MAKAILANG ULIT NA INILUBLOB AT NILUTO SA SARILING MANTIKA ANG POBRENG MGA KAPATID.
WALA NA BANG KATAPUSAN ANG GAGAWING PAGGATAS NG SANGGUNIAN SA MGA KUBANG MGA KAANIB?
Katulad po ng nangyari sa Chris Brown Concert kung saan kinuha o winidraw sa pondo ng mga Lokal at Distrito ang pambayad sa Concert na nagkakahalaga ng 1 Million U.S.$ ngunit hindi naman pala talaga binayaran si Chris Brown kundi idenemanda pa nila ito at kumita pa sila sa Artist. Hanggang ngayon ay hindi po sinasagot ng kampo ni Jun Santos kung nasaan na ang isang milyong dolyar mula sa abuloy ng Iglesia.
Ganito rin ngayon ang ipinatutupad nilang paraan upang mapagtakpan ang pagkalugi ng pelikula. Sapilitang ibebenta sa kapatd ang tickets para umano mapanood ng mga panauhin o kaya ay magtanging handugan at kukunin sa Lokal ang bayad.
Madali pong maunawaan ang pagnanakaw na ito nila Jun Santos:
MULA SA MGA NAIABULOY NA NOON ANG GINASTOS SA PELIKULA, BAKIT SISINGILIN PA ULI NG BAYAD ANG MGA KAPATID?
IISA PALAGI ANG LAHAT NG NANGYAYARI SA MGA PROYEKTONG INILUNSAD NILA. PALIBHASA, LABAG SA MGA KALOOBAN NG DIYOS KAYA ANG LAHAT AY INIUWI NG DIYOS SA KABIGUAN AT KAHIHIYAN !
Ganito ang sabi ng Diyos:
EZEKIEL 21:27
“Aking ititiwarik, ititiwarik, ititiwarik: ito rin nama’y hindi na mangyayari uli, hanggang sa dumating yaong may matuwid na kaniya; at aking ibibigay sa kaniya.”
UMUUSOK SA GALIT SI JUN SANTOS !
Nasaksihan kaninang umaga ng ilang mga piling ministro, umuusok sa galit si Jun Santos nang ibalita sa kaniya ang malaking lugi sa kaniyang pelikula. Kaagad pinatawagan ng “BAGONG TAGAPAMAHALA” ng Iglesia ang lahat ng mga Tagapangasiwa at mga Destinado. Ang sabi niya, “manganganib ang sinomang hindi tutugon”.
Nanginginig po ang ministrong inutusan at inihabol po ito kanina sa mga klase ng lahat ng ministro.
Subalit mukhang huli na po yata dahil maraming sinehan na po ang nagpalit ng palabas dahil sa walang nanonood.
NAGMAMASID ANG DIYOS SA PANGANGALAKAL SA BUHAY NG KANIYANG ISINUGO. HINDI PA PO NATATAPOS ANG SUMPA. NAGSISIMULA PA LAMANG.
MGA KAPATID, INGAT PO KAYO PALAGI AT LAGING MANALANGIN SA DIYOS. NAKABARONG PO AT NASA TRIBUNA ANG MGA HOLDUPPER!
ABANGAN PO SA SUSUNOD: OBLIGADONG MANOOD NG BASKETBALL SA PHILIPPINE ARENA, DALHIN ANG MGA MINIMISYON PARA MAKABAHAGI NG KALIGTASAN!
Kakaunti ang naghahandog, naglalagak pati sa lingap sa lokal.
Ito po ang kalagayan ng maraming lokal ngayon ng Iglesia sa buong mundo. Dahil dito ay kailangan na ang sapilitan na mga pamamaraan para makapagtipon ng salapi. Kaya ang mga sapilitang pagbebenta ng mga ticket sa mga kapatid ang naisip nilang pinakamabilis at pinakamadaling solusyon-ngunit labag sa mga kalooban ng Diyos.
Sa buong kasaysayan ng Iglesia, mula pa sa panahon ng SINUGO NG DIYOS, ngayon lamang dumanas ng ganito kahigpit na paghihirap sa kalagayang pinansiyal ang Iglesia.
Mga kapatid, hindi po si Kelly Ong ang may kasalanan ng lahat, kundi ang mga pagnanakaw ng TIWALING SANGGUNIAN sa kaban ng Diyos. Ang bagay na ito ay lubhang ikinagalit ng Diyos!
II CORINTO 9:7
“Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.”
Inilakip ko po rito ang mga tagubilin na tinanggap ng mga maytungkulin sa kanilang pulong kanina.
#binhi #kadiwa #buklod #incdefenders #incootd#ANTONIOEBANGELISTA #evm #FELIXMANALO #iglesianicristo #inc100#inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews#inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation#mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge#incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos#gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
#iglesianicristosilentnomore #incsilentnomore #iamonewithevm #onewithevm #kellyong #sherlock