh kung maka-asta eh akala mo eh kung sinong hari, kaya sa halip na lumayo ang loob ng mga kapatid sa kaniya ay lalo silang napapalapit. Noon daw unang dating nya, ang unang-una nyang dinalaw ay ang mga kapatid na pinakamalalayo ang bahay, at hindi daw nya pinagagalitan ang mga kapatid na dinadalaw nya, nakikipagkwentuhan lang, nagpapayo at napapatawa nya ang mga kapatid, kaya tuloy ang mga kapatid nahihikayat na magpakasigla, sumisigla sila hindi dahil sa pinilit sila ng Ka Lowell o kinunsensya, kundi dahil sa sila mismo ang naakit na magpakasigla dahil na rin sa mabuting pakikitungo sa kanila ng Ka Lowell. Kasama pa nga daw nila ang kaniyang asawa na si Ka Jingky na tumatawid pa sila ng ilog, naglalakad ng malalayo para lang dalawin ang mga kapatid ng walang arte o reklamo.

Dumating ang panahon na napalitan ang Tagapangasiwa namin at isa sa mga ginawa ng bagong Tagapangasiwa ay inilipat ng destino ang Ka Lowell at inilipat sa Lokal namin, Lokal ng Solano. Marami po ang nagtaka dahil sa ang Lokal ng Solano ang pinakamalaki at pinaka-progresibong Lokal sa buong Vizcaya at inaasam-asam ng bawat Ministro na madestino dito pagkatapos ang idinestino ay isang Regular na Manggagawa lamang. Maraming mga kapatid mula sa Darubba ang nalungkot at literal na buong lokal nga nila ang naghatid sa kaniya na halos ayaw nga silang ibigay sa Lokal namin subalit ipinaliwanag sa kanila ng mga taga-Distrito na kailangan ng Distrito na mapaangat ang antas nito at ang pinakamabigat na humihila dito pababa ay ang antas ng Lokal ng Solano dahil sa laki nito, mahigit 1,500 po ang bilang namin, kaya kakailanganin ng mahusay na destinado para mapasigla ito dahil hinihila nito ang antas ng Distrito pababa lalo na sa porsyento ng hindi sumasamba at naghahandugan. Natural sa Lokal namin ay maraming naintriga kung bakit isang regular na manggagawa lamang ang idinestino at binigyan pa ng 6 na katulong na Ministro at Manggagawa. Kinalaunan ay naunawaan namin kung bakit. Dahil sa sipag at tyaga at husay sa pakikisama ng Ka Lowell ay napasigla niya ang aming Lokal sa loob lamang ng ilang buwan, ang daming tumanggap ng Tungkulin, maging yung mga bumaba na sa Tungkulin na gaya ko ay muling bumalik. Dumami ang mga sumasamba na at naghahandugan, dumami nga din ang mga maytungkulin sa pananalapi na halos hindi na sila magkasya sa opisina ng pananalapi. Naging masigla din ang mga nasa kapisinan dahil laging mayroong magagandang aktibidad ang Ka Lowell at kayang kaya nyang kunin ang loob ng mga kabataan dahil sa hindi sya “traditional” o boring na destinado, masaya syang kasama at maging ang mga may-edad na katulad namin ay tuwang tuwa na kasama sya at gaya ng mga taga-Darubba, naranasan na din namin ang “Ka Lowell-Effect”, na para bang lahat na lang ng mga kapatid ay gusto syang nakakausap at nakakasama, kaya lagi ding maraming tao sa Lokal at halos mapuno ang kapilya namin (pinakamalaking kapilya sa buong Vizcaya) tuwing may pulong ang Ka Lowell dahil kinasasabikan namin na marinig syang manguna sa mga pagpupulong dahil hindi sya boring magsalita, hindi ka aantukin, ni hindi ka mababagot at maganda ang sense of humor nya kaya tuloy gustong gusto ng mga kapatid kapag sya ang nagsasalita dahil parang makakalimutan mo ang mga problema mo sa buhay at talagang maeengganyo kang magpakasigla kaya nga dinadayo pa kami minsan ng mga taga ibang Lokal at ibang Destinado. Dyan naman namin napatunayan na hindi madamot si Ka Lowell lalo na sa mga kasama nya sa Ministerio, lahat ng mga mabibisa nyang pamamaraan ay sine-share nya sa mga kasama nya, hindi nya ipinagdadamot, ang katwiran kasi nya, kung binigyan sya ng Ama ng mga katangian at kaalaman, bakit daw kailangang solohin, bakit hindi ipamahagi sa iba para makinabang din ang mga kapatid upang lalong sumigla lahat ng mga kapatid. Masarap din po syang mangasiwa ng Pagsamba dahil mabiyaya at hindi nakakabagot, hindi sya paggalit magturo at parang nakikipagusap lang sya sayo ng personal kaya hindi ka aantukin. Hindi ka nya pagagalitan kundi sa pagpapayo nya, ay ikaw mismo ang magkukusa na magbago at magpakasigla na lalo.

Subalit gaya ng inaasahan, may ilang mga maytungkulin ang hindi matanggap na isang Regular lamang ang ginawang destinado sa amin, isa na dyan ang Ka Nady Avelino na PD2 ng Lokal na harap-harapang binastos si ka Lowell sa loob ng kapilya sa panahon ng pulong, maraming kapatid ang nakasaksi nito at nagalit sa kaniya, subalit dun namin lalong nakita ang lawak ng pangunawa ng Ka Lowell at kababaang loob ng Ka Lowell dahil buong kahinahunan nyang pinaliwanagan ang Ka Nady, ni hindi nya sinagot ng pabalang si Ka Nady o nagpaka-panginoon man, ni hindi sya nagtaas ng boses nya. Dahil sa hindi natiis ng mga maytungkulin ang ginawang iyon ng Ka Nady ay iniulat nila ang Ka Nady sa Pamamahala, dahil doon kaya sya nababa sa tungkulin at natiwalag pa, subalit sa halip na magbunyi ang Ka Lowell at ipamukha sa kaniya na mali sya, si Ka Lowell pa mismo ang dumalaw sa Ka Nady, ipinanalangin sya at pinalakas ang loob upang huwag mawalan ng pag-asa at ang Ka Lowell pa ang pangunahing gumawa ng paraan para sumulat sa Ka Eduardo na makabalik na sa talaan at Tungkulin ang ka Nady, ni hindi sya nagtanim ng galit sa Ka Nady at sa palagay ko dun lalo syang nakilala ng Ka Nady at lalo syang hinangaan ng mga kapatid.

Dahil sa parami ng parami ang mga kapatid na nagmamahal sa Ka Lowell, at mabilis na pagsigla ng aming Lokal, di naglaon at nainggit na sa kaniya ang kaniyang mga kabaro sa punto na ipinagkanulo na siya. Alam po naming mga maytungkulin yun dahil kilala din namin ang mga Minsitrong ito na gumawa nun at nagsasalita ng patalikod laban kay Ka Lowell. Nalaman lahat ng mga maytungkulin sa Darubba at Solano kung papaano siya pinagkaisahan ng mga kasama nyang nakadestino sa aming Lokal. Nang ang mga Mangagawang kasama nya ay pareparehong na-ordinahan, tanging ang Ka Lowell na lamang ang Regular at lahat silang mga katulong nya sa Lokal ay mga ordenadong Minsitro na. Isa dun ay kilalang malapit nyang kaibigan na si Ka Jam Bautista. Subalit sya pa ang syang gumawa ng paraan para mapahamak ang Ka Lowell dahil mayroon syang itinagong/inipit na ulatan ng Ka Lowell na R3-09 na pinipirmahan ng mga Dinudoktrinahan at Sinusubok tuwing pagsamba, natural sa susunod na pagsamba ay nagpagawa ng bagong ulatan ang kalihim, kaya nung pagsusumite na sa Distrito ay saka ipinasa ng Ka Jam ang ulatan para palabasin na dalawa ang ulatan ng Ka Lowell at ang isa ay dinuktor. Dito nagkaisa ang mga Ministrong ito kasama ang mga Ministro sa Distrito at ang mismong Tagapangasiwa na si Ka Jun Bravo. Sinasabi na nga namin sa Ka Lowell ang ginawang pagpapaplano ng mga kasamahan nya laban sa kaniya subalit hindi nga lang sya naniwala na magagawa yun ng mga kabaro nya lalo na ng kaibigan nyang si Ka Jam na parang kapatid na nya ang turing. Pinalabas nilang nandaraya ng ulatan ang Ka Lowell, samantalang lahat naman sila at mga kasama nila sa Distrito ay alam na alam na nandaraya sila sa ulatan kaya maraming mga kapatid ang nagalit sa mga Ministro dahil sa pinagkaisahan nila ang Ka Lowell samanatalang wala ni isa sa kanila ang kayang tumayo at sabihing hindi sila nandaya ng ulatan para magmalinis sila. Kaya ang kinalabasan ay nalipat si Ka Lowell sa Sorsogon dahil hindi na sya nangatwiran pa ng humarap sya sa Sanggunian dahil baka marami pang madamay, inako na lang nya lahat ng sisi at tinanggap ang anumang pagdidisiplina sa kaniya, samantalang ang mga kasama niyang Ministro na katulong sa Lokal, sa halip na matupad ang kagustuhan na sila ang papalit na destinado ng aming Lokal ay inilipat din sila ng ibang Lokal at ang Ka Jun Bravo naman ay nababa naman sa tungkulin bilang Tagapangasiwa at naging karaniwang destinado dahil sa kaniyang hindi mabuting puso at kawalan ng malasakit sa kaniyang sakop na Manggagawa na sa halip na ipagmalasakit nyang payuhan at babalaan na lamang sa ulat na iyon ay pinili pa nyang patayin ang karapatan ng Ka Lowell at nahayag sya lalo sa kaniyang pakikialam sa pulitika dahil sa pakikialam nya sa mga kontraktor at project ng Congressman at Governor sa aming lalawigan. Napabalita iyon maging sa mga sanlibutan kaya nalagay sa kahihiyan ang Iglesia dahil sa Tagapangasiwang iyon.

Ilan lang ito sa mga pangyayari sa Ka Lowell na aming nasaksihan mismo, kami at ang lahat ng mga kapatid na nakakakilala sa kaniyang ang makapagpapatunay ng tunay nyang pagkatao at pag-uugali at alam naming walang katotohanan ang kanilang pinakakalat na paninira sa Ka Lowell. At sa halip na hintayin na lamang nila na maihayag ang buong katotohanan ukol sa mga ginawa sa Ka Lowell at sa kaniyang Sambahayan ay mas pinili pa nila na sirain ang kaniyang pagkatao para hindi siya paniwalaan dahil kung merito din lang naman ng kaso ay hindi talaga mananalo ang Sanggunian dahil lalabas at lalabas din talaga ang katotohanan. Sana magpatotoo din ang iba pang mga kapatid na totoong nakakakilala sa Ka Lowell para naman maging patas at ng makilala ng ibang tao na hindi nakakilala sa Ka Lowell. Pasensya na po kayo at napahaba ang aking sulat, marami pa po sana akong gustong sabihin na mga nagawa ng Ka Lowell pero siguro sa ibang pagkakataon na, sa palagay ko naman po ay sapat na muna ito para makita naman ng ibang mga kapatid ang totoong “side” ng pagkatao ng Ka Lowell kaya imposible na matanggap namin ang kanilang pinagsasasabi tungkol sa ka Lowell na walang katotohanan bagkus ay mga kasinungalingan lamang dahil sa takot nilang lumabas ang katotohanan.

Ka Lowell kung nababasa ninyo ito ngayon, nais po naming ipaalam sa inyo na puspusang ang ginagawang paninira sa inyo ng mga Ministro dito sa atas ng Sanggunian, kaya pilit nilang pinapapaniwala ang mga kapatid sa mga kasinungalingan na alam naman naming hindi totoo subalit napipilitan na lamang kaming tumango ng pagsangayon para huwag kaming mapaginitan at matiwalag, subalit makakaasa po kayo na hinding hindi po naming kayo nakakalimutan at alam po namin ang totoong pagkatao ninyo at alam po naming kaya ninyo ginagawa ito ay hindi dahil sa lumalaban kayo sa Pamamahala o dahil sa tinalikuran ninyo ang mga aral ng Diyos kundi dahil sa nilalabanan ninyo ang kasamaan na bumabalot na ngayon sa Ministerio at sa ilang mga nasa hanay ng Sanggunian. Sana panagutan nila ang ginawa nilang krimen laban sa inyo at sa pamilya ninyo. Mahal na mahal po kayo ng mga taga-Vizcaya Ka Lowell at umaasa po kami na darating ang panahon na muli ninyo kaming madadalaw dahil namimiss na po namin ang kagaya po ninyo ng uri na destinado na mapagmahal, mapagkalinga, mapangunawa at mapagmalasakit. Mag-iingat po kayong lagi sa mga masasamang tao. Sana po makita naming muli si ka Jinky at si Yuri at namimiss na po namin sila. Salamat po ng marami.

Tubong Nueva Vizcaya

P.s.

Natitiyak ko pong merong magsisiyasat sa Lokal namin upang hanapin ako, huwag na po kayong mag-aksaya ng panahon, matagal na po akong nagtransfer. Sa tamang panahon ay magpapakilala din po ako.

Yung mga pictures po na isinama ko dito ay kuha sa ilang mga aktibidad ng Ka Lowell na lagi pong dinadaluhan ng mga kapatid kaya lalong sumigla ang Lokal. Nandito rin po ang picture ng harap ng aming Kapilya, ang isa naman pong larawan ay ang makasaysayang pagmimisyon ng Ka Lowell na napakarami pong tao sa Kapilya, napuno hanggang balcony, proud na proud po ako nun dahil ang mga akay kong mga professionals ay bumilib sa pagtuturo ng ka Lowell at nakipagkamay at nakipagusap pa sa kaniya pagkatapos ng pagmimisyon. Gumagamit po sya ng mga makabagong paraan para mas madaling maunawaan ng mga panauhin ang mga aral.

=========================

MENORCA 3

Dear Tubong Nueva Vizcaya,

I just remember a simple saying… ‘YOU CAN NEVER PUT A GOOD MAN DOWN’. I think no matter how desperate other people are to discredit Ka Lowell, his good works will always precede him and will always speak more about him than any other smear campaigns combined. The rest of your letters, since they are so many, I will forward them to Ka Lowell so he may be able to read them and provide good cheer and hope for the coming battles ahead. All of these things only proves that God will always be on the side of His chosen children whom He will use as instruments to fulfill His will. Nothing is possible without God’s help. Nothing. All of these are according to God’s divine plan, in order to ensure that His church will be cleansed of all blemishes and worthy of the coming salvation. Praise be to God.

Antonio Ramirez Ebangelista

email: antonioramirezebangelista@gmail.com
email: iglesianicristosilentnomore@gmail.com

They tried to bury us, they didn’t know we were seeds.”

MENORCA 4


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780