Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

SINILANG ANG DIOS SA ‘TAKDANG PANAHON’ By Kalasag Ng Katotohanan

$
0
0
Photo credits [http://catholiccentre.co.za/vatican-christmas-tree/]

Photo credits [http://catholiccentre.co.za/vatican-christmas-tree/]

In Luke 1, makikita natin na si Zacarias ay nanunungkulan noong mga panahon na iyon.

Luke 1:8-10 “Ang pangkat ni Zacarias ang nanunungkulan noon, at siya’y naglilingkod sa harapan ng Diyos bilang saserdote. Nang siya’y magsapalaran, ayon sa kaugalian ng mga saserdote, siya ang nahirang na maghandog ng kamanyang. kaya’t pumasok siya sa templo ng Panginoon sa oras ng pagsusunog ng kamanyang, samantalang nagkakatipon sa labas ang mga tao at nananalangin.”

Ang pista pong ito ng mga Judio ay ang Feast of the Tabernacles o ang Pista ng mga Tolda na mababasa po natin sa Levitico 23:34 “Sabihin mo rin sa mga Israelita. Mula sa ika 15 araw ng ika 7 buwan, magsisimula ang Pista ng mga Tolda. Pitong araw ninyo itong ipagdiriwang.

Ang ikapitong buwan po sa Jewish calendar ay ang Tishri. Na katumbas sa Julian o Roman Calendar noong panahon ni Hesus ay ang September dahil ang unang buwan sa Roman Calendar ay March. Samakatuwid, idiniwang ang Pista noong September 15.

Pitong araw daw ipagdiriwang ito (Levitico 23:34), na papatak ng September 22.

Ituloy po natin ang basa sa Levitivo 23:36… “Pitong araw kayong maghahandog kay Yahweh ng handog na pagkain. Sa IKA-8 ARAW, magtitipon kayo upang sumamba at mag aalay kayo ng handog na pagkain.

Pagkatapos po ba noon ay uuwi na si Zacarias? Hindi pa dahil sabi sa Levitico 24:3 “sa labas ng tabing, sa loob ng Toldang Tipanan. Ang mga ilaw na iyon ay sisindihan ni Aaron tuwing hapon at PANANATILIHIN MAY SINDI HANGGANG UMAGA.”

Samakatuwid, ang ika 8 araw ay Sept 23, ngunit dahil responsibilidad niyang (Zacarias) panatilihing nakailaw ang mga sinindihan niya hanggang umaga, mananatili siya doon hanggang September 24 ng umaga.

Sabi sa Lucas 1:23-24 “Nang matapos ang panahon ng kanyang paglilingkod ay umuwi na siya. HINDI NGA NAGTAGAL AY NAGLIHI si Elisabet, at hindi ito umalis ng bahay sa loob ng limang buwan.

Take note: (From the Feast to Zacarias’ place, if he walks 5km/h, it would take him 6 hours to reach his home.) So hapon na ng siya’y makauwi ng September 24. O pagitan ng September 24-25.

Sa Lucas 1:26-38, mababasa na nagpunta ang anghel Gabriel at sinabi kay Maria ang mabuting balita. Si Maria ay pumayag at sumunod, at bumaba ang Espiritu Santo. Mababasa po na IKA 6 NA BUWAN ng pagdadalantao ni Elisabet iyon. Na papatak na March 24-25.

At siyam na buwan ang makalipas…. December 24-25, ay ipinanganak ang Panginoong Hesukristo. Sa mga magtatanong…. E di ba hindi naman saktong 9 buwan bago ipanganak ang isang tao, may dagdag o bawas na araw ito?

Sagot: sino po ba ang ipinanganak? tao lang ba o Diyos din? And Diyos ay perpekto kaya’t sakto po ang timing Niya. May angal? Hehehe!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles