BAKIT KAILANGANG MAY EDAD PA BAGO BAUTISMUHAN?
BAKIT?
.
EH NAUUNA PA NGA ANG ESPIRITU SANTO BAGO MABAUTISMUHAN SA PANGALAN NG PANGINOONG JESUS AT PATI NA ANG BAUTISMO SA TUBIG.
.
.
Gawa 8:14-17 Nang mabalitaan ng mga Apostol sa Jerusalem na tinanggap na ng Samaria ang SALITA NG DIYOS, sinugo nila roon sina Pedro at Juan. Pagdating nila roon, nanalangin sila para matanggap ng mga Samaritano ang Espiritu Santo, .
16 sapagkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila; nabinyagan lamang sila sa NGALAN NG PANGINOONG JESUS.
17 Kaya ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang mga kamay sa kanila, AT TINANGGAP NILA ANG ESPIRITU SANTO.
.
Gawa 10:44 Nagsasalita pa si Pedro nang bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nakarinig sa Salita. Namangha ang mga Judiong mananampalataya na kasamang dumating ni Pedro at ibinigay rin pala sa mga dayuhan ang kaloob na Espiritu Santo!.
46 Sapagkat narinig nila ang mga ito na nagsasalita sa iba’t ibang wika at nagpupuri sa Diyos. At sinabi ni Pedro: “May makakahadlang ba na binyagan sa TUBIG ANG MGA TAONG ITO? Tinanggap na nila ang Espiritu Santo tulad natin.
.
Gawa 19:2 Sinabi niya sa mga ito: Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang kayo’y SUMAMPLATAYA?” At sumagot sila: Hindi! Hindi pa namin naririnig kailanman na may natatanggap palang Espiritu Santo.” —
3 At tinanong niya: “Kung gayo’y anong klase ng binyag ang inyong tinanggap? “Sumagot sila:”Ang binyag ni Juan.” At sinabi ni Pablo ” BINYAG NG PAGSISISI LAMANG ang binyag ni Juan, Sinabihan din niya ang bayan na sumampalataya sa taong darating na kasunod niya, at ito si Jesus.
.
Note: Ngayon may edad ba ang Espiritu Santo at kailangan pang may edad tayo bago maging BORN FROM ABOVED.???
.
John 3:3(NET), Jesus replied, “I tell you the solemn truth, unless a person is BORN FROM ABOVE, he cannot see the kingdom of God.” —
.
John 3:5 Sumagot si Jesus: “Talagang talagang sinasabi ko sa iyo, walang makapapasok sa kaharian ng Diyos kung hindi siya isisilang mula sa tubig at Espiritu.
.
Laman ang isinilang mula sa laman at espiritu ang isinilang mula sa Espiritu.
.
.
So kung espiritu ang isinilang mula sa Espiritu para maging born from aboved bakit hihintayin mo pang magka edad.?
.
Hanggat maaari binyag kaagad para maging anak agad tayo ng Diyos.
.
Gal 4:6-7 Mga anak kayo kayat ipinadala ng Diyos ang Espiritu ng kanyang anak sa ating mga puso, na tumatawag ng malakas: “Abba, Ama!” 7 hindi ka na alipin kundi anak; at kung anak, tagapagmana na rin sa habag ng Diyos.
.
Efeso 1:5 itinalaga niya tayong AMPUNIN mula sa walang-hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo at para sa kanya, ayon sa mapagmahal na kalooban
.
God bless us always.