
(SAYANG AT HINDI NAKUNAN NI BRO. MIKE NG VIDEO)
FIRST PART – QUESTION AND ANSWER – Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig) Vs. Bro. Duane
Matapos ng tanong ni Bro. Mike Alcala sa Manggagawa ni Soriano.
Bro. Duane: Ako naman ang magtatanong.
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Sige.
Bro. Duane: Bago ako magtanong bro. pinag-aralan mo ba ng malalim ang bible?
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): oo
Bro. Duane: Ang tanong ko, dahil sinasabi ninyo na bawal sa bibliya yung pagrorosaryo dahil sa term na “vain repetitions” na nakasulat sa Matthew 6:7. Ngayon ang tanong ko ay ganito?
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig):Hindi kami ang maysabi kundi si Cristo.
Bro. Duane: Tamang salin ba yang nakasulat sa king james version ng matthew 6:7?
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Oo, tama ito.
Bro. Duane: Ang tanong, ano sa greek ang “vain repetitions” or kahit ang “repetition” na lang?
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Walang kabuluhang paulit ulit.
Bro. Duane: Di tinatanong kita sa greek, dahil ang sabi mo pinag-aralan mo ng malalim ang bible.
Bro. Duane: (Inilabas ko ang greek bible, inilagay sa table) pwedi mo bang ituro kung saan dito ang repetition?
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Sa iyo yang bible na iyan eh kundi ikaw ang magbasa.
Bro. Duane: Ikaw ang tinatanong ko, kasi sabi mo pinag-aralan mo ng mabuti ang bible.
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Ito ba ay greek interlinear?
Bro. Duane: So hindi ka marunong magbasa ng greek?
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): (Binasa ang greek ng matthew 6:7)
Bro. Duane: Itinama ko ang pagbabasa nya particular dun sa greek word “battalogesete” na ang counterpart literally sa english ay “stammer”.
Bro. Duane: Yung greek word ng repetition ay “epanalipsi”. Ngayon ang tanong ko sa iyo may epanalipsi ka bang mababasa riyan sa matthew 6:7 ng greek?
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Bakit nasa matthew 6:7 ba yang sinasabi mong “epanalipsi”?
Bro. Duane: Ikaw ang tinatanong ko dahil sabi mo tama yang salin ng king james version na “vain repetitions”, dahil kung isasalin natin sa greek ang repetition ay “epanalipsi”, meron bang mababasang “epanalipsi” sa greek text ng matthew 6:7?
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Ikaw dapat ang magpatunay nyan.
Bro. Duane: Aminin mo kung wala. Meron ba o wala?
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Ikaw dapat ang magpatunay nyan.
Bro. Duane: Sabi mo kanina pinag-aralan mo ng malalim ang bible tapos hindi mo pala kayang sagutin ang tanong ko?
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Ang sabi ko itong bibliya ang pinag-aralan ko ng mabuti (ANG HAWAK NYANG TAGALOG NA KING JAMES VERSION)
Bro. Duane: Ang sabi mo kanina ang “Bible” hindi mo sinabing “Ang hawak mong bible” huwag mong iibahin ang sinabi mo.
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Ito ngang bible ang hawak ko ang pinag-aralan ko.
Bro. Duane: (Hinawakan ko ulit ang greek bible na hawak ko) Bakit ito ba ay hindi ba bible?
SUMINGIT ANG ASAWA NI BRO. MIKE na Member ng ADD! Para backupan yung Minister-in-Charge ni Soriano.
Ang pinupunto nila na ang pagpunta daw ng Mangagawa ni Soriano ay para lang Kay Bro. Mike Alcala at wala sa plano yung pagpunta namin ni Bro. Terrence.
—————————————————–
SECOND PART – HARAPIN DAW SI SORIANO
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Kung gusto nyo ng debate harapin nyo si Bro. Eli.
Bro. Duane: Sige yung topic na ihinahamon ko sa kanya tanggapin nya na yun.
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Pero dapat sa public ang debate.
Bro. Duane: Anywhere bro.
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Oh sige.
Bro. Duane: Teka, liwanagin muna natin. Saan yang venue na sinasabi mo na public?
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Bible Expo.
TAWANAN KAMI NI BRO. MIKE AT NI BRO. TERRENCE.
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Para maganda siguro PUNO sa PUNO.
TAWANAN KAMI ULIT NI BRO. MIKE AT NI BRO. TERRENCE.
—————————————————–
THIRD PART – DAHIL NAUUWI NA SA DEBATE ANG PAGTATANONG NI BRO. MIKE SA MANGGAWA NI SORIANO.
Nag offer si Bro. Terrence na magmoderator.
Bro. Duane: Pinalabas ko ang hebrew at greek bible ko. Bro. Wilfred para di masayang yung pagpunta ko dito dahil uuwi na ako bukas sa roxas. Bago ako haharap kay soriano mas mabuti tayo munang dalawa para naman maganda.
Bro. Terrence: Sige na bro. kahit 40 minutes lang ako ang moderator.
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Gusto ko, pero may pupuntahan pa ako.
Bro. Duane: So, ayaw mo?
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Gusto ko, pero may importante pa akong pupuntahan. Hintayin mo na lang yung debate ninyo ni bro. eli.
Bro. Duane: Eh bago yun dalawa muna tayo. So, ayaw mo?
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Gusto ko pero may pupuntahan pa ako. Hintayin mo na lang yung debate nyo ni bro. eli.
Bro. Duane: Eh paano kung ayaw ni Bro. Eli na humarap. Ikaw ba ang haharap sa akin?
Mr. Wilfred (Worker/Minister In-Charge in Santolan Pasig): Kung bibigyan ako ng authority na humarap.
MAYA MAYA NAGCHANGED NA ANG TOPIC SI BRO. MIKE NA ANG KAUSAP NYA AT TUMAGAL PA. HAHAHA may pupuntahan daw!