Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

BIBLIANG LAMSA PINATOTOHANAN NA DIYOS SI KRISTO AT BIRHEN AT FULL OF GRACE SI MARIA

$
0
0

 

Lamsa_Manalo_b

                                      George Lamsa proved that Christ is God

 

Isa sa mga paboritong salin ng mga INC sa kanilang mga pagtuturo ay ang Lamsa Version isang bersyon ng Biblia na isinalin ni George Lamsa isang bihasa sa pagsasalin ng Biblia na isinalin niya ang Biblia mula sa Araimaikong manuscrito ng Peshitta, si George Lamsa ay kabilang sa Simbahang Nestorian ng Assyrian Church of the East, dahil diyan ay isinalin niya ang Bibliang naipangalan sa kanya, dahil diyan ay panatag ang mga ministro ng INC sa pagsasabing ito ay sumusuporta sa kanila, ngunit kung ating babasahin ang Bibliang ito ay hindi ito sumusuporta sa INC kundi ay nilalabanan nito ang kanilang doktrina dahil maraming beses na sinupurtahan ng Salin ni Lamsa na Diyos si Kristo at Puno ng grasya si Maria, eto ang mga patunay ng mga aral na ito ayon sa Salin ni Lamsa

ANG DIYOS AY TAGAPAGLIGTAS
SI KRISTO AY ANG TAGAPAGLITAS
SI KRISTO AY DIYOS

“Not stealing but manifesting true sincerity that they may adorn the doctrine of GOD OUR SAVIOUR in all things.” (Titus 2:10, Lamsa Version)

“Looking for that blessed hope and the glorious appearing of THE GREAT GOD AND OUR SAVIOUR JESUS CHRIST.” (Titus 2:13, Lamsa Version)

mapapansin na nasa parehong talata ang dalawa, una, pinag-uusapan sa talata ang tungkol sa Diyos, at sino ang Diyos na iyon? siya ang tagapagligtas, ikalawa, sa huli ay inamin ni Lamsa na ang Diyos na Tagapaglitas na iyon ay si Jesucristo, gayundin ang sinabi ni Lamsa sa Roma 9:5 na nagsasabing:

“And the fathers, from among whom CHRIST APPEARED IN THE FLESH, WHO IS GOD OVER ALL, to whom are due praises and thanksgiving, forever and ever.Amen.” (Romans 9:5, Lamsa Version)

Kahit sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Colossas sa salin ni Lamsa ay pinatotohanan na Diyos talaga si Kristo na ganito ang sinasabi:

“For in HIM IS EMBODIED ALL THE FULLNESS OF THE GODHEAD.” (Colossians 2:9, Lamsa Version)

Gayundin sa huli ay sa Ebanghelyo ni San Juan sa unang talata ay pinatutunayan din ni Lamsa na ang Verbo o ang Salita ay Diyos:

“The Word was in the beginning, and that very Word was with God, AND GOD WAS THAT WORD.” (John 1:1, Lamsa Version)

Isa ring katangi-tanging bagay sa salin ni Lamsa ay ang patotoo niya sa pagiging ‘full of grace’ at pagkabirhen ng Birheng Maria, dahil diyan ay ilang beses na binanggit ni Lamsa na si Maria ay isang birhen at napupuno ng grasya, eto ang kanyang mga sinabi:

SI MARIA BILANG ‘FULL OF GRACE’

“And the angel went in and said to her, Peace be to you, O FULL OF GRACE; our Lord is with you, O blessed one among women.” (Luke 1:28, Lamsa Version)

SI MARIA BILANG ISANG BIRHEN

“Therefore the Lord himself shall give you a sign; Behold, A VIRGIN SHALL CONCEIVE and bear a son, and shall call his name Immanuel.” (Isaiah 7:14, Lamsa Version)

“Behold, A VIRGIN WILL CONCEIVE and give birth to a son, and they shall call his name Immanuel, which is interpreted, Our God is with us.” (Matthew 1:23, Lamsa Version)

Dahil diyan malinaw na tinutukoy na sa salin ng Lamsa si Kristo ay Diyos, at si Mari ay tunay na birhen at puno ng grasya, na siyang mariing itinatanggi ng mga INC na tatag ni Felix Manalo, at pinatutunayan lang niyan na ang ‘Church of Christ’ na tinutukoy sa Acts 20:28 na palaging ginagamit ng INC na pinatutungkol sa kanila, ay naniniwala na Diyos si Kristo at si Maria ay birhen at puno ng grasya na kaiba sa itinuturo ng INC ni Felix Manalo, kaya di akma na ito ay dapat ipatungkol sa kanila, dahil hindi sila naniniwalang Diyos si Kristo o Birhen si Maria o kahit puno man ng grasya. Dahil diyan mas lalong pinatutunayan ni Lamsa na ang tunay na Iglesiang itinatag ni Kristo ang tunay na Iglesia Ni Cristo ay hindi ang itinatag ni Felix Manalo noong 1914 kundi ito ay tumutukoy sa Iglesia Katolika na sumasampalataya tulad ng pinatotohanan ni lamsa na Diyos si Kristo at Birhen si Maria at napupuno ng grasya.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles